Ipinagpatuloy ang pagsesemento sa natitirang pang isang kilometrong kalsada papunta sa sakayan ng jeep at kasabay nito ang puspusang panunuyo ng kampo ni Lazami sa mga taga Baranggay. Marami silang ipinangako sa mga naninirahan dito, tulad ng eskuwelahan, simbahan o kapilya, klinika at kung ano ano pa.
"Wag po nating kalilimutang isulat sa ating mga balota ang pangalan ni atty. Narciso Lazami, siya po ang magiging susi ng inyong pag unlad!"
Sabi ng campaign manager."Hay naku, wala nang hihigit pa kay Bobby bilang susi para sa amin. Kung wala siya, hindi niyo rin kami pakikinabangan!"
Sabi ni kag Temiong na sinang ayunan ng iba."Sino po si Bobby?"
"Siya ang bayani namin dito, at wala nang hihigit pa sa kanya!"
"Pwede ba namin siyang makilala para naman, mapasalamatan namin siya?"
"Huwag niyo na'ng hangarin dahil hindi maepal ang anak ko. Ayaw niyang nai-expose siya at lalong ayaw niyang pinupuri at pinapasalamatan, ganyan dapat ang ugali ng mga pulitiko, pasensiya na, hindi ko man nilalahat, pero marami sa kanila ay mga ipokrito at pakitang tao!"
"May balak po ba'ng tumakbo sa kahit anong position ang anak niyo?"
"Naku wala! Kuntento na daw siya sa pagiging magsasaka habang buhay, haha!"
Parang nakahinga nang maluwag ang campaign manager.
Bago nag election ay grumadweyt na sa elementary si Zam at siya ang valedictorian.
"Congratulations anak, next year ay high school ka na. Doon ka na sa kabilang Baranggay mag aaral!""Bakit doon pa? Ganun din lang naman na maglalakad nang malayo at tatawid sa tulay, eh doon na sa bayan. Kahit ako na ang maghahatid at susundo sa apo ko!"
Salungat ng kapitan kay Randa."Ah eh, sige po, payag po ako kahit saan lolo!"
Hindi na kumibo sina Randa at BobbyNaging puspusan din ang pagtuturo ng huli sa anak ng ibat ibang martial arts at pag gamit ng mga armas. Tulad ng pana, hunting knife, arnis, chaku at latigo.
"Alam mo yan lahat pa?""Of course!"
"Sino po ang nagturo sa inyo, si lolo po ba?"
"No anak, sa... Work ni papa dati. Isa pa ,ginusto ko lang na matutunan para maipagtanggol ko ang mama mo at saka ikaw!"
"Pati sina lolo at lola?"
"Syempre, pati sina lolo Elyong at lola Puring mo!"
Natuwa si Zam sa sagot ng ama pero may follow up question ito na pinaka iiwasan niya.
"Ano po ba kasi ang work niyo dati?""Ah eh... Tara na, masyado na tayong late sa training. Dapat mahusay ka na talaga bago magpasukan Kasi maraming bully sa highschool, ayokong may bu-bully sa iyo,okey? Kasi hindi kita pwedeng bantayan sa loob ng class room, bawal na ako doon."
"Dont worry pa, kapag mahusay na ako at malaki na, ako na ang magtatanggol sa inyo nina mama, lolo at lola. Bubugbugin ko lahat nang mang aaway sa inyong apat!"
Niyakap ni Bobby ang anak na sa edad nitong eleven ay halos umabot na sa kili kili niya sa taas niyang 5/11.
"Aasahan ko yan anak, haha!"
Nang araw ng election, halos lahat nang mga matured na taga baranggay Baki-an ay lumuwas sa bayan para mag boto maliban sa mag asawang Bobby at Randa.
"Bobby, Randa, tara na!"
"Kayo na lang po nay, tay, wala po kaming napili'ng kandidato eh! Maghahasik na lang po ako ng pataba ngayon sa mga punla ko!"
Nagkatinginan ang Kapitan at si aling Puring, saka ngumiti ng may malisya.
"Siya sige pag igihan mo at baka sakaling masundan na si Zam!"Namula ang mga pisngi ni Randa na noon ay palabas na ng bahay para maglaba sa tabi ng poso sa likod ng bahay.
"Kayo talaga, hindi halata na sabik na kayo sa bagong apo, hahaha!"Pagka alis ng mag asawa ay lumusong na sa bukid si Bobby, dala ang balde na pinaglagyan ng abono. Inumpisahan na din ni Randa ang paglalaba, kasama ni Zam. Nakatapis lang si Randa at naka shorts lang si Zam.
Samantala sa ibang mga bahay ay kanya kanya din ng gawain ang mga teen ager na naiwanan ng mga magulang. May naglilinis ng bahay, may mga nag ga-garden, may nagluluto at may mga nagbabasa ng libro.
Wala silang kamalay malay na may mga kalalakihang hindi taga roon ang dahan dahang pumapasok sa mga bakuran para maghanap ng mga mananakaw. Hindi pansin ng mga kabataan ang mga aso na nagkakahulan.
Ganun din sa 'little kingdom' nina Bobby at Randa.
"Bakit kaya ang iingay ng mga aso?""Baka po may pumasok na ibang aso kaya nagagalit sila!"
Tinuloy nila ang paglalaba habang pakanta kanta pa.Nagulat pa sila nang bumulaga sa harap nila ang isang lalaki na may hawak na kutsilyo at halos lumuwa ang mga mata sa pagtitig sa cleavage ni Randa.
"S-sino kayo, a-anong kailangan niyo? Kung manghihingi kayo ng gulay o itlog, b-bakit may kutsilyo pa kayong dala? "
Alam ni Randa na hindi taga roon ang lalaki dahil halos kilala na niya ang lahat ng mga taga Baki-an, kung hindi man sa pangalan ay sa mukha. At ang taong nasa harap nila ngayon ay noon lang nila nakita."Hindi ko kailangan'g manghingi miss beautiful dahil sa ayaw at sa gusto mo, kukunin ko ang lahat nang maibigan ko at kasama ka doon!"
Sabay lapit ng lalaki kay Randa na halos tumulo na ang laway sa sobrang pagnanasa.Wala itong kamalay malay na tumityempo lang si Zam. Pinakikiramdaman ng bata kung kaya na ba niyang makipag laban nang totohanan. Pero nasa panganib na ang nanay niya, ah bahala na!
"IYAAAHA!"
Lumipad sa ere ang mga paa ni Zam at dumapo sa batok ng lalaki, tulog. Kung hindi nakaiwas si Randa ay baka dumagan ito sa kanya. Sinundan pa ni Zam ng siko ang batok nito para siguruhing mapapahimbing ang lalaki saka nagmamadaling kumuha ng tali sa loob ng bahay.Tinalian niya ang lalaki habang tinatawag naman ni Randa ang asawa sa bukid. Nang masigurong hindi na makaka alpas ang lalaki, kinuha ni Zam ang hunting knife na nakasabit sa pinto saka patakbong lumabas ng bakuran. Malakas ang kutob niya na hindi nag iisa ang lalaki at nasa ibat ibang bahay na ang mga kasama nito.
BINABASA MO ANG
The Farmer's Daughter...
RomanceHow will you able to forget and move on if everything you dreamed about or looking for someone to love, was already with the person you wanted to burry in the past. "Ang sakit ng dibdib ko ma, pa, ang sakit sakit!" "Sorry anak. Kasalanan namin kung...