Cap ✔️

351 23 6
                                    

Vice's POV

Kakauwi ko lang galing work nang makitang may post na naka-tag sakin. Automatic nalang na kumunot ang noo ko at binasa ang caption at ilang comments.


It's Jackque and Ion... wearing a same designed cap.


Magkasama sila ngayon para sa isang raket. Puro pa "Bagay sila!", "Couple cap!", at "Hala, Meme! Kabahan ka na! Hahaha!" ang mga comments. Napa-irap nalang ako.

"Couple cap ampt. Papasunog ko 'yang sumbrerong 'yan pag-uwi nila!" Inis kong naibulo tsaka kinuha ang phone ko sa bulsa at tinatawagn ang mga bakla.

"Hello? Hi Meme!" Masayang sagot nila mula sa phone.

"Sa'n kayo?"

"BGC, Me. Why po? Sunod ka rito?"

"Oo. Message nalang ako sainyo kapag malapit na ako" Nasabi ko tsaka binaba na ang tawag.

Nagbihis naman muna ako at nag-ayos ng konti tsaka ako gumayak paputang BGC. Mabuti nga at hindi ako inabutan ng traffic, usually kasi ganitong oras traffic na eh. Ngayon lang ata hindi.

Pagpasok na pagpasok ko sa Bar ay kaagad kong hinanap ang mga bakla. Naging madali lang iyon dahil rinig na rinig ko ang tawanan nila. Mga wala pang tama at mukhang hinintay talaga nila ako.

"Meme Vice is in the house!!!

"Hii Meme!!"

"Hello Ganda!!"

Sunod-sunod nilang bati kaya ngumiti at kumaway ako tsaka naupo na.

"Hii~"

"Ba't naisipan mo uminom bigla? Akala ko ba ayaw mo?" Pagtatanong pa ni Buern kaya kumibit-balikat ako.

"'la lang"

"Weh? Sus! Magkaaway ba kayo?"

"Hindi, Baliw 'to. Ba't kami mag-aaway?"

"Ewan ko sainyo... pero hindi nga?"

"Hindi kami magkaaway" Paglilinaw ko pa kaya natatawang tumango nalang s'ya, halatang hindi kumbinsido sa sagot ko.

"Tara na! Inom nalang!!"

"Woohh! Cheers!!" Nasabi nalang ng iba kaya natawa ako at sumang-ayon.

At least dito hindi ko maiisip ang mga nakita ko. Nakalimot man lang ako ng ilang oras.



Buern's POV

Aaminin kong medyo nagulat ako nang biglang tumawag si Meme. Ang sabi n'ya kasi bago kami maghiwa-hiwalay ay uuwi na s'ya at magpapahinga. Hihintayin n'ya nalang daw umuwi ang Baby n'ya at pagsisilbihin bilang alam n'yang pagod iyon galing raket.

Eh ngayon? Andito na s'ya at grabe pa uminom. Akala mo maaagawan eh. Ano kayang nangyari talaga rito? Hindi naman daw sila nag-away.

"Huy! Meme, Kaya pa? Ang dami mo na kaagad naiinom ah. Lagot ka kay Bebe mo!" Nasabi ko pa sakanya kaya napa-tingin s'ya sakin at tumawa lang.

"Kaya ko, Buern! Kayang-kaya! Ako na 'to ah. Ako lang 'to!" Tawang sagot n'ya pa, halatang lasing na talaga.

"Anong nangyayari ba talaga, Bakla? Ang sabi mo kanina hindi ka iinom kasi magpapahinga ka at hihintayin mo si Bebe? Anyare na?" Pagtatanong ko pa pero nginusuan n'ya lang ako.

"Ayaw mo ba akong kasama? Ang tagal ko na rin kayang hindi nakakasama sainyo"

"Hindi naman gano'n, Meme. Nagulat lang ako kasi bigla kang sumama tapos puro hard drinks pa ang iniinom mo. Mild ka lang naman uminom eh"

ViceJack Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon