Chapter Thirty: Limitations

6.6K 200 9
                                    

Heralds POV

Kung ilang oras na akong umiyak ay di ko napansin. Gusto ko lang umiyak upang maibsan ang sakit na nadarama ko. Nagpapasalamat nalang ako na kahit papanu ay hinayaan lang ako ni Excel. Lihim akong nagpasalamat na naririto siya. Kahit di man siya nagsasalita ramdam ko ang kanyang pag-uunawa.

Hindi ko talaga inaasahan ang tagpong iyon. Si Ross at Anna, magkasama at masayang nag-uusap. Diba't kahapon lang ay halos isumpa ni Ross ang babae dahil sa pag iwan nito sa kanya. Hindi niya maunawaan ang n as nangyayari.

Buong araw akong nag alala dahil hindi ko siya macontact. Sa halip na isipin ko ang sarili ko ay mas iniintindi ko ang kalagayan niya. Tapos ang ending magkasama lang pala sila ni Anna.

Inaamin kong wala akong karapatan na masaktan pero sa lumipas na araw na nagsasama kami, hindi ko maiwasang umasa. Masakit dahil kung kelan nagiging maayos na ang lahat ay saka naman may mangyayaring ganito.

Pinalis ko ang mga luha ko gamit ang aking kamay. Wala na rin naman ako maluluha pa. At wala na din akong magagawa pa kundi tanggapin nalang ang nangyayari. Sadyang di lahat na bagay ay panghabang buhay. May ilan na pansamantala lamang.

"Tapos ka na bang umiyak? " pagbabasag ni Excel ng katahimikan. Na siyang tinanguan ko naman. " Mabuti naman kung ganun. Nag-aalala na ako sa totoo lang. Ang mabuti pa kumain nalang tayo. Nagugutom na ako eh. "

"Mabuti pa nga, nagugutom na rin ako eh. " pasingkot singkot ko pang sagot sa kanya. Ngumiti lang siya habang nakatitig sa akin. Umiwas nalang ako ng tingin dahil nakadama ako ng hiya. Binuhay niya ang sasakyan at pinaharurot ito palayo.

Ross POV

Hindi ko akalain na maaabutan kami ni Herald dito. Hindi ko naman kasi alam na maaga itong uuwi. At higit na ipinagtataka ko ay kasama pa niya si Excel. Bakit kaya sila magkasama?

Ang totoo ay mula nang magkausap kami ni Anna ay parang unti unting humupa ang sakit na nadarama ko. Parang ang pakiramdam ko ay may kung anung bagay na nabunot sa aking kalooban. At inaamin ko, nakakaramdam ako ng saya.

Noong gabing nag-usap kami ni Anna ay hindi ako umuwi. Lito pa kasi ang isip ko at balik uli ako sa pagnanais na mapag-isa. Pinatay ko ang phone ko. Kahit alam kong mag-aalala si Herald ay hindi ko pinaalam sa kanya ang lahat.

Nang sumunod na araw ay pinuntahan ko si Excel sa resto bar nito. Kinausap ko siya at humingi ng payo.

"Hindi ko sasabihing tama o mali ang ginawa mo. Ang sa akin lang ay sana buo ang loob mong panindigan ang disisyon mo. Sana ay handa ka ring harapin ang mga consequences na kaakibat ng disisyon mo." Ani Excel " Sa nakikita ko naman kata mo nang harapin ang lahat. Pero wag mo sanang kakaligtaan na anu't anu pa man ang disisyon mo ay mayroon at mayroong masasaktan. Gamitin mo ang puso mo. "

Lalo akong napaisip. Pakiramdam ko ay wala ako sa katinuan ko. Nakita ko nalang ang sarili na papunta sa tinutuloyan ni Anna.

Lito man ay nagpariaanud nalang ako sa nangyayari. At iyon nga, buong araw kaming nagkasama ni Anna. Nagkwentuhan at nagkamustahan. Hanggang sa marating namin ang aming nakaraan. Hanggang yayain ko siya sa condo ko na pinaunlakan naman niya.

Alam kong karapatan ko naman kung gusto kong magpatuloy ng kung sinu man ang gusto kong patuluyin sa condo ko. And besides wala namang namamagitan sa amin ni Herald. Yet I feel guilty. Kitang kita naman kanina na nabigla ito nang makita si Anna.

Hindi ko mapigilang mag-aalala. Tuluyan nanamang hindi ako makapag isip.

"Are you ok? " na bigla pa ako ng marinig ang boses ni Anna. Nakalimutan kong nandidito pa pala siya.

Lets Stop! I'm Falling in LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin