Chapter Twenty: I'm Here, Even It Hurts

6.8K 210 26
                                    

Herald POV

Nalimpungatan ako nang may mga ingay na nagagaling sa labas ng silid.  Animoy may mga taong nag uusap. Sino kaya mga yun? Tinignan ko ang relong nasa side table. Mag aala una na nang madaling araw.  Dali dali akong numangon upang alamin ang nangyayari sa labas.  Baka si Ross naghahagilap nang makakain.

Paglabas ng silid ay nahagip kaagad ng aking paningin sina Ross at Boss Christian sa sala.

"Tama na yan sabi eh, hindi mo na kaya. " rinig kong ani Boss Christian.

"khaya ko pa! Umuwi ka na nga lang. " sigaw ni Ross. Halatang lasing ayaw pang aminin.

"Alam nyo bang kung anung oras na?" Agad kong sabi na ikinagulat nilang dalawa.

"Sorry nagising ka ba namin? Itong nobyo kasi ang kulit ayaw paawat." Si Boss

"HEHEHE, Hi babe!" Sigaw naman ni Ross na akala mo e walang kapit bahay.

Agad akong lumapit sa kanila. Kinuha ko ang bote ng alak na hawak hawak ni Ross at pinadilatan ng mata. "Tama na yan!" Hindi na rin naman umalma. Sumimangot lang ang mukha na kung nasa ibang sitwasyon sana kami ay masasabi kong cute nya. Pero hindi ngayon, dahil tila may kung anu akong nararamdamang sakit sa loob ko.

Ngayon ko lang nakitang ganito ka lasing si Ross. Sa tagal na naming pagsasama ay never pa itong umuwing lasing. Nakakapagtaka talaga.

Nitong mga nakaraang araw ay nahahalata ko ang pag tatayo niya ng bakod sa pagitan namang dalawa. Gusto kong mag reach out sa kanya pero tila hindi ko siya maabot. Kapansin pansin ang lungkot sa mata nito. Hinintay kong siya ang lumapit sa akin pero lalo lang siyang lumayo. at heto nga siya at dinadaan sa alak ang nararamdaman. at inaamin ko nasasaktan ako.

Bakit? kasi sinasara niya ang sarili niya sa akin. Akala ko pa naman magkaibigan kami. Yung bang we have in common kaya easy na sa aming dalawa ang mag reach out. Pero mali pala ako.

Inalalayan ni Boss Christian si Ross pa puntang kwarto. "Kasi naman eh inuwi mo pa ako, pinagbawalan tuloy ako." rinig kong tila nagtatampong sabi ni Ross.

Inayos ko nalang ang sala at hinugasan ang mga natirirang hugasin sa kusina. Maya maya pa ay nakita kong lumabas si Boss Christian sa kwarto.

"Kape?" tanong ko nang makalapit siya sa kusina.

"Sure." sagot nito.

Maya maya pa ay nasa mesa na kami at sinisimsim ang mainit na kape. gusto ko sanang magtanong pero ayo kong lumabas na asawang nag iimbistiga sa whereabouts ng asawa. Kahit papano ay alam ko ang hangganan naming dalawa.

"Pasensya ka na kung naabala ka" pagbabasag ni Boss Christian sa katahimikan.

"Wala yun Boss."

"Itigil mo na nga yang kaka-boss mo sakin. Excel na lang ang itawag mo sakin." anito

"Ok, Excel." tumingin ako sa kanya at ngumiti. ilang sandali pa ay tinuon ko na ang aking paningin sa tasa nang kapeng hawak hawak ko.

"Alam ko gusto mong itanong kung bakit siya nag lasing." Muling wika ni Excel. "Sana maintindihan mo na may mga bagay na hindi pa nya kayang sabihin sayo. Kung kaya nahihirapan siyang mag open up sayo."

"Hindi ko naman ako nagpupumilit. Nag-aalala lang ako. kahit papanu Kaibigan na nya ako." sagot ko na nakatingin parin sa tasa nang kape. "Alam mo ba yung pakiramdam na gusto mo sanang tumulong pero hindi ka pinapatuyong. Yung tipong gusto mong lumapit pero parang hindi ka pinapalapit." Nag angat ako nang mukha at tumingin sa kausap at ngumiti.Alam kong nagbabadya nang pumatak ang luha ko pero pinilit kong kontrolin ang emosyon ko.

Lets Stop! I'm Falling in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon