Chapter 64: Naglabas ng saloobin si Rusty

173 6 0
                                    

Pag uwe ni Rusty sa kanila ay dinatnan nito ang tatlong malalaki'ng maleta na naka-balandra sa sala.

Tinawag niya ang isa sa mga katulong pero si Elena ang lumabas.
"K-kanino ang mga ito?"

Ngumisi ang babae saka umupo nang pa de-kuwatro sa sofa.
"Sa iyo, inihanda ko na para hindi ka na maabala!"

Nanlaki ang medyo singkit na mga mata ng lalaki sa pagka bigla.
"WHA-WHAT, ARE YOU CRAZY?"

Kalma pa rin ang babae na akala mo normal lang ang pinag uusapan nila.
" Yes! Tama ang narinig mo at andiyan na lahat ang mga gamit mo pati ang mga personal na asset mo para hindi ka na magpa balik balik. Dahil paglabas mo ng main door, wala ka na'ng access dito, okey?"

"A-anong kabaliwan ito Elena? Pwede ba, magulo ang isip ko at wala ako'ng panahon para makipag lokohan sa yo!"
Tuloy tuloy ito'ng lumakad papunta sa kuwarto.

"Bakit, kailan ba hindi naging magulo ang isip mo? Well, palagay ko nga. Dahil kinakabahan ka na ngayon na baka buhay pa yung tao'ng pina ambush mo at balikan ka hindi ba?"

Napatigil sa pagpasok ng kuwarto si Rusty at pulang pula ang mukha na lumingon kay Elena.
"W-what do you mean?"

"To hell! You know exactly what i mean! Huwag ka nga'ng magtanga-tangahan Rusty! I know where your mistress live and i know what you did last night!"

Nagdidingas ang mga mata na sinugod ni Rusty ang asawa nang ma-realized na may alam ito sa mga nangyayari.
"Y-you eavesdropped? You listened to... What did you hear and what else do  you know about yesterday?"

"Why should i tell you? Hintayin mo na lang ang mga consequences ng mga actions mo, hahaha!"

Nagpanting ang mga tenga ng lalaki, hinablot niya'ng patayo ang asawa mula sa kinauupuan nito.
"Tell me what else do you know, TELL ME!"

Patuloy sa paghalakhak si Elena na sadyang nang aasar kahit niyuyugyog na siya ni Rusty sa magkabilang balikat.
"Tell me bitch,or i will kill you!"

Doon na nagbago ang anyo ng mukha ng abogada. Hinablot niya ang kamay mula sa pagkakahawak ng lalaki at ubod lakas ni sinampal ito.
"Don't you dare calling me bitch again idiot! Dahil kahit minsan ay hindi ako nagkasala sa iyo, not even in my wildest dream. Ikaw ang hindi nagsasawa'ng saktan ako na'ng paulit ulit kahit pa dito sa loob mismo ng pamamahay ko, kapal ng mukha mo!"

Hindi nakasagot si Rusty, tahimik siya'ng nakatitig sa asawa habang sapo ang pisngi na dinapuan ng kamay nito. Tama ang sinabi ni Elena, makapal ang mukha niya dahil kung tutuusin, ay wala siyang karapatan sa mansion na tinitirhan nila sa Sampaloc dahil minana ito ng babae sa mga magulang bago sila ikinasal.

Nang makabawi ay dinuro niya ito sinumbatan na'ng hindi nag iisip.
"It's your fault dahil baog ka! Hindi mo ako kaya'ng bigyan ng kahit isang anak kaya bakit hindi ko ito hanapin sa iba?"

Hindi malaman ni Elena kung matatawa o maiinis sa sinabi ng lalaki, fake nga yata ang utak nito, no wonder na ni wala ito'ng matino'ng nagawa sa buhay.
"Ako ba, narinig mo'ng nagreklamo nang tulad sa reklamo mo? Hindi! Samantala'ng sa dinami dami nang mga naging babae mo, ay walang  nakapagbigay sa iyo ng anak kahit isa dahil ikaw mismo ang baog at hindi ako, stupid!"

Parang bumalik sa utak ni Rusty ang mga pagmumura at mga panlalait ni Lazami sa kanya kanina. Ang mga pagtawag nito sa kanya ng stupid, idiot at higit sa lahat ay ang sinabi'ng bobo at immoral si Luzel. Dahil dun ay nagdilim ang utak niya at ang tingin niya nang mga sandaling yun kay Elena ay si Narciso Lazami.

"SUMUSOBRA KA NA! ANG TAGAL KO NA'NG NAGTIIS SA MGA PANGMAMALIIT MO SA AKIN, PAPATAYIN KITA!"

Nataranta ang mga katulong na kanina pa nakikinig.
"Nakupo, papatayin na daw ni Engineer si attorney, tumawag kayo ng security, daliii!"

Hinawakan ni Rusty sa leeg si Elena pero nakatakbo ito papunta'ng kuwarto para kunin ang sarili nito'ng baril na nasa drawer. Hinabol siya ni Rusty kaya bago niya ito nahawakan ay naibalya na siya ng lalaki sa kama.
"Papatayin muna kita bago ako makulong, tutal sira na'ng lahat ng plano ko!"

Hihilain na ni Rusty ang drawer pero nakalapit na uli sa kanya si Elena at kinubabawan siya nito sa likod.
"Umalis ka diyan, papatayin kita!"

"Someone call a police, hurry!"
Sigaw ni Elena sa mga kasambahay na hindi malaman ang gagawin.

Hindi mahawak hawakan ng lalaki ang baril dahil mahigpit ang kapit ni Elena sa leeg niya, kaya napapa atras siya sa bigat nito.
"PUT..."

Nang mabakbak niya ang kamay ng asawa sa likod ay inisang hakbang niya ang kinaroroonan ng bukas na'ng drawer sabay sunggab sa baril at itinutok sa babae na nakalupasay sa sahig.

"You forced me to do it! Minahal kita Elena, God knows i did. But you kept reminding me that i am nobody, that i am nothing compare to you. Kumapit ako kay Lazami, pumayag ako'ng maging tuta niya, ginagawa ko ang bawa't utos niya sa akin kahit labag sa loob ko dahil umasa ako sa mga pangako niya na tutulungan ako'ng umangat para makaagapay sa yo. For so many years umasa ako, pero wala'ng nangyayari! You know why i love this woman in the valley? Kasi mas mababa siya sa akin, when I'm with her, my self esteem increases, she makes me feel like a hero. Kaya sinubukan ko'ng agawin ang lupa ni Aguilos para ibigay sa kanya at sa pamilya niya!"

Hindi sumasagot si Elena pero nakaramdam siya ng habag sa asawa, siguro nga ay hindi siya aware na sumosobra na pala siya. Hindi niya naisip na natatapakan na pala niya ang pagkatao ng asawa. Hindi niya alam na may ganun na pala'ng nangyayari sa pagitan nila, nagkulang siya ng respeto at pagpapahalaga.

"I-im sorry, i didn't know!"

"Of course you didn't know, dahil busy ka sa career mo, lasing ka sa mga nakukuha mo'ng respeto mula sa mga tao'ng natutulungan mo, haling ka sa mga achievements at sa mga awards na natatanggap mo taon taon, habang ako... Isang pasa'ng awa na engineer na nagmula sa walang sinabi'ng pamilya!"

Gustong gusto na'ng yakapin ni Elena ang asawa lalo na na'ng mag unaha'ng pumatak ang mga luha sa pisngi nito.

The Farmer's Daughter...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon