014

371 11 0
                                    


While on our way to work I remember what I read on his phone when I borrowed it last time, we had a dinner "Kaya pala excited pumasok gustong gustong makita yung living alarm clock niya, yieeee!" sinusundot sundot ko pa yung tagiliran niya habang nag d-drive siya, pero hindi niya ako pinapansin deretso lang ang tingin n'ya sa daan kaya tinalikuran ko siya at pinag krus ko yung braso ko pag kaharap ko sa bintana "Sungit" bulong ko.

Hinawakan niya yung likuran ko "I'm not reacting because it's not true. I'm excited to go to work because of you. I'm not even replying to her" 

Accidentally ko kase na open yung message ni Ma'am Chelsea sakaniya dahil bigla yun nag notification, laging nag me-message ng good morning, eat breakfast, good afternoon, don't forget to eat lunch, good evening, work time ang taray parang walang relo sa Khaly sa phone, sa bahay or sa sasakyan kung mag paalala "This coming Christmas party I will give her a big alarm clock" at lumabas na sa sasakyan niya, dire-diretso akong nag lakad papuntang elevator.

"Love, wait" habol niya pag sara niya sa pinto ng sasakyan kaya mas lalo kong binilisan ang pag lalakad ko dahil naiinis ako.

"Are you jealous?" tanong niya pag pasok namin sa elevator kaya humarap ako sakaniya at napahawak sa dibdib ko at parang hindi maka paniwala sa sinasabi niya "Me, jealous? Oh my god, I'm jealous?" natatawang tanong ko.

"So, there's something I should be jealous of?" tanong ko dahil bakit naman niya ako sasabihan na nag seselos ako kung wala namang dahilan para mag selos ako, edi may dahilan? Argh! Why am I acting like this?!

"Of course, none" hinahabol niya ako pag labas ko ng elevator. Habang nag lalakad papuntang office ay nag tatalo parin kami "Oh, shut up Khaly" sabi ko pag bukas ko ng pinto ng office kaya nag tinginan sila sa amin dahil napa lakas yung pag sasalita ko. Naiinis lang kase ako lalo pag nag sasalita siya, feeling ko lahat nang sasabihin niya ay 'yon ang paniniwalaan ko.

"Love" habol niya hanggang maka rating sa cubicle ko, wala na siyang pakealam kung naririnig siya ng iba. Nag bubulungan na yung mga kawork namin "Love, listen to me" nakatayo siya sa gilid ng swivel chair ko "Office hours, sir" ngiti ko sabay suot ng earphones "Damn" dinig kong sabi niya sabay suklay ng buhok niya gamit yung kamay niya bago mag puntang office.

"Ano meron sainyo ma'am?" tanong sa'kin ni Aaron, lumapit din sa'kin yung ibang gustong maki tsismis "Ewan ko diyan kay Khaly" sabi ko at nag sulat sa sticky notes ko ng kung ano ano para lang malibang.

"Akala ko Ellen, ikaw yung girlfriend ni sir?" sabi ng isa sa mga ka workmate ko. Napatingin ako sakaniya I'm curious how she will react tho this question.

"Oo nga 'te akala namin ikaw?" dagdag pa ng iba.

"Bakit sino daw ba?" mataray na sagot niya habang nakataas ang isang kilay at hawak hawak ang pudpod niyang lipstick. Natatawa si Bubbles sa gilid ko, inaya ko siya na pumunta sa pantry para kumuha ng chips "Tara, Bub pantry?"

"May susuotin ka na sa chrismas party?" tanong sa akin ni Bubbles "Wala pa nga, e ikaw ba?" umiling siya "Ano raw bang theme?" wala pa namang sinasabi kung anong theme hindi pa final yung pajama party "Sabi pajama party raw, pero hindi ko bet yun masiyadong common yung gano'n na theme ngayon, diba?" kung ano ano pang pinag kwentuhan naming doon sa loob ng pantry habang wala pang 11 pm. Ayoko pa kase lumabas dahil naiirita ako kay Ellen at puro chismis lang maririnig ko doon.

"Love, please talk to me" malambing na sabi niya habang hawak hawak yung kamay ko, ang hirap talaga niya tiisin parang lagi ko nalang una iniisp yung mararamdaman niya or yung relationship namin before mag decide sa mga bagay bagay"Ma'am una na'ko" paalam ni Bubbles, tinanguan ko lang siya bago sagutin si Khaly "We're good, love" I said and caressed his face "Are we really good?" tumango ako at ngumiti.

Hindi ko rin alam basta naisip ko lang na dapat ko siyang paniwalaan dahil hindi ko naman talaga nakitang ang reply siya sa messages ni ma'am Chelsea, it only means na hindi niya inentertain. Ayoko rin mag paka isip bata na dahil lang sa simpleng text message papalakihin ko yung away namin. Siguro gano'n talaga pag mahal mo yung tao wala kang magagawa ung hindi intindihin nalang siya kahindi mo na maipaliwanag sa sarili mo.

"Of course, we are. I trust you and I saw that you're not texting back unless it's something important" tumango s'ya at hinalikan ako sa noo, 'di ko alam kung may naka kita ba no'n pero pag tingin ko ay lahat sila naka tingin sa amin kaya medyo na hiya ako. Hinatid niya ako sa cubicle ko bago siya mag punta sa office niya.

"Ang taray may pa halik sa noo" nginisihan ko siya at natawa kami "Ma'am Autumn lang sakalam" pang aasar nila sa'kin "Assumera kasi" Pang aasar ni Bubbles kay Ellen nang mag walk out silang dalawa ni Kyla.

"Grabe ang galing niyo rin talaga mag tago, ma'am ah? akala talaga namin si Ellen yung girlfriend niya" Hindi ko alam ano yung sasabihin ko, nahihiya din ako para kay Ellen.

'Di sila natitigil kaka tanong pa'no naging kami bakit hindi man lang nila nahalata "Basta" ayan lang yung ulit ulit na sagot ko sakanila.

"Sabay kayo pumapasok at umuuwi, ma'am?" tanong pa nila "Oo" sagot ko habang natatawa "All this time akala namin talagang inaantay mo si sir sa elevator para mag kasabay kayo pumasok" umiling ako. Kilig na kilig pa sila hindi sila maka move on sa pag tawag ni Khaly sa akin ng love.

"Autumn, go to my office" tawag sa akin ni ma'am Chelsea kaya sumunod agad ako.

"I'm not happy on what I saw the other day in the conference room" bungad niya sa akin.

"What do you want me to do ma'am?" huminga siya ng malalim "Refrain yourself from being with him" natawa ako ng konti sa sinabi niya "What do you mean?" napahilot siya sa sintido niya. 

"Layuan mo si Khalysta" wow, first name basis "And why should I listen to you? are you the father, the son or the holy spirit?" sarkastikong tanong ko sakaniya habang natatawa.

"You should listen to me because I'm your boss, Autumn. His father won't be happy if he heard about this" natatawa ako sakaniya, para namang close sila? "How did you know, ma'am? Close po kayo?" tanong ko. Wala akong balak makipag talo or ano sakaniya, gusto ko lang siyang pikunin.

"No, we're not but of course, sinong tatay ang matutuwang maging girlfriend ng anak niya ang isang team leader lang naman ng company nila?" tumango tango ako "You got a point naman po. Sabihan niyo nalang po ako pag close na kayo ng dad niya, pag close na po kayo 'tsaka na ako makikinig sainyo at lalayuan ko ng buong puso si Khaly" at tinalikuran ko siya. 

"Don't turn your back to me when I'm talking to you, Autumn. Stay away from him or I'll fire you?" I faced her and crossed my arms "Go ahead fire me if you can. Boss  kita ma'am Chelsea, therefore, you don't have a say on my personal life and stop sticking your nose to where it doesn't belong po" sagot ko at tuluyan na siyang tinalikuran.

"His father will surely know about this" habol niya pa at nag thumbs up nalang ako sakaniya.

"Oh, ba't badtrip ka?" salubong sa'kin ni Bubbles "Pala desisyon kase 'yang si ma'am Chelsea layuan ko daw si Khaly dahil alam daw niyang magagalit yung Daddy ni Khaly pag nalaman, bakit part of the family siya?" I said while rolling my eyes.

"Baka bet si sir?" natawa naman ako "Anong baka? Bet talaga niya nag fifeeling alarm clock nga. Sorry not sorry ako ang mahal" sabay hair flip ko pa.

"Speaking of the devil" sabay nguso niya kay ma'am Chelsea na papunta sa gitna kaya naman lahat kami ay hinarap siya.

"Attention! So, the theme of the Christmas party is decided. It will be pajama party and it's on December 13" babalik na sana siya sa office niya pero may nakalimutan yata sabihin.

"Before I forgot, I don't want any relationship developed here" nag katinginan kami ni Bubbles.

"Why? Is it written on their contract, Ms. Chelsea? Don't make your own rules" napatingin kami kay Khaly na biglang lumabas sa office niya.

"Anyway, let's do the monito monita. I will be joining your department" sabi niya nang hindi naka sagot si ma'am Chelsea. Agad kong pinagawa si Bubbles nung mga names para makapag bumunutan na.

"Sinong nabunot mo?" Tanong ko pag lapit ko kay Khayly "Wag kang tsismosa" naasiwa nanaman ako sa pag tatagalog niya kaya nilayuan ko siya at lumapit ulit kay Bubbles

"Sinong nabunot mo ma'am?" natawa ako bago ko ipakita yung papel "si ma'am Chelsea" sabi ko habang tumatawa.

The Dawn in Aseana (Dream Chasers Series #1)Where stories live. Discover now