Chapter Two: Ross met Herald

13.1K 368 14
                                    

Herald POV


Gabi na ngunit naririto pa rin ako sa simenteryo. May isang linggo na rin buhat nang ilibing ang aking ina. matagal nang may sakit si nanay ngunit lumala ito dahil sa kakulangan namin nang perng pampagamot. Dalawa na lang kami ni Inay. ang tatay ko ay hindi ko na nakilala. sabi ni inay ay wag ko nalang tawagin dahil wala rin lang daw akong mapapala. at ngayong wala na si inay, ako nalang ang mag-isa sa buhay. 

Sa totoo lang ay wala na akong mailuluha pa. masakit sa kalooban na ang kaisa isang mahal mo sa buhay ay mawawala at maiiwan kang mag-isa. nakakapanglumu. ngunit wala akong sinisi. inisip ko na lng na ito marahil ang kagustohan ng may kapal kesa naman sa maghirap pa siya dulot ng sakit nito.

"Oh nay, gumagabi na, uuwi na ako ha." Paalam ko sa puntod ng aking nanay. " Dadalawin nalang kita sa susunod na Linggo." At naglakad na ako patungung labasan.

Malapit lang naman ang sementeryo sa aming bahay. Mga dalawang kilometro o mahigit lang naman.(ang layo naman nun Hahaha) hindi naman kasi uso ang tricycle dito sa amin talo nat mag gagabi na. Hindi rin naman ako natatakot mag lakad mag-isa dahil halos kilala na rin naman ako dito sa aming barrio.

dahandahan lang ang aking paglalakad upang mamasdan ang papadilim na kalangitan. unti unti nang lumalabas ang mga bituin. Nag sisindihan na rin ang mga ilaw sa mga kabahayan na nadadaanan ko.

"Anu na kaya ang mangyayari sa akin ngayun?" tanong ko sa aking sarili.

Kungtutuosin naman ay kahit papanu ay kaya ko nang buhayin ang sarili ko. tapos ako nang vocational course at may trabaho din ako sa bayan. Hindi man malaki ang sahod pero sigurado namang hindi ako magugutom. "pero makukuntento ka na lang ba sa ganun?" kumento nang isang bahagi nang isip ko. Napabuntong hininga nalang ako habang patuloy na sa paglalakad.

Namimiss ko na talaga ang nanay. Siya lang talaga ang nagpapalakas ng loob ko tuwing nanghihinaan ako. at sa tulad nang ganitong sitwasyon ay kailangan ko sana siya ngunit gaya nga nang sinabi ko, wala na ang nanay ko. Wala na ang number one supporter ko.( Contest ba ito?) Si nanay lang kasi ang unang umunawa sakin simula nang aminin kong Bakla ako ako. tama ang dinig nyo, Bakla, bading gay o kung anu pa ang gusto mong itawag don.

Sagilid lang ako nang daan naglalakad dahil maya maya may dumadaan na sasakyan at may pag ka makitid din kasi ang daan. Maya maya pay may narinig akong isang putok kasunod nang ingay na alam kong nagmula sa sasakyan na marating sa aking likuran kung kaya agad akong tumingin.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang sasakyan sa di kalayuan na dumausdus sa gilig nang daan na sa tingin koy maagap na nakapag preno. Dali dali akong tinungo ang sasakyan upang tignan kung may maitutulong ako. Syempre marunong ako nang first aid eh.

Hindi paman ako nakakalapit sa sasakyan ay agad kong natanaw ang pag baba nang driver at naaninag ko nang pag sisipa sipain ang gulong ng sasakyan.

"Shit!!! Shit!!! Shit" dinig kong sigaw nito habang patuloy sa pag sipa nang gulong.Base sa buses nito ay lalaki ang driver. "Damn! Kung minamalas ka nga naman oh!!!"

"AH Ayos kalang ba kuya?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya. Nagulat pa ito nang lumingon sa akin.

"May maitutulong ba ako?" Tanong ko nang di ito magsalita. Nahiya ata dahil sa pinag gagawa nita sa gulong kanina.

"Bigla kasing sumabog ang gulong may na apakan yatang matulis na bagay sa daan." Rinig kong tugon nang lalaki. Lumapit ako sa gulong nito sa mantalang siya namay kinalikot ang cellphone nito at tipong maytatawagan.

"buti nalang pala nakapad prenu ka kung hindi ay malamang dumeretso ka na sa puno." Sabi ko habang chinecheck ang gulong nito.

"kaya nga eh, anyway may malapit bang towing shop malapit dito?"

Lets Stop! I'm Falling in LoveWhere stories live. Discover now