BTS (Behind The Scene) ✔️

497 18 0
                                    

Kasalukuyang nasa isang Dressing Room ngayon ang magkaibigang Madc at Jackque Gyl. Bigla namang may naisip na content si Madc kaya kaagad n'ya itong sinabi at inalok kay Jackque.



"Jack! Gawin mo kaya 'yung “Pag tumingin ka, akin ka”? Uso 'yun eh"

"Pwede naman... pero kanino? Baka mamaya kung sino lang 'yan ah. Lagot tayo pareho!" Natatawang sagot ni Jackque kaya natawa rin si Madc.

"Syempre kay Bebe Boy mo gagawin- para safe at iwas sermon. Sakanya mo lang naman talaga dapat gagawin eh"

"Bebe Boy? Kay Vice?"

"The one and the only! Tara na! Hanapin na natin si Bebe Boy mo!"

"Okie!"


Hinila naman na ni Madc si Jackque palabas ng DR at nagsimula na ngang hanapin si Vice. Nakita lang nila si vice na nagcecellphone sa gilid kaya grinab na nila ang opportunity para makapag-video... ng palihim muna.



"Go na, Jack!"

"Hindi ba natin sasabihin muna?"

"Hindi. Mawawala ang element of surprise kapag sinabi natin eh. Tsaka dapat talaga hindi n'ya alam para matest natin if sayo talaga s'ya- titingin kahit hindi n'ya alam na may ginawa tayong test na gano'n"

"Puro kalokohan eh, sige"

"Go na~"

"Pag tumingin ka, akin ka~" Ngiting sabi pa ni Jackque sa camera ni Madc sabay lingon kay Vice, sakto namang napa-tingin si Vice sa dalawa.



Nagulat nalang si Vice nang biglang tumawa si Jackque. Napa-kunot ang noo nito.



"Anyayare sa babaeng 'to? Nababaliw nanaman ang Girlfriend ko. Gutom na ata" Nasabi nalang ni Vice sa sarili n'ya habang pinapanood ang nobyang tumawa.

"Tumingin s'ya, Bebe Girl!!" Masayang sabi ni Madc kaya napa-tango si Jackque.

"Oo nga eh. Akin s'ya..."

"Yiiie~"

"Uy! Hi Jackque ko at Madc! Gawa n'yo here? Para saan 'yang camera?" Paglapit ni Vice sa dalawa, 'di kayang hindi lapitan si Jackque eh.

"Nag-video po kasi kami, Ate Vice. Kinikilig nga si Jackque mo eh"

"Talaga? Kinikilig ka ah. Tungkol saan 'yan, ha? May iba ka na bang kinakikiligan, Baby ko?"

"Wala ah. Ikaw lang kaya nagpapakilig sakin!"

"Eh ano 'yung sinasabi ni Ate Madc mo?"

"'wag mo na alamin, Baby. Nakakahiya..."

"Hindi kaya nakakahiya! Cute nga eh!"

"Ano ba 'yun? Tingin nga ako?" Tanong pa ni Vice at umakbay kay Jackque, natawa nalang si Madc.

"'wag na, Baby ko- Uy, iedit mo 'yung inakbayan n'ya ako ah. Stop the video na, Ate ko"

"Bakit? Wala namang masama ah? Cute n'yo kaya!"

"Hindi n'yo ba talaga isasabi o ipapakita sakin? Ano ba ginagawa n'yo?" Taas kilay na tanong ni Vice sa dalawa, napa-yuko naman si Jackque kaya si Madc na ang sumagot.

"Nag-video po kasi kami katulad nung trend ng iba na “Pag tumingin ka, akin ka” tapos si Jackque po ang gumawa syo, eh tumingin ka po"

"Edi kay Jackque ako? Sayo na ako?" Mahinang tanong ni Vice at bumaling kay Jackque, tumango naman ito.

ViceJack Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon