Dada

156 10 2
                                    

Draft since May 2022...



Third Person's POV

Nasa Showtime studio ngayon ang Viceral Family. Si Vice, Jackque, at ang Princess nilang si Jaice. Birthday kasi ng bata kaya nagkaroon sila ng opening prod for the show. Paganap na rin kasi they want to make Jaice's Birthday more special.

"Baby Jaice, Bago namin ibigay sayo ang gift, may short game muna tayo. Gusto mo ba 'yun? You like it?" Magiliw na tanong ni Vhong kay Jaice kaya agad itong tumango habang naka-ngiti.

"Bibigyan lang naman ng regalo, kailangan maglaro pa! Kung ayaw n'yong ibigay ang regalo, Bibilhan ko nalang 'yan, jusko" Pag-rereklamo kaagad ni Vice kaya mahinang hinampas s'ya ng asawa.

"Aray ah. Baby oh, Sinasaktan nanaman ako ni Mommy mo"

"You're makulit kasi, Dada" Agaran namang sagot ni Jaice kaya natawa nalang sila.

"Anong game ba, Kuya Vhong? Ang bibo pa naman n'yan kapag laro ang usapan" Pag-tatanong ni Jackque sabay angkla ng braso sa asawa.

"Ito oh- Lalagyan namin ng blindfold si Jaice tapos may mga naka-pilang boys na iaano ni Jaice- Basta dapat mahanap n'ya ang Daddy n'ya" Nasabi nalang ni Jhong sabay pakita ng hawak n'yang unicorn blindfold.

"Kasali pala ako, 'di naman ako nainform" Irap na sabi ni Vice kaya natawa sila.

"Jaice should identify if you are the guy she's examining kasi if not- kawawa ka naman, Dude!" Pantitrip ni Anne kaya napa-nguso nalang si Vice sabay tingin sa anak at sa asawa.

"Mahal, 'wag kang mag-alala kapag hindi ka nahanap ni Baby... Nahanap naman kita" Kindat na sabi pa ni Jackque kaya mas lalong napa-nguso si Vice at lumuhod para pumantay sa anak.

"Do you understand the game, Baby? You just have to find me para you'll receive the gift, keri?" Ngiting tanong nito sa anak kaya nginitian at tinanguan s'ya nito.

"Kiss Bb, Dada!" Pag-lalambing ni Jaice sa Daddy n'ya kaya agad naman s'ya nitong hinalikan sa pisngi.

"More kisses later kapag nahanap mo ako"

"Ihh! Dada!"

"Later, Baby. Ikaw naman eh" Natatawang saway nalang ni Jackque sa anak n'ya.

"Oh, Brad, Dun ka na sa likod. Let's go na, Baby Jaice" Nasabi ni Vhong kaya agad s'yang nilapitan ni Jaice habang naka-ngiti.

"I'll still give you the gift kahit hindi mo mahanap si Dada mo" Mahinang bulong ni Vhong kaya niyakap s'ya ni Jaice.

"Tenchu, Nongnong Vhongskiiii" Masayang sabi ni Jaice kaya natawa nalang si Vhong at niyakap din pabalik si Jaice tsaka nilagay na ang blindfold.



Sinenyasan naman na ni Jhong na tumabi na si Tom at Ryan kay Vice para ito ang maging choices ni Jaice.



"Jaice Baby, Ninang Anne will guide you para lapitan sila tapos you'll tell me kapag nahanap mo na si Dada mo, okay?" Ngiting sabi ni Anne tsaka humawak sa kamay ni Jaice.

"Okay po, But where's my Mommy po?"

"I'm beside Dada, Baby. You need to find me and Dada- kasi ayaw nanaman mahiwalay sakin ni Dada mo" Tawang sagot ni Jackque sa anak. Mas lalo lang naman s'yang niyakap ng asawa sabay irap kay Tom at Ryan.

"You'll find me, Baby ah. Palo ka sakin kapag hindi mo ako nahanap" Birong sabi ni Vice kaya s'ya ang napalo ni Jackque.

"Tahimik na, Brad. Maghahanap na si Jaice" Natatawang sabi ni Vhong tsaka giniya rin si Jaice palapit kay Ryan.

ViceJack Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon