Chapter 8

17 3 0
                                    

Lipat dito, lakad doon. Tingin dito, tingin doon.

"Tumigil ka nga kakalakad kuya, ako yung nahihilo sa'yo eh" naiinis kong reklamo kay kuya na kanina lang hindi mapakali.

"Pwede bang tigil tigilan mo na yang pagngangatngat mo diyan sa kamay mo, nakakadiring tingnan. Ako yung nahihiya sa'yo eh" mariin kung bulyaw sa kanya ng mahina at pilit na ngumiti sa mga nurse at taong dumadaan.

At dahil ke tigas tigas ng ulo ng kuya ko, ako mismo ang humila sa kanya paupo at pinangaralan. Ngumuso lamang ito at nginangatngat na naman ang kanyang mga daliri.

Malakas kong pinalo ang kamay nito at pinandilatan ng mata. "Pag di mo ititigil yan ako mismo ang puputol sa kamay mo kuya"

"As if" he retorded. Napatampal nalang ako sa aking noo sa pagiging matigas ng ulo nito.

"Ma'am, may pampakalma po ba kayo?" Tanong ko sa nurse na dumaan. Tumango naman ito kaya ngumiti ako, i handed out kuya's arm na nakatingin sa'kin and mouthed what are you doing

I smiled sweetly at him at ibinaling ang paningin ko sa nurse. "I know this may sound absurd, but can you sedate him?"

"What?!" agarang sigaw ni kuya habang napakamot naman ng ulo ang nurse.

"pero ma'am hindi po kasi kami pwedeng nag sedate ng tao kapag hindi emergency at kapag wala po sa operation room" sagot ng nurse.

Tumango na lamang ako. "Where is the OR? " i asked afterwards na ikinalaki ng mata nilang dalawa.

"What the f*ck are you doing Joy Lianne!" Kuya hissed.

But i remained looking at the nurse at ngumiti. "Wag kang mag alala Miss, i am a licensed doctor.." I fished out my license at inilahad sa nurse.

"Joy?" Napatigil ako sa pagsasalita at dahan dahang lumingon seeing Chalil on his white lab gown at may dala dalang chart.

Doctor siya?

"Chalil..." I called him. Ngumiti naman ito at lumapit sa'kin.

"Ano ang ginagawa niyo dito?" He asked at sinilip ang nakasimangot kong kuya sa aking likod. Sasagot pa sana ako ng pinangunahan ako ng loko kong kuya.

"Who the f*ck is this man lianne?" Kuya asked grimly and stood up. Itinago pa ako nito sa likod niya na para bang masamang tao si Chalil at sasaktan ako nito.

"I am Chalil Santiago-"

"Hindi ko gusto ang pangalan mo, layuan mo si lianne" agad kong tinampal ang likod ni kuya sa pagiging harsh kay Chalil.

I saw Chalil's hand tightened on the chart pero nanatili ang composure nito at diretso ang tingin kay kuya.

I looked at Chalil and tried signalling him to not take my brothers words seriously pero masyadong persistent si kuya at talagang kinurot pa 'ko tapos itinago sa likod niya.

"Bwesit" i mumble to myself at kinurot din siya pabalik dahilan para umangat siya ng konti at umigik ng palihim.

Buti nga sa'yo

"Excuse me, but who are you to tell me to stay away from Lianne?" Chalil retorted with his cold voice.

Uh-oh, this looks trouble

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni kuya. "Bakit di mo sabihin sa kanya lianne? Kung sino 'tong gwapong nilalang na nasa harapan ng mokong na 'to"

I almost rolled my eyes of his boastful remark. I remained silent kaya nakita ko ang sideways na pagtingin ni kuya sa'kin. Napahalukipkip lamang ako at tinaasan siya ng kilay. Kala mo, huh!

Judge keran (Savage Love Series #2) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora