Chapter Three: The Weird Feelings

11.4K 327 16
                                    

Ross POV

"Pasensya na sa abala ha" sambit ko sa lalaking nagngangalang Herald. May kapayatan ito at mababa kesa sa akin.


"Naku wala yun." tugon niya.At ngumiti ito sa akin. " ako nga dapat mag sorry, napilitan ka tuloy na matulog dito sa amin. kulit kasi ni kagawad."

Isa lng masasabi ko, at hindi ako makapaniwala nagagandahan ako sa ngiti niya. Subalit parang may kung anu sa mata nito na hindi ko mabasa."Shit bakit ko ba naisip yun." sa isip ko. Bumalik uli ang suwestyon ni Jake sa isip ko.

"What if sabihin mo sa mama mong BADING KA? At hindi ka sang ayon sa gusto nya dahil may boyfriend ka na mahal na mahal mo."


Kanina pa ako hindi matahimik sa kakaisip tungkol sa tinuran ng aking kaibigan. Pag-alis ko kasi kanina mula sa Bar ni Exel ay nagdrive lang ako nang wala sa isip kung saan pupunta. Pabalik balik kasi sa isip ka ang mga katagang namutawi sa bibig ni Jake. Hindi ko alam kung bakit napaka big deal nun samantalang alam ko namang makakatulong ang suggestion niya sa akin dahil alam kung lahat nang naisip kong dahilan ay hindi magiging valid kay mama.

 Nakasunod lang ako kay Herald habang binabaybay namin ang daan patungo sa bahay niya. Tatanggi sana ako sa alok ng Kagawad na hiningian niya nang tulong nang magka aberya ang kotse ko ngunit may kung anung pwersa ang pumipigil sa akin. "Marahil nga ay kailangan mo munang magpalipas ng gabi para makapag-isip." sabi ng isang parte nang aking utak.

"Ok ka lang ba?" Tanong ni Herald. Nang papansing may malim akong iniisip. "May nararamdaman ka bang masakit sayo? "

"I'm fine, don't worry. May naalala lang ako." pagrarason ko dito. Pero ang totoo nitoy nahihilo na ako sa kaiisip.

"Bakit nga pala napadpad ka dito? Mukha kasing taga maynila ka eh? May dadalawin ka ba rito sa Pampangga?" sunodsunod na tanong nito. Wala sa boses nya ang pagiging mapang usisa, marahil ay gusto lang nitong mag open ng topic. May bahid nang pag ka hiya ang boses nito.

"ah eh... Nag road trip lang ako. di ko namalayan nakarating na ako dito sa inyo." Sagot ka naman. Which is true. Wala sa isip akong nag drive kanina. basta lang ako nang drive ng drive. namalayan ko nalang nakalabas na ako nang North Express Way.

"Ganun ba, hehehe Iba na talaga pag may sarili kabg sasakya." ganting tugon nito.

Binuksan ni Herald ang pintuan nang di kalakihan ngunit masasabi namang maayos na bahay. Pinapasok niya ako at tumampad sa akin ang malinis na sala. May roong lumang mga kagamitan pero halata namang matibay. Umupo ako sa upuang yari sa kawayan at nilingalinga ang paligid.

"Pasensya ka na ha, maliit lang ang bahay namin. Dun ka pala matutulog" Pag-umpisa ni herald sabay turo sa kwartong tinutukoy nito.  Kurtina lamang ang nagsisilbing pinto nun. "Kung gusto mong maligo nandidito naman yung banyo." turo naman nito sa pituan malapit sa kusina.

"Salamat ulit" Nginitian ko siya ant nakita ka nanaman ang pag iba nang mukha nito.

Kanina habang magkausap kami ni kagawad ay nahuli ko itong nakatitig sa akin. Hindi ko mawari kung bakit pero hindi ko magawang tanungin kung bakit siya nakatitig. Nginitian ko lang siya nun. Kung ibang tao siguro ito ay malamang umuusok na ang ilong ko sa pag ka bad trip dahil ayaw na ayaw kong tinititigan ako nang basta basta lalo nat lalaki. Pero iba ang naramdaman ko sa kanya. parang walang halung pag papantasya o suya o galit sa mga mata nito. parang nakakagaan nga sa paningin lalo na noong nag tama ang mata namin.

"Sabi ni kagawad ikaw lang mag isa dito, nasaan ba ang mga magulang mu?" Tanong ko sa kanya.

"Wala na. Ako nalang ang mag-isa." Sagot niya. Di nakalampas sa akin ang pag guhit ng lungkot sa kanyang mga mata. "Namatay na kasi ang nanay ko, ang totoo nga nyan e kalilibing lang niya nung isang linggo." ngumiti siya habang nakatingin sa akin. alam kong pilit lang iyon at masasabi ko ring sinisikap nitong mawala ang pag ka awkward namin sa isat isa.

"Sorry." Tanging nasabi ko nalang.

"Wala iyon. di mo naman alam e. OH mag ayos kana para makabalik na tayo kina kagawad."Pag-iiba niya nang topic at pinilit na manging masaya ang boses.

"Sige."

*****

Katatapos lang naming kumain nang haponan. natuwa ako dahil sa maikling oras ay nakapag handa kaagad si kagawad nang mga kakainin. Nabusog talaga ako. Kasalukuyan akong nakatayo sa likod bahay at nagpapahangin. sa di layuan ay matatanay ang isang grupo nang mga taong nag-iinuman. Sila ata kanina rin ang mga tumulong sa akin.

"Oh Ross, tara sama ka samin dito." Tawag ni kagawad na hindi ko na pansing naroroon din pala. "Mukhang mapapasubo ako nito ah" sabi ko sa sarili. Agad naman akong lumapit sa kanila.

"Heto oh, Tagay mo." wika ni kagawad habang inaabot sa akin ang isang basong may lamang alak.

Hindi ako sanay na alak na kanilang iniinum, pero sa tawag na kailangan mong makisama ay kinuha ko iyon at tinungga. Kahit naman kasi na laking mayaman ako eh nakikisama din naman ako sa iba.

Gumuhit ang init sa aking lalamunan. kung kaya kaagad kong sinundan nang tubig.

"Oy anu yan, Kagawad bakit nyo naman pinaiinum si Ross. Baka naman hindi sanay yan." Napalingon ako sa nag salita at nakita kong si Herald papalapit sa amin. Nakakunot ang noo nito na tila di sang ayon sa pag inum ko.

"Naku Herald, minsan lang naman eh. Saka mukha namang sanay din iton si Ross sa inuman. Diba ROss?" Sagot ni kagawad habang ang iba naman ay natatawanan.

"Umiinun naman po paminsan minsan." nakangiti kong sagot.

Nakita kung umiling iling nalamang si Herald. Natuwa naman ako sa kanya dahil mukhang nag aalala talaga ito para sa akin. Tumalikod siya at iniwan kanalang kami. Samantalang ako, heto at talagang mapapalaban sa Inuman.

Herald POV

Iniwan ko ang mga nag-iinuman sa likod bahay ni kagawad. Nainis ako kasi nakakahiya kay Ross. Alam kong nakikisa ma lang siya pero nakakahiya parin. Ewan ko ba pero nag aalala kasi ako sa kanya. Kahit papanu e bisita siya dito samin."Yun ba ang talagang dahilan?" tanong nang isip ko.

Umupo nalang ako sa tapat nang bahay nina kagawad at pinanuod ang mga batang naghahabulan. Hindi pa naman masyadong gabi e. Kadalasan na kasing naglalaro ang mga bata twing gabi. Matatapos lamang ang mga ito pag may tinawag na sa kanila nang kanilang mga magulan.

Muli akong nalungkoy habang pinagmamasdan ang mga bata. Naalala ko nanaman ang nanay ko. "heto nanaman po ako" mahina kong sambit dahil nagbabadya nang tumulo ang luha ko. Masyado na akong nagiging iyakin sa totoo lang. Parang ang hirap lang kasing tanggapin. At tuloyan nang kumawala ang luha ko.

Nagulat nalang ako nang may isang kamay mula sa likod ang nag abot nang panyo. Nilingon ko ito at napangiti nalang ako habang dumadaloy ang aking mga luha nang mamataan kong si Ross. Hindi ko alam para kasing kahit papanu e gumaan ang loob ko nang makita ko sya.

"Tapos na ba kayo?" tanong ko.

Umupo ito sa tabi ko. yumuko ito at tinukod ang dalawang siko sa magkabila nitong tuhod. Nagpakawala ito nang hangin sa bibig at tumingin sa akin na nakangiti.

"Kanina ko pa sila kausap eh, Napagbigyan ko na rin naman sila. Siguro naman hindi naman sila magagalit kung..."

"ikaw naman ang bigyan ko nang oras."

*****

Ayan na po ang chapter 3 ng aking kwento... hehehe sana magustohan po ninyo...

comments and suggestions are welcome po.

D ako masyadong sure kung nag improve itong chapter na to pero sinusubukan ko parin talagang mapaganda ang story na to.

salamat po nang marami...

                                eRichinLove

Lets Stop! I'm Falling in LoveWhere stories live. Discover now