Chapter 26

12 0 0
                                    

"Pa" kinakabahan kong pagtawag kay papa na nakaharap sa labas ng balcony. Mariin kong kinagat ang sariling labi at nanginginig na hinawakan ang braso nito, nang makita ang paglingon niya ay mabilis kong inalis ang aking kamay at tumungo.

Papa was there, pagdating namin ay andoon si papa para salubungin si Eon at tinulungang dalhin ang aking mga gamit sa dati kong kwarto. Hindi man nagsasalita si papa pero ramdam ko parin na talagang hindi niya pa ako napatawad ng buo.

He is just holding it in kasi kagagaling ko lang ng hospital. And it bothers me a lot. Matapos ang masasakit na salitang binitawan ni Rosell naliwanagan ako na my family matters the most, na sa lahat ng taong nakapaligid sa'kin, my family will never leave me alone. Kaya kinain ko lahat ng tapang na meron ako para mag sorry kay papa and fix things up.

"Pumasok ka na sa loob at magpahinga. Just tell manang feli na i on ang heater kung sakaling giginawin ka dahil sa ulan. Pupunta ako roon para i off ang A/C kaya magpahinga ka na" dire diretsong turan ni papa at tumalikod ulit.

Bumuntong hininga ako at lakas loob na niyakap ni papa bago humikbi. Naramdaman ko ang pagkabato niya pero mas lalo ko lamang hinigpitan ang aking yakap at isinubsob ang aking mukha sa kanyang likod "Sorry pa..." Umiiyak kong ani.

Nilunok ko ang bikig sa aking lalamunan bago nagpatuloy. "Sorry po kung naging stubborn ako, sorry po kung naging padalos dalos ako at irrational kung mag isip. Sorry po dahil ngayon ko lang na realize ang mali ko, sorry po kung ngayon lang ako humingi ng tawad. Sorry papa... I-im so sorry" turan ko kahit pumipiyok at basag ang boses.

Umikot si papa but i remained still. Ayokong makita niyang umiiyak ako na parang bata, i wanna spare myself from so much embarassment.

He tapped my shoulders and hugged me back. Tightly. "Anak..."

Di ko na kinaya at mas lalong humagulhol sa pagtawag niya sa'kin. Hindi ko akalain na ganito pala kasarap sa pakiramdam na matawag ulit na anak, na maramdaman ulit ang comforting at secure na yakap ni papa sa'kin, na maramdaman ang pagmamahal ng isang ama.

Hindi man taon ang lumipas, but being deprived by a fathers love for months made me realize what a fool I've been to make a decision without even weighing the situation.

"S-sorry p-po.... Sorry" paulit ulit kong sabi at halos idikit na aking sarili sa dibdib ng aking ama na marahang hinihimas ang aking buhok at paulit ulit binubulong na tumahan na ako kasi matagal na niya akong napatawad.

I was hesitant at first to rest in my bedroom sa takot na maging panaginip na naman ang lahat. Na baka maging cold na naman si papa sakin at malaman na galit pa rin siya, pero nang makitang hinatid ako ni papa sa kwarto ko at ngumiti ay napanatag na ako.

I slept the entire afternoon at nagising lang ng kinatok ni mama ang aking pinto para sabihing kakain na kami ng hapunan. The entire night was peaceful, masaya kaming naghapunan kasama sina kuya na kakalabas lang galing sa hospital, dala dala ang cute na babygirl nila.

Naging maingay lang ang kusina nang pinag usapan na ang ipapangalan sa bata. All were excited naming my niece, iba iba sila ng suhestiyon. Halos kada minuto nalang ay magbibigay sila ng iba't ibang pangalan sa bata, tapos may explanation pa kung bakit ganon ang pangalan.

In the end, they named her Remeness Jasmine Malbago, a beautiful name for a beautiful baby. Her name suits her well.

"Gusto mo bang hawakan si Rem- Rem?" Yagak ni ate nang mapansin ang paminsan minsan kong pagsulyap sa kanya na dala dala ang aking pamangkin habang mahinang hinehele ito.

I chewed my lips at umiling. "Wag na ate, hindi kasi ako marunong humawak ng bata" tanggi ko at nag iwas ng tingin. Mariin kong ikinuyom ang mga palad sa pagbabakasaling maibsan nito ang pagkati dahil sa kagustuhang mahawakan ang pamangkin.

Judge keran (Savage Love Series #2) Onde histórias criam vida. Descubra agora