Maraming naengganyo ang mga recruiters, isa dito ang nanay ni Laura.
"Nay bakit kailangan mo'ng umalis? Okey naman ang buhay natin dito ah!""Okey ba yung lagi na lang tayong nagtitiis sa ulam na palaka at puro gulay o di kaya'y maliliit na isda na nakukuha ng tatay niyo sa ilog? Panahon na para matikman naman natin ang matagal na'ng tinatamasa ng mga tao sa ibang lugar kaya huwag niyo na'ng pabigatin ang loob ko!"
Alam niyang wala nang magagawa para pigilan ang asawa kaya niyakap na lang ito ni Lito.
"Mag iingat ka doon, wag mo kami'ng iisipin lagi dito!""Oo, sige na... Ikaw na ang bahala sa mga bata at huwag na huwag ka'ng mambababae kung hindi ay gagantihan kita!"
Inip na sumigaw ang ahente'ng naghihintay sa jeep kasama ng mga ibang aplikante.
"Dali na at baka maiwanan tayo ng bus papuntang Maynila. Sa isang araw na ang flight niyo kaya dapat makasakay tayo ngayon!"Yun na ang umpisa ng malaking pagbabago sa lugar na yun. Unti unti nang yumabang ang mga tao, Halos lahat na kasi ng mga pamilya ay may isa o dalawang Ofw at paligsahan na sa pagpapa-renovate ng mga bahay, pagbili ng mga sasakyan, pagbili ng mga gadgets at mga appliances, at kung ano ano pa.
Palibhasa'y bata, hindi maiwasan ni Zam ang mainggit sa mga kababata.
"Pa, ma, bili na din po tayo ng ref at tv! Kahit huwag na'ng celphone o laptop. Tv at ref lang, okey na sa akin!"Nagkatinginan ang mag asawa dahil sa awa sa nag iisang anak. Kung alam lang nito...
"Sige anak, pagkatapos ng anihan ay bibili na tayo ng tv. Next harvest ay ref naman, okey?"
Tutuo sa loob na pangako ni Bobby sa anak."Anong tv tv? Unahin mo muna ang pagpapa doktor sa asawa mo Bobby. Tingnan mo si Randa, namumutla at nangangayayat, hindi mo ba napapansin?"
Sabat ni kapitan Elyong na bigla na lang sumulpot."Hayaan niyo na tay, kawawa nga din naman ang apo niyo, tutal hindi naman namin bibiglain ang pagbili eh! Isa pa, wala naman po akong nararamdaman. Nagda diet lang po ako kaya ako nangangayayat!"
Noon lang napagtuunan ng pansin ni Bobby ang hitsura ng asawa, tama ang sinabi ng ama amahan namumutla at pumapayat si Randa pero hindi siya nagpahalata.
"Bakit kayo napasugod tay? Nag tanghalian na ba kayo?"May nabakas na lungkot sa kulubot na mukha ng kapitan pero pinilit nitong ngumiti.
"Magkakaroon na tayo ng election para sa magiging bagong Baranggay captain, ayaw mo ba talaga'ng tumakbo?"Umiling si Bobby. Nagdadalawang isip siya kung sasabihin o hindi sa matanda ang dahilan kung bakit ayaw niya.
"S-sayang kasi kung matalo ako at sa maling tao mapunta ang posisyon. Nakita mo naman siguro kung gaano na kalaki ang ipinagbago ng ating mga ka-baranggay mula nang pumasok ang modernisasyon! Kinain na ng pera at mga mamahaling gamit ang utak at konsensiya ng mga tao!"
"S-sa tutuo lang po, nami-miss ko na ang dati nating buhay dito. Nung wala pa tayong kuryente at puro damo at putik pa ang kalsada!"
