Chapter 18

14 0 0
                                    

Chapter 19




Akala ko all this time nakamove on na 'ko. Pero di pala. Dala dala ko pa rin ang sakit at konsensiya sa lahat ng nangyari, minsan naiisip ko kung bakit si ate lang ang nawala. Kung bakit siya lang yung nang iwan. At kung bakit ako lang yung nagdurusa.

Ilang taon na ang lumipas pero dala ko pa rin yung pag sisisi na sana di nalang ako nagpumilit pang bumili ng cotton candy, na sana di nalang kami lumabas sa bahay nong panahong iyon. Na sana hindi ko siya hinayaang tumakbo mag isa. Na sana di 'ko naging mahina at tinulungan siya. Pinangarap ko na sana maibabalik ko pa ang oras at baguhin ang mga pangyayari para makasama ulit si ate.

Pero wala na. Huli na. Hindi ko na siya maibabalik at habang buhay ko nalang iindahin ang sakit.

Mabilis kong pinunasan ang luha sa aking pisngi at pinagmasdan ang kawalan. Bagay na hilig kong gawin kapag hindi ako makatulog.

"Masaya ba diyan ate?" mahina kong usal at maya't maya ay tumawa mag isa. "Alam mo bang malapit ka na maging tita? Kabuwanan na ngayon ni ate ritchell kaya siguro ngayong ilang araw ay manganganak na 'yon... Oo nga pala, di mo pala kilala si ate ritchell. Si ate ritchell ang asawa ni kuya, nauna pa niyang binuntis kesa pakasalan. May saltik talaga si kuya, di man lang marunong mag pigil" pagtutuloy ko.

I sighed and played with my fingers. " Miss ka na namin ate, na miss mo rin kaya kami?" tanong ko. Ilang segundo pang katahimikan ang bumalot sa 'kin bago ulit nakapagsalita.

"12 years na ang nagdaan ate, wala ka bang plano na tuparin ang pangako mo sa 'kin?" tanong ko pero natawa rin kalaunan. "Look at me, hinihiling na tuparin mo ang pangako mo sa 'kin samantalang hindi ko naman natupad ang pangako kong balikan ka at iligtas" i mumbled at mariing kinagat ang aking labi bago mabilis na pinunasan ang aking mukha.

"Hindi ako umiiyak ate huh. Napuwing lang. Bwesit na alikabok" utas ko at sinubukang itawa ang nararamdaman. Pero mas lalo lamang bumigat ang aking damdamin sa ginagawa, ang kaninang pilit na halakhak ay napalitan na ngayon ng hikbi at singhot.

"M-miss na miss na kita ate" utas ko sa basag na boses. Walang humpay pa rin ang pag agos ng aking luha at panay rin ang pananakit ng aking puso. "I'm s-sorry.. Patawarin m-mo ako ate"

"K-kung hindi lang sana ako nagpumilit. K-kung hindi lang sana ako naging makulit at pinakialaman ang cellphone mo. K-kung di lang sana tayo umalis sa bahay non..."

"Kapiling pa sana kita ngayon. A-andito ka pa rin sa aking tabi ngayon. " mariin kong kinagat ang aking labi. "M-may ate pa s-ana ako ngayon.."

"An...sakit dito ate" umiiyak kong sumbong habang tinuturo ang aking dibdib kung saan naroon ang aking puso. "Please h-help me... Help me ease the pain"

"An tanga tanga ko lang kasi di kita na protektahan. D-dapat kasi h-hindi ako tumakbo sa k-kabilang direksiyon. K-kung di lang sana ako naging ma-hina, maililigtas pa sana kita. D-dapat ako nalang yung namatay eh, d-dapat ako nalang sana... A-ko nalang sana ang nandiyan. A-ako na lang sana" mas lalo akong napahagulhol ng maalala ang pagmumukha ni ate. Alam ko na takot na takot rin siya ng mga panahong iyon, pinilit niya lang maging matatag para sa 'kin.

At ansakit lang isipin na sa panahong takot na takot na siya, wala ako roon para maging matatag para sa kanya. I became weak, wala akong silbi. Hindi ko man lang nailigtas ang ate ko na walang ibang ginawa kundi ang protektahan at magpakatatag para sa 'ming dalawa.

Nanghihina akong napaupo habang mahigpit ang hawak sa aking dibdib. Kinakapos na ako ng hininga but i remained looking at the stars. Tears are trickling down my cheeks but i remained still, hoping that my ate is also watching me.

Judge keran (Savage Love Series #2) Where stories live. Discover now