Chapter Thirteen : First Fight

6.7K 252 6
                                    

Ross POV

Mahigit isang linggo bago ako umuwi ng condo. Naging napaka busy ko nang mga nagdaang araw kaya mas minabuti ko nang tumuloy nalang sa hotel na pag-aari ng pamilya mag-stay since malapit ito sa opisina. Bukod sa mga deadlines na hinahabol ay may mga meetings din na hindi dapat isawalang bahala, lalo pat ang iba sa kanila ay mga investors. Naging maluwag din si mama sa mga nagdaang araw. kaya kahit papanu ay naramdaman ko ang kalayaan ko. Syempre hindi rin mawawala ang pagbigyan ang tawag ng laman, hehehe.

Ngayon ay kararating ko lang sa condo. Nagtaka ako dahil wala si Herald. Tinignan ko ang mga kwarto ngunit wala ito. Sinubukan ko siyang tawagan ngunit can not be reach ang number nya. Nagsimula na akong kabahan. Hindi ko din kasi matawagan ang kaibigan nitong si Lorilai. Inaamin kong hindi ako masyadong nakikipag Communicate sa kanya, pero sana man lang ay nagtxt man lang ito para alam ko kung nasaan siya.

Sinubuklan kong iwaglit ang pag aalala ngunit sadyang hindi ako mapakali. Pumasok ako sa aking silid at tinungo ang banyo upang maka pag shower nang mabilisan baka sakaling kumalma ako.

Pasado na Alas dose ngunit wala pa si Herald at talagang hindi ko mapigilan ang mag alala. Di ko alam kung bakit ganito nalang ako para kabahan na baka may nangyari sa kanya. Nagpasya akong bumama ng lobby upang magtanong sa guard at doon nalang hintayin. Papunta na ako ng pinto an nang bigla itong bumukas at iniluwa nito si Herald. Bakas sa kanya ang pagod ngunit tila naunahan ako nang aking galit.

"Palagi ka bang ganitong oras umuwi Herald? Bat di ka man lang nagtext sas akin. Alam mo bang nag alala ako kung anu nang nangyari sayo!" Diko mapigilang sigaw sa kanya. Tumingin ito sa akin.

"Pasensya ha, hindi ko kasi alam na uuwi ka." sarkastikong sagot nito. At nag patuloy ito sa paglalakad. Dinaanan ako lang niya ako na agad kong ikinagalit nang husto.

"Yun lang ang sasabihin mo! Hindi ko alam na may ganito ka palang ugali!" Muli kong sigaw. Naiinis talaga ako. Mukha kasing hindi siya ang Herald na kilala ko.

"Pwede ba Ross, Pagod ako. Kung gusto mo akong sermonan, kung pupwede bukas na lang. Saka anu bang pinuputok ng butse mo? Pinakeke alaman ba kita o inuusisa man lang kung bakit hindi ka nakakauwi dito?Hindi diba!" Galit na sumbat nito. Natigilan ako sa kanyang tinuran.

"Kung wala ka nang sasabihin ay matutulog na ako." pagpapaalam nito.At nag simula na itong lumakad patungong kwarto.

"So galit ka dahil hindi ako nagpapaalam saiyo ganun ba? Baka gusto mong ipaalala ko sa iyo na pamamahay ko ito kaya bilang paggalang man lang sana..." Bigla kung pahayag na hindi ko na napigilan.

"Baka nakakalimutan mo din na ikaw ang nag alok na tumira ako dito sa bahay mo Ross. Pero kung ipamumuka mo iyan sa akin sige, bukas na bukas din ay aalis ako sa bahay mo! Nakakahiya naman sayo." Sigaw nito sa akin na akin namang ikina gulat. Agad naman itong pumasok sa kwarto at malakas na isinara ang pinto.

Naiwan akong nakatayo sa kinatatayuan ko. Hindi ko napigilan ang galit ko. Masyado akong nagpadala sa inis ko kanina kaya ako nakapag salita nang hindi maganda. At sa lahat ng tao ay kay Herald pa. Nakaramdam ako nang pag sisisi. Kaya agad kong tinumgo ang pinto nang kwarto ni Herald at kumatok.

"Herald, sorry sa mga sinabi ko. nadala lang ako. Open the door please." Tawag ko sa kanya.

May ilang minuto din akong kumakatok sa kanyang silid. Patuloy ko parin siyang tinatawag. Maya maya pa ay bumukas ito at napansin kong namumula ang mga mata nito at halatang umiyak. Tinignan ko siya nang mata sa mata.

"I'm sorry. Wala akong ibig sabihin kanina. Galit lang ako at masyadong nag alala. Tinatawagan kasi kita ni hindi kita ma contact." panunuyo ko sa kanya. Ito ang unang nanuyo ako nang tao. Sa lalaki pa. Pero ito ang dinidikta nang puso at isip ko na kailangan kong gawin.

Nanaliting nakatitig lang si Herald sa akin. Mayamaya pa ay nagsalita na ito. "Matulog ka na Ross. Bukas nalang tayo mag usap. Pagud ka at pagud din ako. parehong makitid ang pag unawa nating dalawa sa mga oras na ito."

"Pero kailangan kong malaman kong pinapatawad mo na ako, hindi rin naman ako makakapag pahinga kung alam kong galit ka sa akin." Muli kong pagsuyo sa kanya.

"Hindi ako galit Ross, Nagtatampo pwede pero hindi ako galit. Pero hindi ibig sabihin nun ay ok yung nangyari. Nagpalitan tayo nang mga salitang hindi kaaya aya. At hindi iyon basta basta makakalimutan ng ganun kadali. Kaya ako naman ang makiki usap kung pwede bang ipagpabukas nalang natin itong pag uusap natin." Mahabang litanya nito. Nakatingin lang kami sa isat isa. ramdam kong dinadamdam pa rin niya ang nangyari kanina. pero wala na akong magagawa dahil nangyari na ang nangyari. Nakapagbitaw na ako ng mga salitang nakapag pasakit ng loob niya.

"Ok" ang tanging nasabi ko nalang. At iyon ang naging hudyat upang isara nito ang pintuan. Nanatili lang akong nakatayo. Naiinis ako sa aking sarili. Kung sanay naging mahinahon lang ako. Kung sanay kinausap ko lang siya nang maayos. Eh di sana ay walang ganitong nangyari. Maya maya pa ay nagpasya na lamang akong pumasok sa aking silid upang magpahing. nang makahiga.

Sa aking pagkakahiga ay hindi ko maiwasang mapaisip kung anu ang dapat kong gawin upang maka bawi kay Herald. Hindi naman ako pala suyong tao pero pakiramdam ko ay dapat ko siyang suyuin nang todo. Dahil sa aminin ko man o hindi ay apektado ako lalo nat nakita ko ang malungkot na mukha ni Herald. Ayaw kong makita siya na ganun. Yung may hinanakit sa mga mata.

"Bukas na bukas Herald, Babawi talaga ako sayo." Nasambit ko. Ilang sandali pa ay dinalaw na ako nang antok.

Yun oh... hello guys. Pahabol po itong update dahil magiging busy ako next week. kailangang mag review. exam week na e. anyways, salamat po sa lahat nang nakapagbasa nang kwentong ito... pasenxa po kung medyo weak. medyo nag aaral pa lang kasi ako. pero pinagbubutihan ko naman kahit papanu. oh panu bye muna guys... vote and comment po tayo...

eRockinLove

Lets Stop! I'm Falling in LoveWhere stories live. Discover now