Ball✔️

382 17 1
                                    

Ngayong araw na maglalaro ng Basketball ang mga players ng Team Vice or Showtime Team at ang Team Gerald sa All Star Game 2019.

"Hi Jackque! Where's your Boyfriend na? Late nanaman s'ya ah" Pagtatanong ni Anne kaya natawa si Jackque bago sumagot.

"OTW na daw po s'ya, Ate. Ewan po ba dun kung bakit late nanaman, eh kanina pa s'ya puro OTW. Aabangan na nga po namin ni Steph for the vlog sa YT ng Showtime"

"Kaloka talaga 'yung baklang 'yun. Ingat kayo ni Steph ah? Maraming tao, siksikan!"

"Opo, Ate. Thank you po"


Napa-ngiti nalang si Anne at tumabi na sa ibang players ng Showtime. Inalok naman na ni Jackque si Steph na mag-abang na ng mga player para sa vlog. Pumayag naman ito kaagad dahil gusto rin makita si Daniel Padilla.

Habang naghihintay ay naka-tanggap naman ng message si Jackque galing kay Vice. Napa-ngiti nalang s'ya dahil sa nabasa.


From: Baby Boy

Nasa parking na kami, Baby Girl! I can't wait to see you!

Nagreply naman kaagad si Jackque sa message nito.

I can't wait to see you too, Baby! Wait ka namin ni Steph dito.


Habang naghihintay ay dumating na si Daniel Padilla kaya kaagad naman kinilig ang dalawa. Ilang saglit lang din ay nakita na nila si Vice. Kitang-kita ito dahil bukod sa matangkad, angat din ang kulay ng buhok nito.

"Andito na po ang Captain ng Team Showtime! Vice Ganda!" Masayang nasabi ni Jackque sa camera.

"'di pa nagbibihis ang Boyfriend mo, Ate Jack!" Natatawang nasabi naman ni Steph kaya natawa rin si Jackque.

Habang papalapit si Vice ay natanaw n'ya na si Jackque. Nagmamadali itong lumakad para yumakap ng mahigpit sa nobya. Hinalikan n'ya pa muna ito sa pisngi bago humiwalay.

"I missed you, Baby Girl..." Mahinang bulong pa nito kaya napa-ngiti si Jackque.

"I missed you more, Baby Boy..." Mahinang sagot lang din ni Jackque tsaka humiwalay na sa pagkakayakap at bumaling na sa camera.

"Bilang Team Captain, Ano po ang game plan natin ngayon?" Seryosong pagtatanong ni Jackque sa nobyo, ngumiti naman muna ng nakakaloko si Vice tsaka sumagot.

"Ang game plan ng Team Vice-Showtime ngayon ay maglaro, entertain, magpasaya, at manalo, But syempre hiwalay ang plano ko as a Team Captain"

"Ano po ang plan mo as a Team Captain, Meme?" Pagtatanong naman ni Steph.

"As a Team Captain... Ang plano ko is every time na makakashoot ako, dapat may kiss ako from Ate Girl Jackque"

"Ba't nasali ako?" Tawang tanong ni Jackque kaya kinindatan s'ya ni Vice.

"Hindi ka ba payag, Ate Jack?"

"Hm? Pano nga kung sakaling hindi ako pumayag, Vice? May magagawa ka ba?"

"Pakipot pa ang Ate Girl Jackque natin, Madlang People" Birong sabi ni Steph kaya natawa sila.

"Gaga ka, Steph! Pero syempre kahit hindi ka pumayag... Gagawin ko pa rin! Ikikiss kita after the game- kapag wala ka ng kawala"

"Corner ka mamaya, Ate!"

"Ano kaya 'yun?" Natatawang tanong ni Jackque kaya natawa nalang sila, hinila naman na ni Vice si Jackque para makapasok sa DR kung nasaan ang iba lang host/players.

ViceJack Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon