PAGKALIMOT

10 0 0
                                    

PAGKALIMOT


Gumawa ulit ako ng tula

Ngunit sa pagkakataong ito'y hindi na luha ang makikita

Sapagkat nakalimot na

Nalimutan na ang sakit na aking dala

Sakit na dulot mo na dati saking nagpahina


Ngayon,

Papatunayan ko sayo

Na ipagpapatuloy ko ang buhay ko

Kahit wala kana sa piling ko.

Ibabalik ko yung dating ako

Nung di ka pa dumadating sa buhay ko


Tama na ang pagpapakatanga

Natapos na ako sa pagdadrama

Sapagkat namulat na ako sa katotohanang hindi tayo para sa isat-isa

Na may nakalaan sayong iba

At hinding hindi ako magiging siya.


Copyright © Abigael Villano (Gaellicious_13) 2021

Spoken Poetry Collection by Gaellicious_13Where stories live. Discover now