Sabi ni Randa sa garalgal na boses.Dalawang bagay kasi ang dahilan ng ikinalulungkot niya, ang pagkasira ng dating magandang samahan ng mga tao at ang pagkawala ng katahimikan sa buong Baranggay. Yung dati na ingay lang ng mga palaka ang nangingibabaw ay hindi na maririnig ngayon dahil halos twentyfour hours na kung magsipag videoke-han ang mga tao mapa lalaki o babae. At dahil halos lahat ay may mga pera na para pambili ng mga masasarap at mamahaling pagkain, ay nawala na rin ang mga garden sa harap at likod ng mga tahanan. Puro tong its, binggo, mahjong, face book, youtube, tiktok at Online games na ang inaatupag ng lahat mapa bata man o matatanda.
"Sorry po itay, hindi ko po talaga linya ang pulitika. Huwag po kayong mag alala dahil malakas ang kutob ko na kayo pa rin ang mananalo sa pagiging kapitan!"
"Pero mas kailangan ka ng Baranggay anak, ikaw lang ang karapat dapat na pumalit sa akin dahil ikaw ang tutuong may malasakit sa kapuwa!"
May punto ang kapitan dahil tutuong minahal na niya ang lugar na yun at wala na siyang balak iwanan pa. Pero paano siya magpa file ng COC nang hindi siya malalantad?
"Pag isipan ko po muna nang mabuti."Samantala, nakapagfile na ng certificate of candidacy si mang Temiong sa comelec at nag umpisa nang mangampanya.
"Tama lang na palitan na si tandang Elyong dahil wala naman talaga siyang nagawa para umunlad ang Baranggay natin eh! Matagal tayong nagtiis sa walang kwenta'ng pamumuno niya. Kung ako ang kapitan noon pa, matagal na sana nating natikman ang mga tinatamasa natin ngayon. Kaya ako ang iboto niyo at ipinapangako ko sa inyo mga kabaranggay ko na hinding hindi ko kayo bibiguin. Hahanap ako ng mga investors na maglalagay dito sa atin ng mga pasilidad na lalong magpapagaan sa buhay natin!"
Sabi naman ng ibang kandidato...
"Ako ang iboto niyo, dahil bilang isa sa mga taal na taga rito ay mas mabibigyan ko ng tunay na malasakit at pagmamahal ang lugar na aking kinamulatan. Wag kayong pipili ng isang dayo na ni hindi natin alam kung anong tutuong pagkatao..."Ang lahat nang iyon ay nakakarating kina Bobby at kapitan Elyong.
"Hindi mo pa ba napag iisipan Bobby? Bilisan mo na habang may panahon ka pa para humabol, kasi ako ay hindi na tatakbo. Nilason na nang husto ng traidor na si Temiong ang isip ng mga tao, wala na akong laban sa kanya. Palibhasa'y may ipinagmamalaki!"Graduate na kasi ang anak ni ka Temiong na dalaga at pinalad na maging secretary ni engineer Rusty at may bali-balita din na kalaguyo siya nito.
Huminga nang malalim si Bobby bago sinagot ang kapitan
"Tay, panahon na siguro para ipaalam namin sa inyo ang tutuo!""Anong tutuo?"
Tumingin si Bobby sa asawa at nakakaunawang tumango ito.
"Zam, lets go samahan mo akong pakainin ang mga isda!"Nang wala na ang mag ina ay inaya ni Bobby ang ama amahan sa loob ng bahay at doon sila nag usap sa pinaka sala habang nakasara ang pinto.
Nang matapos ang pagsasalaysay ni Bobby ay halos hindi maka move on ang matanda.
"Kaya pala... Sinasabi ko na nga ba at may itinatago kayong mag asawa sa amin eh! Alam na ba ni Zam na...""Hindi pa po. Saka na kapag nasa tamang edad na siya para mas maintindihan niya nang husto. Baka po kasi ma- overwhelmed at masabi niya sa kapuwa niya bata, haha!"
Napatango ang kapitan, mahirap nga naman kung maikuwento ito ni Zam sa iba dahil hindi pa niya alam ang magiging peligro sa kanilang mag anak.
BINABASA MO ANG
The Farmer's Daughter...
RomanceHow will you able to forget and move on if everything you dreamed about or looking for someone to love, was already with the person you wanted to burry in the past. "Ang sakit ng dibdib ko ma, pa, ang sakit sakit!" "Sorry anak. Kasalanan namin kung...