BOY? BestFriend ✔️

284 20 1
                                    

Jackque's POV

Nasa loob lang ako ngayon ng room dahil may pasok. Katabi ko si Vice, GayBestfriend ko. Bakla s'ya pero hindi s'ya katulad ng ibang bakla na super OA sa makeup- bukod kasi sa bawal sa school, papagalitan din s'ya ni Tatay at ayaw n'yang mangyari 'yun.

Mabait si Vice bilang anak at kaibigan. Ang swerte ko nga dahil kaibigan ko s'ya- Bestfriend pa!

"Mukhang malalim ang iniisip natin, Beh ah? Wanna share it with me, Jakhil?" Pa-cute n'ya pang tanong sakin kaya ngumiti ako at umiling.

"Hindi- Wala naman, Bebe. Nalutang lang ako ng very light"

"Nakatitig ka kasi sakin eh. Muntik na ako matunaw Beh sa totoo lang, buti nakakapit ako sayo!" Biro n'ya pa kaya natawa ako sakanya.

"Siraulo ka talagang tunay!"

"Ases. Ang cute mo talaga! Hm!"

Mahinang natawa pa s'ya at mahinang pinisil ang pisngi ko kaya napa-ngiti ako.

Hilig n'yang pisilin ang pisngi ko talaga. Minsan nakakainis, madalas kinikilig ako. Crush ko kasi s'ya eh. Kahit naman kasi bestfriend ko s'ya at parang kapatid na ang turingan namin ay hindi ko maiwasang iadmire s'ya bilang s'ya mismo. Iba s'ya sa ibang lalaki at bakla eh. Alam kong malabong magustuhan n'ya rin ako kaya hindi ko rin pinupush.

"Mas cute ka!" Mahinang sabi ko at sumandal sa balikat n'ya, inakbayan n'ya naman ako kaagad.

"Crush mo nanaman ako, Bebe Jakhil. Sinabi na nga ba at matagal mo na akong bet!" Naiiling n'yang sabi kaya mahina akong natawa at tumango.

"Mabuti naman pala at alam mong crush kita... pero 'wag kang mag-alala, Bebe. Hindi ko naman ipupush ang feelings ko sayo..."

"Ha? May sinasabi ka, Jakhil? Anong feelings mo sakin?"

"May narinig ka ba? Wala naman akong sinasabi ah" Pag-tanggi ko nalang kaya hiniwalay n'ya ako sakanya at iniharap.

"Meron kaya! Ano 'yun? Ulitin mo 'yung mga sinabi mo, Jackque Gyl!"

"Wala nga akong sinasabi, Jose Marie. Siraulo talaga eh. Ang dami mong naririnig!"

"Meron ka kayang sinabi! Isa! Kapag hindi mo sinabi sakin F.O na tayo!" Pananakot n'ya pa kaya inirapan ko s'ya.

"Tinatakot mo ba ako?"

"Natatakot ka ba?"

"Kapal mo"

"Tsk. Sasabihin lang naman kasi ang dami pang arte!"

"Kiss muna!" Pang-aasar ko sakanya kaya nandidiri s'yang umirap sakin.

"Jackque Gyl!? Seryoso! Nababaliw ka na, Beh!"

"Kiss sa lips para sabihin ko sayo. Dali!"

"Yak! Sa lips!?"

"Oh 'di mo kaya! Hindi ko sasabihin!"

"Hinahamon mo ba ako?" Taas kilay n'yang tanong kaya nginisiha ko s'ya.

"Oo"

"Baka kapag hinalikan kita... naku!"

"Matatakot na ba ako?"

"Nakakainis naman, Jakhil eh! Sasabihin mo ba o Ikikiss kita tapos F.O na tayo?" Naiinis n'yang sabi kaya natawa ako at tinaasan s'ya ng kilay.

"Pag-iisipan ko~" Pang-aasar kong sagot kaya inirapan n'ya ako at humawak sa baba ko.

Dahan-dahan n'ya pang nilapit ang mukha n'ya sakin habang seryosong naka-tingin sa mga mata ko.

"Kailangan pa ba talagang halikan kita para sabihin mo? 'wag mo akong hinahamon, Jackque Gyl..." Madiin n'yang sabi at nilipat ang tingin sa mga labi ko, nanlaki nalang ang mata ko nang basain n'ya ang labi n'ya kaya humiwalay ako sakanya.

ViceJack Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon