Chapter 56: Double Celebration

138 6 4
                                    

Parang bata'ng nagmaktol si Davin, may padyak pa'ng nalalaman habang naka cross armed.

"Pano 'to ate Lau? Siya na nga ito'ng nagpahalik sa iba, siya pa ang may gana'ng magtampo!"
Alanganing matawa at mainis si Zam.

"Ewan ko sa inyong dalawa, pero okey lang ako'ng mag overnight, alam na rin ni Zobed actually kaya ikaw na lang ang problema!"

"Kung ako lang, okey lang din naman. Pero ang parents at lolo't lola ko? Ano'ng sasabihin ko sa kanila?"

Ngumiti si Davin na naiintindihan ang usapan nila. Sininyasan nito si Tommy na nasa di kalayuan na agad namang lumapit.
"Give me my phone!"

"Yes my prince!"

Agad dumayal si Davin sa phone habang nagtatalo pa rin ang dalawang babae.

Maya maya ay lumapit ito sa dalawa habang abot sa magkabilang tenga ang mga ngiti.
"Lets go! My future inlaws said its okey... You can sleep next to me tonight, provided that i will marry you first thing in the morning! Are you ready mrs. Davin Cuzzak?"

"Loko loko! I don't think papa will agree just easy as that. I'll call them myself, wait..."
Dumayal sa mga magulang si Zam.

"O Zam, anything else?"
Halatang masaya ang boses ni Bobby sa kabilang linya.

"Pa, tutuo ba'ng pumayag kayo?"

"Oo naman anak.  We trust you and all your decisions, we know that you always do the right thing!"

"Thank you pa, ma, i love you po!"
Maluha luha si Zam sa magkakahalong emotion. Saya, lungkot, takot at excitement.

"So, lets go now?"
Tumango si Zam at masaya na sila'ng nagsipag sakayan sa kotseng minamaneho ni Lando.

Samantala, nang mga oras na yun ay magkasama na rin ang mag ama'ng Narja at Lazami sa private resorts na binili ng huli para sa anak.
"You stupid girl, bakit mo ginawa yun, hindi ka na nahiya! Masyado mo'ng pinababa ang sarili mo!"

"Okey lang yun dad, para hindi na magtaka ang mga tao kapag ikinasal kami ni Davin. Hindi yung, ni hindi kami nagpapansinan tapos all of a sudden malalaman nilang kasal na kami!"

"Sabagay... Pero pano mo ipaliliwanag yung pagtulak o pagtabig sa yo nung tao?"

"Just read the article dad, nakalagay doon na may tampuhan kaming dalawa and that he's using the poor girl to get even with me!"

Proud na inakbayan ni Narciso ang anak.
"Manang mana ka talaga sa akin haha! Bueno, pack all your things up because you're going back to your mother tomorrow to prepare for your wedding with the prince! Doon na tayo magpapa-party para sa thanks giving, okey?"

"Okey dad, thank you so much! Muaaah!"

Wala sila'ng kamalay malay na kausap na rin ni Davin sa telepono ang abogado niya para sa secret wedding nila bukas.
"Thank you atty, i'll expect you here tomorrow between ten am to eleven thirty because my flight to Cuziba will be at two pm!"

"Okey sir!"

"Atty, please keep this marriage a secret until the whole thing is completely done, thank you!"

Nang araw ding yun ay bumalik na sa condo si Zeny dala ang bagong silang na anak para uling tumao sa condo ng binata.
"This will be a double celebration for Zeny's return and of course for the completion of my studies here!"

Nagpadeliver ang binata ng mga pagkain galing sa kanya'ng hotel at kumain sila'ng kasama ang mga tauhan.

"Toast for the soon to be husband and wife!"
Itinaas ni Laura ang hawak na golden goblet na may lamang juice at nagsigayahan din ang iba.

"Oh how i wish my baby Zobby is also here tonight!"

"Your man is busy making money Lau, but don't worry i will  let him take another leave on my second wedding celebration with Zam, as my best man! Right sweetheart?"

Ngiti lang lagi ang isinasagot ni Zam, lunod na lunod siya sa kaligayahan at pakiramdam niya ay sasabog na sa sobrang kaligayahan ang kanya'ng puso.

Bawat dantay ng mga kamay ni Davin sa balikat, hita at mga braso niya ay parang asido na nagpapalusaw sa mala bakal niyang paninindigan. Sumusuko na ang kanyang kaibuturan at anumang oras na atakehin siya ni Davin ay babagsak na ang Bataan.
"Oh Davin!"

Panay din ang bulong sa kanya ni Davin na halata'ng sabik na sabik na rin sa binabalak na paglusob sa kuta ng kasintahan.
"When will they gonna leave? "

Kukurutin niya ito ng pinong pino at saka maggagalit galitan gayung  ganoong ganoon din ang nasa isip niya.
"Shh, Don't be rude!"

Na'ng sa wakas ay matapos din ang para sa magkasintahan ay pinaka mahabang oras ng dinner sa kanilang buhay at magsi-alis na ang mga tauhan maliban kina Zeny at Tommy ay binuhat ni Davin ang dalaga papasok sa kanyang kuwarto ay ipinaubaya na kay Laura ang dating ginagamit nito.
"Ay, buanga! Where will you take me?"

"Where else? Of course in the couple's room! We're getting married tomorrow, remember?"
Sagot ni Davin na pakindat kindat pa.

Tunaw na tunaw na si Zam nang ilapag siya nito sa kama at simsimin ang lahat ng parte ng katawan nito. Konting konti na lang ang natitirang hibla at sasabog na ang pagtitimpi ng dalaga.

"D-Davin n-nooo!"
Pero kulang ang kanyang pagtutol, walang lakas at alam ni Davin yun.

"Why not, Sweetheart? We're husband and wife soon!"

"I-i'm not ready..."

'Brrrt brrrt brrrt'
Celphone ni Davin ang tumunog na nasa ilalim ng lamp shade.

"T-take it, maybe it's important!"

Padabog na dinampot ng binata ang celphone at saka sinagot.
"Heloo!"

"Congratulations, when will you come home honey?"

Nai-atras ni Davin ang celphone para tingnan kung sino ito'ng tumatawag sa kanya ng honey.
"Mom?!"

"Yes! Who else?"

Naisip ni Davin na pagkakataon na para magpaalam sa ina, alam niya'ng hindi ito tatanggi kaya sasabihin niya dito ang tutuo. Pero naunahan siya nito sa pagsasalita.
"Come home and don't delay, your bride will be here tomorrow and..."

"What?!"
Halos mabingi ang ina ni Davin sa lakas ng boses niya at ni hindi na nito natapos ang sasabihin.

"Thats insane mom! I'm getting married tomorrow with Zam and no one can stop us! If not with Zam, i will never ever marry any one else!"
Nanginginig ang buong katawan ni Davin sa sobra'ng galit kahit hindi pa man niya nakukumpirma kung sino ang bride na tinutukoy ng ina.

Dahil dun ay pareho na sila'ng nawalan ng gana na ituloy ang naumpisahan na kanina.

The Farmer's Daughter...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon