022

320 7 0
                                    

Grabe halos isang buwan na yata kami hindi nag uusap ni Khaly. Pilit ko namang inintindi yung situation pero hindi ko talaga magawa kahit na naiintindihan ko naman siya kahit papaano pero sobra naman yata yung kalimutan niyang may girlfriend siya. 

Sana hindi nalang muna siya pumasok sa relationship kung hindi pa pala siya ready gampanan yung responsibilities ng isang boyfriend, at kahit hindi ko naman hinihiling sakaniya na gawin lahat yun sana lang hindi niya ako kinakalimutan ng gan'to. 

Grabe na nga yung ginagawa kong pag papakatanga para sakaniya, martyr kung martyr ako dito para lang 'wag siyang malawa sa'kin pero parang siya naman yung nag bibigay ng dahilan para tuluyan kaming mawala sa isa't isa.

Gano'n parin pareho kaming pumapaosk sa isang company pero hindi kami madalas mag kita halos hindi rin siya lumalabas sa office niya at kahit gusto kong dalhan siya doon ng breakfast or kahit coffee lang hindi ko rin magawa dahil pinag babawalan ako ni ma'am Chelsea. 

Sobrang dami kong naririnig na balita about him sa mga kakilala ko pero lahat ng 'yon hindi ko pinaniwalaan kahit na pinapakita na nila sa'kin at nakikita narin mismo ng dalawang mata ko ay nag bubulagbulagan ako dahil ayokong mag kamali sa pag pili ng desisyon ng dahil lang sa isang maling akala.

Sabihin ko man sa sarili ko na hindi ako naniniwala I know haf of me believe that it's true but I still chose not to because I believe to his love for me and I know he's not that kind of person also I don't want to hurt myself.

Apat na college block mates ko na ang nag memessage sa'kin at sinesend ang picture ni Khaly sa isang bar sa may BGC. 

They say na madalas nilang nakikita si Khaly doon and when the clock strikes 4 may mag susundo raw kay Khaly na babae na siguro ay nasa late 20's niya, pero hindi ko parin naman pinaniwalaan 'yon dahil ang pinapakita lang nil ana pictures is either side view or back and wala din namang picture na may kasama si Khaly na babae. 

Pwede rin naman na kahawig niya lang yung lalakisa pictures, 'yan yung paulit ulit na dinadahilan ko sa isip ko para 'wag na akong mag duda pa kay Khaly kahit na kamukang kamuka niya naman talaga yung nasa picture. Kabisado ko ang every inch ni Khaly so hindi ako pwede mag kamali pero mas gusto ko nalang na 'wag nang paniwalaan pa dahil ayoko masaktan at gusto kong kumapit kay Khaly as long as I still have a faith in him I'll do my very best to keep on holding.

"Autumn!" I heard someone calling my name I slow down from running "Autumn is that you?" habol sa'kin ng ka block mate ko no'ng college, nag j-jogging kasi ako dito sa may bandang Roxas Boulevard "Uy, hi Tine. Kamusta?" tanong ko sakaniya pag kaharap ko.

"Grabe ang bilis mo naman tumakbo, naka ilang tawag na ako sa'yo" reklamo niya at uminom ng tubig. Mabuti nalang at nahulog ang earphones ko kung hindi ay hindi ko siya maririnig.

"So, what is it? Kung makahabol ka naman parang super importante ng sasabihin mo, kalma girl mag kakamustahan lang tayo and madalas din naman tayong mag chat, ang OA mo" I laugh with what I said. Isa si Tine sa mga ka close ko na block mates ko.

"I saw your boyfriend" sabi niya habang may ginagawa sa phone at hinahabol pa ang hininga niya. Nagulat ako nang makita ang picture na nasa phone n'ya, muntik ko pa nga 'yon mabitawan. 

Parang nanlalambot yung tuhod ko sa nakikita ko, pero kelangan kong piliting tumayo dahil ayoko gumawa ng eksena dito at umiyak.

"That's not him" sabi ko at binalik sakaniya ang phone tapos ay tumakbo na ako pabalik sa condo ko. 

"That's not him Autumn" Tinakbo ko mula baywalk hanggang dito sa Aseana pero parang hindi manlang ako napagod. 

"He can't do it to you" "He loves you" I tried to convince myself. Pag dating ko ay nag pahinga ako saglit at naligo, pag tapos ay natulog ako kahit hindi pa ako kumakain ng heavy meals. Cereal and coffee lang ang kinain ko kanina pero parang busog parin ako.

Hanggang sa pag tulog ko ay nakikita ko yung picture na pinakita sa akin ni Tine kanina, si Khaly at si ma'am Chelsea sa bar. 

Sa picture na 'yon ay tinatayo ni ma'am Chelsea si Khaly patayo para makalabas na ng bar. Ang sakit makita na ako yung girlfriend niya bakit hindi ako yung tawagan niya at saakin siya mag pasundo? So, kaya hindi siya madalas pumasok netong mga nakaraan ay dahil nag iinom siya? At kaya din madalas mag paalam si ma'am Chelsea at bumabalik din agad ay dahil din doon?

