LARAWAN

9 1 0
                                    

LARAWAN

Sa isang sulok ng silid ko

Nakadikit ang iyong litrato.

Sa bawat paggising ko
Palaging natutulala sa larawan mo

Kahit na sa tuwing pagtitig ko sa larawang 'yon ay sumisikip ang dibdib ko

Tila ba nauubusan ng hangin ang katawan ko.

Sapagkat sa bawat pagtingin ko sa litratong ito

Bumabalik sa isip ko kung paano ka tumalikod at naglakad papalayo sa isang tulad ko.

Larawan mo na lamang ang tititigan ko

Sapagkat kahit anong gawin ko,

Tanging larawan mo na lamang ang hawak-hawak ko

Dahil hindi ko na mahahawakan ang kamay mo.

Hindi mo sinabi ang dahilanBasta ka na lamang tumalikod at umalis ng walang paalam,

Hindi ko na maibabalik ang nakaraan

Hindi ko na muling mararanasan ang ika'y hagkan.

Kaya larawan mo nalamang ang iingatan ko,

Dahil alam kong malabo nang ika'y bumalik sa piling ko.

Copyright © Abigael Villano (Gaellicious_13) 2021

Spoken Poetry Collection by Gaellicious_13Where stories live. Discover now