HINDI KA MASAYA, NASASAKTAN KA!

11 0 0
                                    

HINDI KA MASAYA, NASASAKTAN KA!


Sabi mo kapag mahal mo gagawin mo ang lahat maging masaya lang sya

Kahit palayain sya ay gagawin mo makita mo lang syang masaya

Sabi mo masaya ka kung masaya sya

Subalit alam mo sa sarili mo na mali ka

Dahil ang totoo? 

Nasasaktan ka kapag nakikita mo syang masaya.

Hindi nga lang sayo kundi sa piling ng iba.

Pinilit mong mag mukhang masaya,

Pinilit mong itago ang sakit na nadarama,

Pinilit mong ngumiti sa harap niya,

Para lang ipakita sakanya na masaya ka dahil masaya siya

Kahit pa durog na durog ka na

Hindi ka masaya dahil nasasaktan ka!

Sino ba ang taong magiging masaya kapag nakita niya yung taong mahal niya sa piling ng iba?

Hindi totoo na kapag masaya siya masaya karin!

Kasi ang totoo siya masaya pero ikaw nagdurusa.

Siya masaya habang ikaw wasak na wasak na.


Copyright © Abigael Villano (Gaellicious_13) 2021

Spoken Poetry Collection by Gaellicious_13Where stories live. Discover now