Akala ko ba busy siya pag aralan ang company nila? Akala ko ba kelangan niya matutunan ihandle ang company nila? Akala ko ba mahal niya ako? 

Kahit ilang beses kong hilingin na sana ay hindi totoo ang nakita kong picture pero totoo talaga 'yon, sobrang linaw at makikita mo talaga ang mukha nilang dalawa. Sobrang sakit, para akong paulit ulit na sinasaksak sa dib dib tapos hindi ako mamatay matay.

Alas nuebe na ng gabi at habang nasa CR ako napag desisyonan ko na kausapin si Khaly. Kahit na ano pa yung nakita ko hangga't hindi ko naririnig ang paliwanag niya hindi ako bibitaw sa aming dalawa. Wala naman akong nakitang form of cheating sa picture na 'yon, masakit lang talaga na hindi ako yung taong nilalapitan niya tuwing kailangan niya.

Like what I told him before, I won't leave him as long as I know he didn't cheated on me. I can swallow everything he will do to me but don't he dare cheat or hurt me physically because I won't halt myself from leaving him.

Kaya pag tapos ko maligo ay nag bihis ako. Kinuha ko nalang ang black spaghetti strap at isang knitted cardigan para 'di na ako mahirapan mag bihis. Habang nag susuot ako ng pants ay dinadial ko ang phone ni Khaly pero paulit lang itong hindi sinasagot naka ilang call na ako wala paring sumasagot. 

Sakto naman bina-bun ko ang buhok ko ay tumawag si Tine at ni loudspeak ko dahil hinahanap ko ang turban tie ko. Nahirapan pa akong hanapin 'yon kaya ibang turban nalang ang ginamit ko baka maka alis na sila khaly kung mag aayos pa ako and besides my appearance is not what's important tonight I have to caught them in the act so I could confront them knowing tat the won't be able to tell lies because I saw them with my own eyes.

"You need to go here. He's here with the bitch. I'll text you the location" buti nalang at sobrang active ng nightlife ni Tine "Thanks, Tine. Wait for me I'll be there" sabi ko at inend na ang call, I didn't hesitate to go there kaya pag ka baba ng tawag ay nataranta agad ako na hanapin ang susi ng sasakyan ko na ayaw na ayaw kong ginagamit. Feel ko na hindi pasok ang outfit ko sa pupuntahan ko pero nang tingnan ko ang oras ay 2 am na, wala na akong time na mag palit pa at baka umuwi na sila.

Pag kasend sa'kin ni Tine ng location agad kong pinaharurot ang sasakyan ko. Pag karating ko sa revel ay swabe kong naipark ang sasakyan ko at lumabas. Nagulat ako nang may nakita akong kakilala ko na mga ka batch ko at some friends of friends 

"Nice Corvette, naunahan mo'ko bumili" pang aasar sa'kin ni Mark isa sa mga madalas kong kasamang gumimik nung college "tagal mo ring hindi nag punta dito, parang ngayon nalang ulit simula no'ng pag ka graduate natin kaya ba hindi ka na aware kung ano dapat ang outfit at hairstyle pag pumupuntang nightclubs?" pang aasar niya pa. Sabay kaming pumasok habang nag tatawanan, sobrang dami naming nakasalubong na mga kakilala kaya napapa stop at napapa shot kami.

"Hey!" tinatanguan ko yung mga nakaka salubong kong kakilala. Hinatak pa ako ni Mark papunta sa grupo nila kaya wala akong choice kung hindi sumama nalang.

"Is that Autumn?" ngumiti ako sa kaibigan ni Jace na naging kaibigan din namin nila Mark at ngayon ay mas madalas na nilang makasama kesa sa akin.

"Pakilala mo naman ako diyan, pare!" an unfamilliar man said and introduce himself to me but I don't want to entertain him so instead of accepting his hand I bid my goodbye to them "Punatahan ko lang si Tine" paisigaw na bulong ko sakaniya dahil hindi mag karinigan sa ingay dito, tumango nalang siya at pinalayas na ako kaya pinuntahan ko na kung nasaan si Tine 

Narinig ko pa na inasar nila yung guy dahil sa pambabalewala ko sakaniya.

"What took you so long?" salubong niya at nakipag beso beso pa sa'kin.

"Nakasalubong ko si Mark tapos nakasalubong din naming yung mga ibang friends of friends kaya napatagal. Anyway, nasa'n na sila?" sumenyas nalang siya nang follow me dahil hindi narin kami nag karinigan. Nag taka ako kung bakit papuntang restroom yung nilalakaran namin pero sinundan ko nalang siya. 

The Dawn in Aseana (Dream Chasers Series #1)Where stories live. Discover now