Chapter 12

11 0 0
                                    

Chapter 12

Magmamadaling araw na pero nakatunganga pa rin ako sa laptop ko habang pinagmamasdan ang ginagawang periodical exam. Nangangalay na ang leeg ko kakayuko at sumasakit na ang likod ko kaya napagdesisyonan kong sumandal muna at magpahinga saglit.

Napabuntong hininga ako pagkatapos ay napasimangot nang makitang halos wala ng lamang kape ang basong nasa tabi ko.

Ito na lang yata ang naging paraan para di ako madapuan ng tulog, pero kahit nakakape na 'kot lahat lahat halos di ko pa rin matapos tapos ang ginagawa. Nakakairita na tuloy.

Nang medyo nabawas bawasan na ang pangangalay ng aking leeg ay kinuha ko ang tasa at lumabas sa kwarto para punan muli ng kape.

Halos di ko na mabilang kung pang ilang refill ko na 'to. Siguradong magiging nerbyosa ako nito sa susunod na araw.

Tuloy tuloy pa rin ang aking paglakad nang madaanan ang kwarto ni Rosell. Dahan dahang huminto ang aking mga paa at pinagmasdan ang pintuan ng kwarto niya.  Simula noong nangyari ay hindi ko na sibukan pang magluto at pilit ko rin siyang iniiwasan.

Alam ko naman kasi na ayaw niya sa'kin, kaya ako nalang yung umiiwas. Hindi rin naman kami masyadong nagkikita dahil maaga siyang umaalis tungong trabaho at late na umuwi, kung minsan pa nga ay hindi na umuuwi.

At nagpapasalamat ako doon, dahil alam ko na masasaktan lang siya pag nakita ako, at masasaktan lang rin ako pag andiyan siya.

Tipid akong ngumiti at nagpatuloy sa paglakad tungong kusina. I was humming a random song on the process.

"Mahabaging diyos santisima" wala sa sarili kong sabi habang hinahawakan ang dibdib ko dahil sa gulat.

Nang makabawi ay tumikhim ako at kinakabahang itinaas ang tasang hawak. Nanatili ang tingin niya sa'kin kaya awkward akong ngumiti.

"Maglalagay lang ako ng kape at babalik sa 'taas" paalam ko sa kanya at napakagat sa aking labi ng marinig ang pagkautal sa harapan niya.

His eyes linger on mine for a moment bago itinuon uli ang atensiyon sa hawak na papel habang sumisimsim ng kape ata iyon. Nagpakawala muna ako ng buntong hininga bago maiingat ang mga galaw na linagpasan siya at tinungo ang water dispenser.

Maglalagay na sana ako ng kape sa mainit na tubig nang maalala ang  gulat na nadarama kanina. Baka atakehin na ako sa puso sa susunod.

Sa naisip ay mabilis kong binitawan ang kutsara na ginagamit pang scoop ng kape at napatingin sa lalagyan ng gatas.

"Kaso di ako umiinom ng gatas" mahina kong bulong sa sarili nang nagtagal ang aking paningin sa gatas. Sa huli ay maligamgam na tubig nalang ang nilagay ko at umikot paharap kay Rosell.

Muntik ko pang mabitawan ang baso nang makitang nakamasid pala siya sa ginagawa ko kanina.

"A-alis na 'ko. Salamat dito" naiilang kong pasalamat at  nakayukong linagpasan siya para pumunta sa kwarto ko.

Halos lakad takbo na ang ginawa ko para lang makalabas sa kusina, kaso dahil sa aking pagmamadali, di ko nakita na andun pala yung aso ni Rosell.

Kaya pinilit kong iniwasan yung aso but to no avail, dahil natapakan ko parin ito at nawalan ng balanse the same time the mug fell into the ground and broke.

Malakas man akong napadaing pero mas malakas ang naging iyak ng aso na halos umalingawngaw  sa buong bahay.

Nang marinig ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ni rash at nanay nani at ang tunog ng mabibilis na lakad ni Rosell ay pilit kong inangat ang sarili at hahawakan sana ang aso para patahanin nang biglang tumahol ito at kakagatin sana ako pero mabilis na pumagitna si Rosell, kaya tanging tahol nalang ang nagawa ng aso.

Judge keran (Savage Love Series #2) Where stories live. Discover now