Nag iisip na si Randa kung paano pipigilan ang 'ama' sa pangingi-alam sa buhay ng iba at higit sa lahat ay kung paano sila lalaya sa 'libingan' na pinagsadlakan sa kanila.
"It's now or never, kailangan'g kumilos na ako. Hindi ako papayag na magdusa ang anak ko dahil sa lolo niya!"Samantala muling nabuhay ang interes ng dating Presidente na si Mike o Miguel Aguilos the third na muling tumakbo sa pulitika. Aagawin niya ang kinang ng presidente ng kasalukuyang administrasyon.
"I will distribute some of my properties for the less fortunate familys!"Actually, compare kay Lazami ay di hamak na mas magaling at mas may puso ang dating pangulo na tinalo ni Lazami pagkatapos ng dalawa'ng magkasunod na termino nito.
Siya ang tanging pangulo na nakapag bigay ng libreng pabahay sa mga walang sariling tahanan at nakapagbigay ng maraming trabaho. Kaya lang sa panahon ng pamumuno niya ay hindi niya binigyan ng pansin ang Baranggay Baki-an dahil sa grudges na nag ugat sa pagiging babaero ng kanyang ninuno."It's time for reconciliation. Makukuha ko na ang boto nila, makikilala ko pa ang mga long lost relatives ko sa father side!"
Napangiti ang butihing misis ni Aguilos.
"Matagal ko na'ng sinasabi sa iyo yan di ba? Now finally, you listened!"Inakbayan ni Mike ang asawa at tinamnan ito ng halik sa tuktok ng ulo. Maliit lang at hindi gaano kagandahan si mrs. Rebecca o Vicky Aguilos pero matalino ito, simple at saksakan din ng bait.
Medyo matagal din ang ipinaghintay ng dating first lady bago nito nakuha na'ng buo ang puso ng asawa na naging bilanggo sa sobra'ng pagmamahal kay Divina.
"Thank you for being my friend, my confidant and my wife!"Yumakap na'ng mahigpit at sumiksik na parang pusa sa leeg ni Mike ang asawa.
"That's the reason why i married you, to be your everything!"Lugmok na lugmok noon si Mike na'ng makilala ni Vicky na isang social worker at nagtatrabaho sa isang charity hospital bilang tagabigay ng discount sa mga pasyente'ng kulang o walang pambayad sa bill.
Medyo lasing noon ang lalaki na galing sa inuman kasama ang kanyang mga kaibigan na'ng mabangga ang sasakyan niya sa isang motorsiklo'ng nakasabayan niya sa Edsa. Dahil nagbabaka-sakali siya'ng pigilan ang kasal ng kasintahan sa abogado ng pamilya nito at matalik na kaibiga'ng si Narciso Lazami ay hindi niya hinintuan ang kawawang pobre.
"Im sorry mister, hahanapin na lang kita mamaya o bukas sa mga hospital. Importante ang lakad ko, buntis na ang girlfriend ko kaya sa akin siya dapat makasal!"
Pero nabigo si Mike, tapos na ang kasal nang dumating siya sa simbahan. Gusto sana niya'ng suntukin ang kaibigan sa pagta-traidor nito sa kanya pero hindi na siya nag eskandalo at tinanggap na lang nang maluwag ang pagkabigo.
"Mahalin mo lang nang lubos ang mag ina ko, baka sakaling mapatawad din kita."Dahil sa sama nang loob, itinuloy nito ang pag inom sa isang bar kaya hindi niya natupad ang pangako'ng hahanapin ang lalaking naka-banggaan.
Nang magising siya kinabukasan ay yun agad ang pumasok sa isipan niya.
"I have to find him, he may be needing help!"Dahil malapit sa Ortigas ang aksidente, doon siya sa Pasig police station nagtanong. Nagkataon nama'ng duty pa noon ang gumawa ng blotter report kaya natunton niya kung saang hospital dinala ang biktima. Sa surgery ward na niya ito natagpuan.
"Ako na ang magbabayad na'ng lahat lahat ng expences mo. Asan ang pamilya mo, gusto ko siyang makausap?""Nakapila po sa social service sir, nagbabaka sakali po'ng makahingi ng discount o tulong para sa bakal na ilalagay sa paa ko!"
"No need to ask. Wait, pupuntahan ko siya. Anong name mo?"
"Benito Pantig po!"
"Okey, sandali lang at pupuntahan ko siya!"
Pagdating niya sa social service room ay saktong pangalan'g Benito Pantig ang tinatawag. Bago pa niya tuluyang nalapitan o natawag ang pansin ay nakapasok na sa loob ng opisina ang misis ng pasyente.
"Ahm excuse me maam, you can call another patient. I'll pay every thing for this one!"
Sobrang napahanga noon si Vicky kay Mike kaya gumawa ito ng paraan para sila magkakilala at maging magka-ibigan.
Naging shock absorber ni Mike si Vicky lalo na nang naging usap usapan na hindi pantay ang trato ni Narciso sa panganay na si Miranda at sa dalawa nito'ng nakababatang kapatid na sina Shadie na nag iisang lalaki at Navie na bunsong babae.
At noong mabalita'ng namatay sa helicopter crash si Miranda ay kasama'ng umiyak ni Mike ang asawa.
"Ni hindi man lang muna kami nagka-kilala'ng mag ama bago siya nawala!""Hayaan mo na siya sa piling ni lord! Remember that everything happens for a reason, God has a better plan for both of you that's why He let it all happened. May isa ka pa'ng anak remember? Mickah is also a sweet child pero hindi mo gaano'ng napapansin..."
"Anong property ang balak mong i-donate sa mga less fortunate family?"
Naputol ang pagbabalik tanaw ng isip ni Mike sa nakaraan dahil sa tanong ng kabiyak."My share in Baki-an Valley! Kakausapin ko ang kamag anak ko'ng namamahala sa mga properties namin doon na kukunin ko na ang share ko at ibigay sa mga mahihirap na taga roon."
"Maganda ang plano mo pero sana, hindi kayo umabot sa point na kailangan niyong pag awayan ang lupa'ng yun. Remember, sila ang nagbabayad ng tax sa napakatagal na panahon, hindi ba? Hindi pwede'ng basta ka na lang papasok doon at babawiin ang share mo dahil kailangan mong magpabango sa mga tao!"
Natahimik si Mike, kahit kailan ay hindi siya binigyan ng makasarili o maling advice ni Rebecca, lagi nito'ng isinasa alang alang ang magiging damdamin ng iba.
"Yah, you're right! Any way, meron pa naman tayong mga lupa sa Davao at ako mismo ang nagbabayad ng tax doon!""Yung nasa Tagum? Oo, pwede yun! Pero yung plano mong pakikipag reconcile sa mga relatives mo sa Baki-an, ituloy mo pa rin!"
"Yes maam!"
Pinisil ni Mike ang maliit pero cute na ilong ng asawa'ng chinita na lagi niyang ginagawa tuwing natutuwa siya dito.
BINABASA MO ANG
The Farmer's Daughter...
RomanceHow will you able to forget and move on if everything you dreamed about or looking for someone to love, was already with the person you wanted to burry in the past. "Ang sakit ng dibdib ko ma, pa, ang sakit sakit!" "Sorry anak. Kasalanan namin kung...