Chapter Fourteen : The Feeling Get Stronger

6.9K 230 5
                                    

Herald POV

Nagising ako sa sunod sunod na ingay mula sa labas ng aking silid. Ramdam ko9 ang hapdi ng saking mga mata dahil sa halos hindi ako makatulog. Paidlip idlip lang at maya maya ay nagigising din ako. Pilit kong kinakalimutan ang mga nangyari. Alam ko namang nag aalala lang si Ross. Pero di ko mapigilang magtampo sa kanya. May kung anu sa damdamin kong nakakaramdam ng sakit. Yung bang pakiramdam mo ay binalewala ka ng taong malapit sa puso mo.

Nang makita ko si Ross Kagabi ay inaamin kong nakaramdam ako nang tuwa. Ramdam kong bumilis ang takbo ng pintig nang puso ko. Na miss ko si Ross. Namiss ko ang gwapong mukha nito maging ang tinig nito. Gusto ko syang yakapin kung hindi ko lang pinairal ang tampo ko ay malamang walang sagutang magaganap. Ayaw ko kasing isipin nya na ok lang sa akin ang ginawa nyang di pag uwi.

Bumangun ako upang alamin kung saan nanggaling ang ingay. Pagbukas ng pinto ay na amoy ko kaagad ang amuy sunog na bagay. Dali dali akong pumunta sa kusina nang mapagtantong doon nag mumula ang ingay at amoy. Halos di ko alam ang magiging reaction nang madatnan ko si Ross na parang natataranta. nasa sahig ang ilang mga gamit at may mga basag na pinggan din. Sa isang banda naroroon ang sunog na pag kain. pinagmasdan ko si Ross, hindi maipinta ang pagmumukha nito. Napangiti ako nang mapagtantong naka sando lang ito at boxer short habang suot ang apron. ang cute nya talaga, pakiramdam ko nga ay kumabog ang dibdib ko.

"Damn!" Rinig kong sigaw nito. Hinihipan nito ang kamay nito na kung hindi ako nag kakamali ay may iniinda ito.

"Anung nangyari?" Maang kong tanong. ayaw kong malaman nyang kanina pa akong nanunuod sa kanya.

Nakita kong natigilan ito at huimarap sa akin. Tinago nito ang kanyang mga kamay sa likod. Tila isang bata itong may nagawang kasalanan na ayaw pagalitan. Lihim akong napa ngiti sa inakto nito.

"Gusto ko sanang ipagluto ka ng almusal, but I forget I don't know how to cook." Nahihiyang sabi nito na nagpalundag ng puso ko. Hindi ko talaga kayang magalit sa kanya. kahit sabihin ng isip ko ay hindi sumasang ayun ang puso ko.

"Napanu yang kamay mo? Bakit mo tinatago?" Kunyaring nagtataka kong tanong.

Unti unti niyang inalis sa likod nya ang kanyang mga kamay at nakangiwing inilahad sa harap ko ang kanyang mga kamay. Nakita kong may mga paso ito at may mga marka ng talsik ng mantika. nakaramdam ako nang awa sa kanya at inis sa sarili ko. kung hindi ako nag inarte kagabi ay hindi niya ito gagawin at hindi ito mangyayari sa kanya.

Agad kong inabot ang isa niyang kamay at hinila patungong sala. " Upo ka jan." malumanay na utos ko sa kanya. tumango langf ito. Tinungo ko ang banyo at kumuha ng first aid kit. Buti nalang at may gamot ditong para sa paso. Bumalik ako sa sala. Naabutan ko siyang hinihipan ang kamay. Mahapdi pa rin siguro. Umupo ako sa kanyang tabi at muling hinawakan ang kanyang kamay. Kumuha ako nang ointment at sinimulang ipahid ito sa mga parteng may paso.

Nabalot kami nang katahimikan habang ginagamot ko ang kanyang mga paso. gustohin ko mang magsalita ay tila napipipi ako. Kung kanina ay ay parang balewala lang sa akin ang hawakan ang kanyang mga kamay, ngayon ay tila ako naman ang napapaso. Naging aware ako sa presensya niya.

"Herald..." rinig kong sambit niya. Nag reregodon parin ang puso ko at di ko mawari kung kakayanin ko ba siyang tignan sa mata. Pinilit kong paamuhin ang sarili kong puso. Dahan dahan akong nag angat ng ulo at tinignan siya.

"Sa susunod wag mo nang piliting magluto.Ayan tuloy na paso ka pa." Wika ko sa kanya. wala kasi akong masabi kaya yun nalang ang naituran ko.

"tss," Marahan niyang tugon at ngumiti. " Herald, can we don't fight again?" malungkot niyang wika. Pinilit kong tignan siya nang mata sa mata. Naaaninag ko ang kalungkutan at pag sisisi. Tanging ngiti na lamang ang nabigay kong sagot sa kanya.

"Nagugutom ka na siguro, dito ka na muna ako na ang magluluto." Agad akong tumayo at muling tinungo ang kusina. Hindi ko na kasi matagalan ang nararamdaman lalo pat mag ka lapit kami sa isat isa.

Agad kong nilinis ang mga kalat doon. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakapag luto na rin ako at inihain ko na ito sa dining area. Binalikan ko siya sa sala at naabutan ko siyang himbing na natutulog. Mukhang hindi rin ito na katulog. suot parin nito ang apron. Pinagmasdan ko siya sa habang natutulog. habang tumatagal mas lalo ata akong nahuhulog sa kanya. Pero ayaw kong maging hadlang ang nararamdaman ko sa pagiging magkaibigan namain. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Masasabing lalong pumupogi ito sa malapitan. Huminga ako nang malalim at muling pinag aralan ang kanyang mukha. "Alam kong masasaktan ako kung hahayaan kong mahulug ako sayo ng lubos, Pero pangangatawanan ko ang sinabi kong handa akong tumulong sayo." nasambit ko nang marahan.

Di ko namalayang hinahaplos ko na pala ang mukha ni Ross." Siguro Ross, mahal na kita."

Hi... short UD po ito kasi need kong mag review para sa ACCOUNTING ko. may long quiz kami bukas e... bawi po ako next time...

eRockinLove

Lets Stop! I'm Falling in LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin