MALAYA KA NA

6 0 0
                                    

MALAYA KA NA


Tatlong salita, sampung letra

Salitang ayaw ko sanang sabihin, ngunit kailangan na.

Hindi dahil suko na ako

Kundi dahil pagod kana

Sa tuwing ako'y nag iisa

Sa apat na sulok ng aking silid ika'y naaalala

Bakit ngayon pa?

Bakit sumuko ka.

Hindi maalis sa aking isip ang mga alalang ikaw at ako ang gumawa.

Na sa bawat galaw ng aking katawan ay sumasagi sa aking isip kung gaano kita kamahal, ngunit wala na, wala ng pag asa.

Mahirap tanggapin,

Mahirap paniwalain,

Ang puso at matang sayo lamang may pagtingin.

Ngayong sumuko ka na,

Tatanggapin ko ang sakit na ikaw ang nagdala.

Hindi ko na ipipilit pa,

Sapagkat ayoko ng maulit pa.

Ayoko ng maulit pa ang sakit na naramdaman,

Dahil lang sa salitang pagmamahal.Ayoko na muling sumugal,

Para sa taong hindi ako kayang pahalagahan.Ayoko ng lumaban,

Ayoko ng ipaglaban,

Ang relasyong ating sinimulan,

Dahil kahit naisin ko pa ay wala rin namang magbabago sa iyong tinuran.Kahit naiisin ko pa ay tuluyan na akong nawalan ng puwang,

Tuluyan ng sumuko at hindi na inintindi ang aking dahilan.Mahal kita at patuloy paring minamahal.

Ngunit hindi na maibabalik ang dating pinagsamahan dahil sa salitang pagmamahal lang.

Ngayon bibigkasin ko na ang salitang hindi ko inakalang sasabihin ko,

Gayong nais ko pang manatili ka sa piling ko.Ngunit kailangan ko na,

Kailangan muna natin siguro ang salitang pahinga.Mahal mag iingat ka,

Wag mong kakalimutan ang mga sinabi ko nung may 'tayo' pa.Mahal,Malaya ka na.


Copyright © Abigael Villano (Gaellicious_13) 2021

Spoken Poetry Collection by Gaellicious_13Where stories live. Discover now