Mid-season Finale (Chapter 18): She Stop

8.9K 241 9
                                    

Herald POV

Natagpuan ko ang sarili ko na nag-iisip sa isang sulok ng bar na pinagtatrabahohan ko. Apektado parin ako nang mga pangyayari kaninang umaga. Alam kong hindi sinasadyang magtama ang mga labi namin ni Ross. Ngunit hiindi ko talaga naalis sa asip ko. Pakiramdam ko ay paulit ulit itong nangyayari sa aking isip. Hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang malambot at nakakakoryenteng labi ni Ross. Lalo pa akong na bahala nang tila natural lang sa kanya ang ginawa. Ni hindi manlang nailang bagkos ay lalong nanglambing. Hindi man lang alintana na naroroon ang mama nito.

Aaminin ko, nakaramdam ako ang saya ngunit hindi parin mawala ang pag-aalinlangan. Pag aalinlangan na baka kung anung iisipin ni Ross ( Yun nga ba ang pinag aalinlangan mo?). Ok hindi, dahil ang totoo nag aalinlangan ako na baka lalo aung mahulog sa kanya ay hindi ko na makayanan at madala ako sa mga ikinikilos niya.

Inaamin kong naninibago ako sa nararamdaman ko pero pinipilit kong iwaglit ito dahil alam ko, oras na matapos ang pagkukunwaring ito, we both part our ways and forget what we share.( Seriously, you share? Meron ba kayo nun?)

"Oh kamusta naman ang Lover nang aming Bestfriend?" Wika nang isang tinig na nagpabalik sa akin sa katinuan.

" Oh, Boss Dom, Kayo pala. Sorry di ko napansing jan ka." Natatarantang sabi ko.

"Tanggalin mo na ang boss dahil kung hindi panasasabi ng jowa mo e, ay sasabihin ko sayo, Ross is one of Investor of this Bar." aniya

" So? Anung konek?" ako

"So baka sabihin nang nobyo mong masyado ka naming ina alila." Pahayag niya. Na nagpakunut nang aking noo.

" Boss Dom, alam kong alam nyo kung anu ang tunay na relasyon namin ni Ross. At saka hindi ako naririto bilang Lover nang kung sinong poncio pilato. Naririto po ako dahil kailangan ko nang trabaho." Pagkasabi nito ay tumayo ako upang pumunta na sa aking pwesto. Iniwan ko si Boss Dom na animoy asong ngingisi ngisi.

Buong gabi kong nilunod ang sarili sa trabaho. Buti nalang ay dumagsa ang mga parokyano ng bar. Nalibang ako at kahit papanu ay naibsan ang mga pangamba ko.

"Hello Lover Boy! Busy much?" sigaw ni sir Jake habang papalapit sa aking pinag pupwestuhan.

"Nakikita nyo naman diba. Himala at wala ka atang katable ngayon?" Biro ko sakanya nang makaupo saya sa harap ko.

"Sobra ka naman, minsan lang ako nagtatable kaya. ikaw ha." depensa ni sir Jake.

Natawa nalang ako sa sinabi nito. Agad akong nag mix nang nang isang inumin. Dahil sa matagal tagal na rin ako dito ay alam ko na ang mga gusto nang ilang mga parokyano dito. at kasama sa mga iyon ay ang dalawang kaibigan ni Ross.

Pagkabigay nang inumin ay hindi ko na ito inabala pa at inintindi nalang ang iba pang costrumers.

Mabilis lumipas ang uras at ilang sandali nalang ay tapos na ang aking shift. Ewan ko ba kay bos Dom dahil biglang nag bago ang schedule ko. malamang may kinalaman nanaman ang Boy Friend ko kunu.

Agad akong lumabas nang bar matapos akong nagpaalam sa mga kasamahan ko.

Napagulat nalang ako nang may nagsalita sa likod ko.

"Are you done, Babe?" Si Ross naka suot parin ang pang - office mukhang dito na siya dumeretso. Anung ginagawa niya rito?

"Yup. I'm heading home. Nandidyan pa mga kaybigan mo sa loob." sabi ko at akmang magpapatuloy na sa paglalakad.

"I'm not here for them. I'm here for my lover who's standing in front of me." Anito na nag patayo nang mga balahibo ko. di ko alam pero parang may kung anung damdaming namamayagpag sa aking looban. Tinignan ko siya at kanya namang sinalubong ito.

Lets Stop! I'm Falling in LoveWhere stories live. Discover now