Chapter Twenty Four: Hoping

6.9K 187 6
                                    

Lumapag na ang sinasakyan kong eroplano. Nag-uunahan na ang mga pasaherong bumama ngunit nanatili parin akong naka upo. Napagpasyahan kong paunahin muna sila dahil malamang sa malamang ay makikipagsiksikan lang naman ako pag nagkataon. Hindi ko alam kong may inutusang susundo sa akin. Kung sabagay, wala namang nakakaalam sa family ko na uuwi ako ngayon. Hopefully that the company already some arrangement. Ako kasi ang pinauna nang kompanya para sa nalalapit na ballet concert namin dito sa Pilipinas.

Nang nakausad na ang lahat ay nagsimula na akong humanda upang bumaba. Kung kanina ay halos di na ako mapakali ngayon ay mukhang naduduwag na ako. Samut saring mga pag- aalinlangan ang tumatakbo sa aking isip. No choice, I need to do this.

Palinga-linga ako nang makababa ako nang eroplano. Pinagmamasdan ang buong paligid ng airport. Malaki na rin pala ang pinagbago. Pagkakuha ng mga bagahe ko at tinungo ko na ang labasan.

"So totoo pala ang balita." isang tinig ang narinig ko mula sa aking likod. Nilingon ko ito at nginitian nang mapagtanto kung sino. Seryoso ang mukha nito.

"Long time no see, Excel. Hows life?" bati ko sakanya sabay lapit at yumakap. Isa siya sa mga taong namiss ko.

Tahimik lang kami habang binabaybay namin ang daan patungong Hotel kung saan ako tutuloy. Gusto ko sanang magtanong tanong ng mga bagay bagay ngunit nahihiya ako. Matagal na ang nakalipas nang mangyari ang iniisip ko pero alam kong hindi iyon basta bastamawawala sa isipan nila. Bumuntong hininga nalang ako at tumingin sa labas.

Nang marating namin ang hotel ay agad siyang bumaba, ganun din ang ginawa ko. Sinamahan pa niya ako sa lobby upang maka pag check-in. Maya maya pa ay nagpaalam na ito. Ngunit bago paman siya makaalis ay nilakasan ko na ang loob ko upang magtanong sa kanya.

"Kamusta na siya Excel?" Tanong ko. Alam kong simpleng mga salita lang iyon pero kung sino man ang nasa lugar ko ay mahihirapang itanong iyon. "Maayos naman ang lahat sa kanya?

Tinignan ako ni Excel. Walang kahit anung emosyon akong nababakas sa mukha nito.

"Wag mong isipin na dahil sinundo kita ay ok tayo. Napilitan lang ako dahil sa utos ng ama ko." Napalunok ako sa tinuran niya." Pumunta ka dito dahil sa concert, kaya wag mo nang alamin kung kamusta o anu nang nangyayari sa buhay nya. Wala ka nang karapatan."

"Gusto ko lang malaman Excel..."

"Para anu? Para guluhin ulit ang buhay nya?" Naramdaman ko na ang galit sa tinig nito."Wag ka nang mag-aksaya nang oras. Nakabangon na siya. Nakabangon na siya sa lubmok na kinabagsakan nya nang iwan mo siya Anna... Kaya bilang Bestfreind ng taong binasura mo, nakikiusap ako. lubayan mo nalang siya." Tumalikod ito at lumakad papalayo. Naiwan akong tila tulala. Pinipilit kong controlin ang sarili upang hindi maluha.

Tama si Excel. Wala na nga akong mababalikan dahil ako ang nang iwan. Pero nasaktan din ako. At inaamin ko, hanggang ngayon siya parin ang laman ng puso ko. Si Ross parin.

Ross POV

"Babe ako na nyan sabi." Saway ko kay Herald na nagpupumilit na dalhin ang mga bag namin mula sa Palawan.

Kakarating lang namin at talagang nakakapagod. Pero kahit papaano ay inaamin kong naenjoy ko iyon. Mula nang magkaayos kami ni Herald ay di na kami natigil sa pag relax.

"Anu ka ba, kagaan lang kaya nito. Para naman akong mahina nyan." reklamo ni Herald. Parang bata kung umasta. Ang cute. Hahaha. Nginitian ko nalang siya saka ko inabot ang bag na dala niya at tinungo ang elevator.

Maykabigatan din naman ang mga dala namin pero ayos lang dahil kaya ko naman siya. Sa dami ba naman nang mga pinambili ni mama for him. Natutuwqa ako dahil kasundong kasundo ni mama si Herald. Ang ayaw ko lang ay ginagawa niyang paggamit kay Herald para sumunod ako sa mga pinagagawa niya sa akin. Ako namang si tanga sunod naman. Ewan ko ba. Pag dating kay Herald parang tumitiklop ako.

Aaminin kong matagal na panahon na din akong di nakakadama nang ganito ka saya. Nakakagaan ng isip.

"Hoy, magmumuni-muni ka nalang ba diyan? Pasok na." Puna ni Herald. Kanina pa pala nakabukas ang pinto. Nawili ako sa kaka space out ata.

Herald POV

Nababaliw na ata tong si Ross. Kanina pa ito ngiti ng ngiti. Space out lang ang drama. Kinakarir don yung tawag saking ng babe, diyos ko nakakakilig tuloy. Alam na niya na sa ginagawa niya e masahihirapan ako.

"Alam mo konting konti nalang tatawag na ako nang doctor. " aniko habang kumakain kami ng hapunan.

Napahalakhak ito ng tawa. Tawang ngayun ko lang napagtantong masarap palang pakinggan.

"Cge tawa pa! Mabulunan kasana. " makakainis, nasisiraan na nga sya ng bait.

"Sorry, masaya lang ako." nakangiting sagot ni Ross.

Pagkatapos kumain ay magtulungan kami sa pag ayos ng dining at kusina. Naghu Hf as ako ng pinggan habang siya naman ang nagpupunas. Ako nan ngayon ang napangiti.

"Hala, nahawa ka na din sa akin. " puna ni Ross.

"Wala may maisip lang ako. " umiwas ako ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko kasi nag iinit ang pisngi ko tuwing nagtatama ang mga mata namin.

"Tell me ako ba yang iniisip mo?" bulong ni Ross. Agad akong napatingon sa kanya. Di ko na malayang malapit na pala siya sa akin. Halos mag kadikit na ang mukha namin. Anu ba namang nakain nitong lalaking ito.

Parang tumigil na ang paligid. Feeling ko ay tanging tibok nalang ng puso ko ang naririnig ko.pinipigilan kong huminga. Intense itong nararamdaman ko. Parang sasabog ako. Yung puso ko parang nasa arina ng mga gladiator,sumisigaw ng "are you not entertained? "

"Um-umayos k-ka ng-nga!" Pautal utal kong wika sa kanya habang mabili na umiwas.

Sa pagmamadali kong maka iwas ay natabig ko ang baso, kung kaya dali dali ko itong sinalo. Pero mali ata ako ng ginawa. Akala ko nasalo ko ang baso. Mali pala. Maagap din kasing sinalo ni Ross ang baso. Ang ending, pareho naming hawak ang baso. Ang nakakaloka pa ay magkadikit ang aming mga katawan. Kung papanu nangyari hindi ko maexplain. Hehehe

Ross POV

Muntikan nang ma out of balance si Herald nang tangkain nitong saluin ang nahulog na baso. Automatic namang gumalaw ang katawan ko upang di bumagsak si Herald. Ending, pareho naming nasalo ang baso. Sa pagdikit ng mga kamay namin feeling ko ay may mga boltahe ng koryenteng naglalakbay patungo sa katawan ko. Weird but I like the feeling.

Namumula nanaman si Herald. Mag kadikit ang katawan namin at magkalapit ang mga mukha. Lumipat ang tingin ko sa kanyang mga labi. Nakaawang ito ng bahagya tita dulok ng pagkabigla.

Kumakabog nanaman ang puso ko. Alam kong lalaki siya pero bakit ganito ang nararamdaman ko. Parang may mga magnet na humihila sa akin na lalo pang lumapit sa kanya. Marahil hindi ko nauunawaan ang nangyayari. Pero anu man itong nararamdaman ko ay gusto kong subukan.

Walang pasabi sabi ay siniil ko ang kanyang labi na aking mga labi. Hindi naman naglaban si Herald. Bagkos unti-unti ay tumugon ito sa aking mga halik. Halik na subrang tamis. Parang ayaw ko nang tumigil.

Anna POV

Kanina pa ako umiiyak. Hindi ko alam kung anung oras na. Hindi ako lumabas ng kwarto. Ayaw din naman ako dalawin ng antok. Dinadalaw nanaman ako ng alaala.

Iisa lang ang solusyon nito upang mabura ang guilt at sakit na nararamdaman ko. Kailangan kong harapin at kausapin si Ross. At kung papalarin ay muli kaming magbabalikan.

Alam kong nasaktan siya nang husto. Pero naniniwala akong mahal parin niya ako. At panghahawakan ko iyon.

Lets Stop! I'm Falling in LoveWhere stories live. Discover now