Ibang Love ✔️

304 22 2
                                    

Jackque's POV

Tahimik lang kami rito sa gilid ng stage na nonood ng TNT. Kasama ko si Ate Neri at iba pang showtime staffs. Nagulat nalang ako nang bigla akong kinalabit ni Ate kaya tiningnan ko s'ya kaagad.


"Jack, Thank you pala ulit sa pagsama samin ni Madc sa gala n'yo ni Tom ah? Sa uulitin" Ngiting bulong n'ya sakin kaya medyo natawa ako sabay tango.

"Wala 'yun, Ate. For sure mauulit 'yun at isasama talaga namin kayo. Tropa tayo eh- Tsaka 'di ako papayag na kaming dalawa lang ni Tom ang aalis. The more the merrier nga 'diba?"

"Ang sweet mo naman. Bait mo talaga eh 'no? Tsaka mabuti pala at bati na kayo ni Tom? Tagal n'yo ring nagtampuhan nung ex mo na tropa mo na ngayon na 'yun"

"Kasalanan n'ya naman 'yun" Tawang sagot ko kaya aapir sana s'ya sakin pero sinaway kami ng staffs.


Sabay nalang tuloy kaming natawa at binalik ang atensyon sa panonood. Sobrang havey kasi ni Kuya Vhong at Ate Vice. Nakaka-good vibes ng malala kapag silang dalawa ang nagbabardagulan.


"Alam mo? 'yung mga piniplaytime mo, magugulat ka 'yun pala ang mga totoong seryoso. Tapos ang masakit 'yung mga siniseryoso mo, 'yun pala ang play time lang"

"Pero natakot din ako sayo ah?" Biglang sabi ni Kuya Vhong kaya kumunot ang noo ni Ate Vice habang medyo natatawa.

"Bakit?"

"Plinaytime mo si Jackque, akala ko magkakatuluyan kayo" Natatawang sagot pa nito kaya natawa rin ng sobra si Ate Vice, pati nga kami rito sa likod natawa nalang din eh.

"Akala ko eh" Dugtong pa ni Kuya Vhong tsaka parang hinahanap ako, nagtago tuloy ako sa likod ni Ate Neri.

"Huy- pero alam mo sincerely- Seriously.. Those time naaappreciate ko talaga si Jackque" Sagot naman nito, napa-ngiti tuloy ako dahil naalala ko 'yung pag-amin n'ya sakin.

"Oo- Nilolove ko si Jackque. Love ko si Jackque until now-" Dugtong n'ya pa kaya napa-titig ako sakanya.

"Oo naman"

"Pero... Ibang love. Ibang love..."

"Bilang?" Pagtatanong pa ni Kuya Vhong kaya medyo natigilan si Ate Vice, parang napa-isip pa s'ya.

"Kuting, gano'n"

"Pet? Ginawa mo namang pet si Jackque"

"Kasi 'diba s'ya 'yung Kitty Ma-Lucky"

"Oo, Kitty Ma-Lucky"

"Pero love ko si Jackque" Huling nasabi n'ya pa tsaka pinagpatuloy na ulit ang show.


Mahinang tinulak-tulak naman ako ni Ate Neri kaya natawa ako. Ayan na naman s'ya. Kilig na kilig din talaga sa ViceJack eh.


"ViceJack ah! Ikaw ba? Anong nafifeel mo sakanya no'n?" Pagtatanong n'ya pa kaya napa-ngiti ako.


Hindi kasi ako naging masyadong open sakanila about sa mga ganap namin ni Vice noon. 'yung mga patagong pagkikita at pag-uusap sa phone, mga gano'n. Kaming dalawa lang ni Ate Vice at ng Team n'ya ang nakakaalam sa mga ganap namin na gano'n.


"Ate talaga. Syempre kinikilig ako sakanya noon 'no. Napapasaya n'ya ako- S'ya lang 'yung taong napapasaya ako na para ako lumulutang, gano'n. Sobrang napapasaya n'ya ako at napapakilig to the point na mapapa-tanong nalang din ako sa sarili ko kung totoo ba 'yung mga sinasabi n'ya sakin.." Pag-sagot ko pa kaya inasar-asar n'ya muna ako, pati nga mga kasama naming staff naki-asar na rin sakin eh.


ViceJack Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon