Stay On The Screen ✔️

383 23 3
                                    

Vice's POV

Nandito lang ako ngayon sa loob ng bahay. Quarantine pa kasi kaya bawal pa lumabas at gumala-gala. Okay na rin 'to para naman safe lang tayo.


Habang nagsscroll lang ako sa IG ay bigla namang dumaan ang isang post ni Jackque. Nagcomment dun ang isang male artist, sabi daw "Ay sige lang take your time!”, natawa lang naman si Jackque Girl sa reply kaya sumagot ulit iyon ng “Kung ganyan ba naman kaganda. Stay on the screen pls” pa raw, jusko.

Napa-irap nalang ako tsaka sinitsitan si Jackque. Agad naman s'yang tumingin sakin at ngumiti.

"Why? Cuddle na tayo, Baby?" Masayang tanong n'ya pa at tumabi sakin, umiling lang ako kaya ngumuso s'ya.

"Make lambing to me naman kaya? Puro ka na nga work eh. Wala ka nanaman time para sakin!"

"Later na. Ano muna 'to? Ba't may ganyan?" Taas-kilay kong tanong sabay pakita nung post n'ya na may comment na gano'n nga.

"Oh, Bakit? Ano 'yan? Kaibigan ko 'yan, Mahal. Why?"

"Kaibigang ganyan? Alam ba n'yan na- May relasyon tayo? Wala s'yang respeto sakin ah"

"Ito naman si Ate Vice eh. Alam naman po ng lahat na tayo- tsaka he's just teasing me about d'yan sa caption ko. There's no hidden meaning there, Baby. He's just a friend"

"Siguraduhin mo ah. Wala akong pake kung kaibigan mo 'yan at kilala 'yan sa showbiz. Ang akin ay akin- at ikaw ay akin kaya umayos s'ya" Nasabi ko pa kaya mahina s'yang natawa at yumakap sa braso ko.

"Seselos ka?" Mapang-asar n'ya pang tanong kaya inirapan ko s'ya.

"Hindi. Ba't naman? Ako naman ang mahal mo eh. Wala naman rason para magselos. Sabi mo nga 'diba? He's JUST your friend"

"Ases, okay po. Cuddle na tayo? Bebe Time?"

"'yoko. After mo makipagbiruan sakanya, sakin ka maglalambing"

"Alangan naman 'yun ang lambingin ko? Kadiri kaya- Tsaka magagalit ka 'no. Ikaw lang gusto kong kalambingan at lambingin kaya mag-cuddle na tayo! Give all your love and affection to Bebe Jakjak!" Masayang nasabi n'ya pa kaya niyakap ko na s'ya at siniksik sa dibdib ko.

"Akin ka lang, Bebe Jakjak ah"

"Opo. Sayo lang ako... Akin ka lang din dapat, Tutoy ko ah"

"Buong-buo, Jackque ko" Naibulong ko pa at humalik sa noo n'ya.

"Pero... Selos ka nga?" Pang-aasar n'ya pa kaya tiningnan ko s'ya at tinaasan ng kilay.

"Tsk. Jackque naman eh. Hindi nga po"

"Weh?"

"Bakit? Ano bang meron? Anong mangyayari if ever nagseselos nga ako?"

"Wala naman~" Pakanta n'yang sagot kaya mahina kong kinurot ang pisngi n'ya.

"Nang-aasar ka lang eh. Hindi kaya ako selosa" Nasabi ko pa kaya ngumuso s'ya at humalik sa baba ko.

"Seloso ka kaya! Naalala mo 'yung ano-"

"Blah blah blah"

"Tsk. Ang epal mo talaga, Ate Vice. Gusto ko lang naman sanang mag-reminisce eh"

"Arte. Oh bakit? Ano ba 'yun?"

"Wala na. Epal ka kasi!" Irap n'yang sabi tsaka humiwalay sakin pero kaagad ko s'yang hinila pabalik at kinulong sa akin.

ViceJack Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon