Chapter Twenty Two: A Week in El Nido (Part II)

6.4K 211 3
                                    

Herald's POV

Dahil sa wala naman akong kasama sa buomg araw ay sinamahan ako ni Mickey. Kasama din namin si Casper the dog. Magaan sa pakiramdam si Mickey. Yung parang alam kong kahit ngayon lang kami nag kakilala ay pakiramdam kong mapagkakatiwalaan siya.

Nilibot namin ang buong resort. Pumunta sa mga tiangge at botique. Nakakapagod man pero masaya. Tila hindi naman kami maubusan nang mapag uusapan dahil sa pagiging kwela makausap. Mula sa mga simpleng mga bagay hanggang sa mga personal na bagay.

Ngayon lang kami nag kakilala pero halos naikukwento na namin lahat sa buhay namin sa isat isa. Bukod sa pagiging kwela nito galante din itong si Mickey. Paano ba naman eh, halos siya ang nagbayad nang mga kinain namin. Mag-aambag sana ako pero nag insist siyang siya nalang daw ang magbabayad. Maging sa mga tiangge at butique kung anu anu nalang ang mga binibili. nagulat nalang ako na pati pala ako ay binibilhan nya rin. Nakakahiya man pero tinanggap ko na rin. Sayang kaya yun.

Pagkatapos naming kumain nang dinner ay nagpaalam na ito. Dahil hindi pa napapalitan ang cp kong nahulog sa dagat kaya hindi ko nakuha ang number niya. well, magkikita naman kami bukas malamang.

Dahil sa subrang pagod ay pagpasok ko sa kwarto nang hotel na tinutuloyan ko agad kong naramdaman ang antok. kaya pagkatapos kongf mag ayos at magbihis ay humiga na ako sa kama. Maya maya pa ay nilamon na ako nang kadiliman na may ngiti sa mga labi.

Ross POV

Halos paliparin ko ang aking sasakyan pakarating lang sa airport. Luckily that my mom's secretary avail a seat para sa akin papuntang Palawan. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko kung bakit nagkakaganito ako. Kung tuituosin nga naman pwede ko namang tawagan ang mama ko o di naman kaya ay ipag pabukas nalang ang pagpunta pero talaga lang hindi ako mapalagay hagat hindi ko nakikita si Herald. Somehow na gi-guilty ako dahil sa mga nangyari sa mga nagdaang linggo.

Agad akong nakarating sa airport at nakasakay sa eroplano. Dagli akong nakahinga nang maluwang. Pagkalapag nang eroplano ay dali dali akong nakipagsiksikan upang maunang makababa.

Mabilis akon nakarating sa hotel. Agad kong pinuntahan ang front desk.

"Sir Ross? ang sabi nang mama mo di kayo makakarating." Agad na puna nang isang impliyado doon. Kilala ko siya dahil isa siya sa mga manager na namamahala sa mga hotel na pag-aari namin dito sa El Nido.

"Well there is a change of plan. I have to go." sagot ko namn.

"Ah, sir kasi pinagamit ng mama nyo yung room nyo sa kasama nya." anito.

"Don't worry. I know him. He's my lover after all."

Bakas ang pagkalito ng manager sa narinig. Pero wala akong pakialam. Dali-dali kong tinungo ang elevator . Iisa lang ang gusto kong mangyari ngayo. Ang makita si Herald.

Narating ko ang room at agad akong pumasok. Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi nang makita ko ang dahilan nang lahat kung bakit ako napunta rito. Si Herald. Himbing na natutulog sa kama. Napa buntong hininga ako. Naramdaman ko ang pagod. Lumapit ako at mariing pinagmasdan ang taong natutulog. Hinaplos ko ang kanyang pisngi. Gush, Herald anu bang ginawa mo sa akin at nagkakaganito ako sayo?

Herald POV

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. Pikit man ang mata ko ay gising na ang diwa ko. Nanunuot sa aking ilong ang bango sa paligid. Nakakagaan nang pakiramdam. Ito yung Bangong hinahanap hanap ko. Teka? Hindi pwede dahil sa iisang tao nya lang naaamoy ang amoy na iyon. Panong naaamoy ko iyon dito. Baka namimiss ko na lang siya kaya kung anu anu na ang na iimagine ko.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Biglang kumabog ang puso ko nang makita ang nasa harapan ko. Papano? Nananaginip lang ba ako? O namamalikmata lang ako? Si Ross nga ba itong katabi niya? Hindi lang basta basta nakatabi, ilang pulgada nalang ay magdidikit na ang mga mukha nila. nakayakap pa ito sakanya. Mariin niyang pinagmasdan si Ross na natutulog. Naninigurado.

Lets Stop! I'm Falling in LoveWhere stories live. Discover now