Hole ✔️

300 16 35
                                    

Requested by; Rishmayfrancisco

Jackque's POV

Naka-higa lang kami ngayon ng asawa ko dahil medyo late na rin at pagod talaga ako. Plano ko na talaga sanang matulog pero iba naman ang plano nitong kasama ko. Kanina pa s'ya sumisiksik at nangungit sakin nang dahil sa isang bagay.

"Mahal... Dali na kasi" Mahinang bulong n'ya pa sa tenga ko at marahang humalik-halik sa leeg ko.

"Vice... Late na. Antok na antok na ako"

"Matutulog naman na tayo after, Mahal"

"Bakit ba kasi?"

"Gawa na tayong Baby. Gusto ko na ng Baby eh"

"Bukas na. Gabi na oh" Pagrarason ko nalang pero umungot lang s'ya at humiwalay sakin para tingnan ako ng masama.

"Mas maganda nga kapag ngayon tayo nagsimula eh. Dali na kasi, Mahal"

"Antok na ako"

"Ako naman ang gagalaw eh. Akong bahala sayo"

"Ikaw ang bahala tapos ako ang kawawa?"

"Hm... Medyo- pero parehas naman tayo mag-eenjoy eh. Promise!"


Nang dahil kasi sa isang contestant sa TNT na may kambal na anak ay bigla na s'yang nangulit. Gusto n'ya na rin daw na magkaanak kami at kung siswertehen, sana raw ay kambal kaagad. Boy and Girl.


"Kaya na ba natin?" Mahinang tanong ko kaya napa-isip s'ya at napa-nguso.

"Kakayanin natin basta magtutulungan tayo, Mahal"

"Mahal... Parehas tayong walang time... Iniisip ko pa lang na mawawalan tayong oras sa anak natin... nalulungkot na ako"

"Gagawa tayong paraan, okay? Kung kailangan nating umabsent, aabsent tayo. Kung kailangan nating magleave muna ng ilang buwan, gagawin natin. Ako ang bahala, Mahal... Hindi ko hahayaang mawalan tayo ng time for the Baby" Sinsero n'yang sabi tsaka ako medyo inangat para isandal sa headboard at niyakap.

"Let's make a baby na, please?"

"Vice..." Mahinang pagtawag ko nalang sakanya nang magsimula na s'yang halikan ako sa leeg.

"Hm?"

"I don't think ready na ako for a baby" Halos walang boses kong sabi kaya natigilan s'ya at tumingin sakin.

"I'm sorry, okay? Parang ang aga pa kasi sakin ng mga bagay-bagay. Kakakasal lang natin last December tapos ngayon... You already want a baby..."

"Ayaw mo pa ba talaga ng baby? Mahilig ka naman sa bata ah? You know how to handle kids very well" Pagtatanong n'ya, ramdam ko na nasaktan s'ya sa sinabi ko kaya naman marahan akong humawak sa pisngi n'ya at humalik.

"Gusto ko na rin ng baby, But... It's too early kasi, Mahal. I love kids. I know how to take care of them... It's just that... I'm scared..."

ViceJack Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon