Chapter 15

14 0 0
                                    

Chapter 16




Hindi na ako nakaimik pa nang bigla siyang tumayo at naglakad sa itaas. Di pa man siya nakalayo ay pinasadahan niya ako ng tingin at tinuro ang bagahe niyang nasa labas bago matamis na ngumiti.

"Paki dala sa loob ang bag ko, I'm too tired kasi and i guess nagkajetjetlag rin ako dahil sa flight. I wanna higa and make tulog na, where is Rosell's room?" She asked.

"On the left, yung may kulay puti na pinto" i answered absentmindly kaya ngumiti ito at nagpatuloy sa paglakad, nang marinig ang pagbukas at sara ng pintuan ay napabuntong hininga ako at pinagmasdan ang bagahe nitong nasa labas bago labag sa loob na hinila ito papasok.

"Umalis si nanay nani kaninang alas dos, death anniversary daw nang asawa niya sa makalawa kaya kailangan niyang umuwi sa probinsiya. Babalik raw siya paglipas ng isang linggo" nahihiyang bungad ko kay Rosell na kararating pa lang galing sa trabaho.

Tipid siyang tumango at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Napalabi nalang ako sa kasungitan nito.

"Atsaka andito yung girlfriend mo, natutulog doon sa kwarto mo" ani ko kaya natigilan ito. He was about to ask something, pero di yun natuloy nang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto, at galing roon ay patakbo siyang sinalubong noong Cheska ata 'yon.

"What are you doing here Ches?" Tanong ni Rosell. Nakita ko ang pasimpleng pagtingin ni Cheska sa akin kaya nag iwas nalang ako ng tingin at linagpasan sila para pumunta sa kusina.

Mas lalong bumigat ang dibdib ko nang makita ang braso ni Rosell na nakapalibot sa beywang ng dalaga, they look too close. Posible kayang girlfriend niya talaga ito?

Winaksi ko nalang ito sa aking isipan at hinanda ang hapag kainan para sa hapunan namin. Nagulat nga ako ng sumabay sa pagkain si Rosell, hindi pa umuwi si Rash kaya kaming tatlo lang ang nasa bahay. Magkatabi sa kabilang upuan ang dalawa at panay ang kapit ni Cheska kay Rosell na tipid lang itong nginingitian, nakikita kong mas komportable si Rosell rito kaya tahimik nalang ako sa buong oras ng hapunan.

Matapos ang hapunan ay ako na ang naghugas ng pinggan at naglinis ng pinagkainan namin dahil mukhang may pag uusapan pa ang dalawa. Ayoko naman maka istorbo kaya mas mabuti pa sigurong manatili muna ako sa kusina at itoun ang pansin sa ibang bagay.

"You can't sleep in my room Ches. It's inappropriate for a woman to sleep on a man's room" narinig kong sabi ni Rosell kay cheska na ngayon ay nakasimangot. Nasa harap na sila ngayon ng kwarto ni Rosell, tila nagbabangayan tungkol sa suhestiyon ni Cheska na sa kwarto nito matulog.

Humalukipkip ito. " but bakit? Dito na ako natulog kanina, why hindi pwede ngayon? It's not like we will do something inappropriate inside your room. Besides why would other's care? We past the personal stage last year already" sagot nito halatang pinaparinggan ako.

Napakagat ako sa aking labi ng palihim nang maramdaman ang paninikip ng aking dibdib. Why? Ano ba ang nangyayari sa 'kin? Tumikhim si Rosell kaya napatingin ako rito, mas lalong nanikip ang dibdib ko nang magtagpo ang aming mga mata. yumuko nalang ako at pinihit ang doorknob sa kwarto.

"What are you doing?" Cheska asked kaya natigil ako at tiningnan siya. She raised her eyebrows on me kaya marahan kong binitawan ang doorknob ng aking kwarto at sumagot.

"Matutulog na" her face crumpled in disagreement, pagkatapos ay malalaki ang hakbang na nilapitan ako. She smiled at mahinang tinulak ako para silipin ang aking kwarto.

"Dito na lang ako matutulog Jace. I like the sorroundings here" simple nitong sagot na siyang nagpagulat sa 'kin.

"Saan ako matutulog kung ganon?" Tanong ko ng mahina. She turned around and smiled. "I didn't think that far, pero may maids quarter naman rito. Doon ka nalang mag sleep muna okay?"

Judge keran (Savage Love Series #2) Where stories live. Discover now