Chapter 11

17 3 0
                                    

"Class dismiss..." huli kong sabi sa klase ko bago sila nagsitayuan sa kani kanilang upuan at lumabas sa classroom.

Inayos ko muna ang gamit ko bago umalis sa paaralan. Malapit na ako sa gate nang madatnan sina V na nakikipag usap sa guard. I walked slowly and cleared my throat kaya nabaling sa'kin ang atensiyon nila.

They smiled brightly, but sadness is visible in their eyes. "We are so sorry joy" they all said in unison.

I bit the inside of my cheeks to refrain myself from laughing. Hindi naman kasi ako galit sa kanila, siguro nga may konti pero naiisip ko na wala nang patutunguhan kong magtanim pa 'ko ng galit.

All was done, kailangan ko lang maalala ang lahat para magkalinawan na.

"We heard that you were disown.. Saan kana ngayon titira? we could lend our houses, doon ka muna pansamantala tumira or pwede ngang forever na" pagdadaldal ni V. Nasa parke kami ngayon habang ineenjoy ang simoy ng hangin at pinagmamasdan ang mga taong tumatambay rin dito.

I smiled and shake my head. "May matitirhan na 'ko, atsaka masyadong ng nakakaabala sa inyo"

Glyza snorted. "Kailan ka pa dinapuan ng hiya Joy lianne."

"Oo nga, ang kapal kapal kaya ng mukha mo, sinkapal ng dictionary" gatong ni chowwy. My face crumpled by their remark, ang bully ng mga 'to.

Aangal pa sana ako kaso nang marinig ang isang busina sa tapat namin kaya natigil ang sasabihin ko sana.

Kunot ang noong binalingan ko ang isang itim na hilux, ngunit agad ring napawi nang makitang lumabas si rash roon.

I waved my hand and smiled at him. Ngumiti naman ito pabalik at lumapit samin.

"Anong ginagawa mo dito?" I asked.

"Pinapasundo ka ni kuya" he answered dahilan para manlaki ang aking mga mata. Napangiti nalang ako habang nakatoun naman ang atensiyon niya sa mga kasama ko.

"Nga pala, rash si chowwy" i pointed at chowwy . "si glyza" pagpapatuloy ko. "At si V" i finally said at tinuro si V na halos nanlilisik ang matang nakatingin kay Rash.

I waved my hand in front of her kaya bumalik ang tingin nito sa'kin at ngumiti ng pilit. Ano kayang problema nito.

"V, chowwy, glyza. Si rash" i introduced. Rash smiled habang tumango naman sila.

I felt V's grip on my hand kaya napatingin ako sa kanya. "Kilala niyo ba ang isa't isa?" I asked to the both of them.

"Hindi, ngayon ko palang siya nakita" Rash answered nang nanatiling tahimik si V.

Tumango na lamang ako at nagpaalam para sumama kay rash.

"Wala akong tiwala sa'yo Keran pero nirerespeto ko lang ang desisyon ng aking kaibigan. Kapag nalaman kung sinaktan siya ng kapatid mo, kami ang makakalaban mo" ganyang ganyan pa ang banta ni V bago niya ako pinayagang sumama kay Rash.

Sinabi ko kasi sa kanila na doon muna ako pansamantalang titira dahil gusto ko malaman ang lahat ng nangyari. Halata sa mga mukha nila na hindi sila payag sa di ko malamang dahilan. Ang alam ko lang ay hindi nila gusto si Rash at Rosell.

Pero bilang kaibigan ko, napilitan silang tumango at sinabing mag iingat raw ako roon.

"Okay ka lang ba Rash, pagpasensiyahan mo nalang si V, ganoon talaga yun" basag ko sa katahimikan. Simula kasi noong umalis kami sa parke ay naging tahimik na si Rash at seryosong nakatingin lamang sa kalsada.

Judge keran (Savage Love Series #2) Where stories live. Discover now