001

1.1K 22 1
                                    


DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

***

"May bagyo ba? Bakit ang ulan?" I asked myself when I saw a drop of water falling from the sky.

Sinara ko ang ang payong ko na basang basa dahil sa ulan, pag katapos ay pinagpag ko ang jacket ko na medyo basa narin. Kahit na may sasakyan ako pinili ko parin na mag lakad nalang para hindi sayang sa gas kase konti lang naman yung layo sa condo ko.

Pag bukas ng elevator ay punuan na kaya hindi na ako pumasok baka mag overload pa, pag minamalas ka nga naman umuulan na tapos puno pa yung elevator. Tiningnan ko ang wrist watch ko at 10:53 pm na 7 minutes nalang late na ako, fuck shit naman tong elevator ang tagal bumaba.

Sumandal ako sa gilid ng elevator at nilabas ang aking cellphone at nag laro muna ako tapos panay panay din yung dead ko wala na'kong heart. Sino ba nag pasimuno ng candy crush bakit ang hirap ng stage 403?

Nang tumunog ang elevator ay pumasok agad ako at pinindot ang tamang floor bago tumingin ulit sa oras 3 minutes nalang, aabot pa naman ako sa call time. Pag akyat ko ay saktong 11:00 pm na ako nakapag in, medyo basa parin ang buhok at jacket ko kaya naman hinubad ko ito at sinampay sa sandalan ng swivel chair ko. Ang lamig talaga dito.

"Buzzer beater, ma'am ah?" Sabi ni Aaron, kwa work ko na sobrang kulit bata pa kasi kaya happy go lucky lang siya.

"Good evening" bati sa akin ni Bubbles ang katabi ng cubicle ko. Binati ko rin s'ya pabalik at nginitan.

Kaka upo ko palang ay tumunog na agad unang tawag para sa akin.

"Thank you for calling Swift fiber. This is Autumn. How may I help you today?" tanong ko sa costumer na tumawag. Nag rereklamo ang isang 'to dahil daw na over charged sila. 'Di naman ako madalas talaga sumasagot ng calls pinapasa lang sa'kin 'to pag hindi maayos ng iba kase TL ako ng department namin kaya madalas nakikinig lang ako ng calls nila or nag g-guide sakanila.

"Why I am overcharged? I'm paying the right amount at the right time and this will happen? I'm paying 89.99 dollars every month and why my billing says I have to pay 104 dollars? where does the 14 dollars came from? I am so disappointed to your service" sabi ng nasa kabilang linya na para bang kasalanan ko pa. Taga sagot lang din ako ng telepono ma'am.

I took a deep breath before answering her "I am very sad that you are experiencing that kind of trouble from us, and to help you I'll be happy to pull up your account now and check the billing details for you" masayang sabi ko kahit puro irap na ako dito, maka sigaw kase parang sa'kin siya nag babayad.

"Can you do it fast? 'cuz if you are happy, then I'm not" ay attitude s'ya? I'm not happy to talk to you too.

"Can I have your account number together with your first and last name?" ang tagal niya bago sumagot kaya nag antay pa'ko ng ilang segundo bago nag salita ulit "Ma'am are you still there?"

"Oh, that? I don't know anything about that. I'll just call you back after I talk to my mom" sabi niya at binabaan ako. Pag kababa n'ya ng telepono ay napa hilot ako sa sintido ko dahil nakaka stress ang isang 'yon attitude, mahirap mag timpi pag sa call center nag tatrabaho makaka kausap ka talaga ng mga bastos at galit na galit na costumer kaya kung mabilis uminit ulo mahihirapan ka mag call center dahil maraming nakaka bwiset na tao kang pwedeng maka usap.

Alas dos na ng madaling araw at nakaka ilang sagot narin ako ng tawag. Sinandal ko ang ulo ko sa sandalan at kinuha ang jacket ko dahil nilalamig na ako, ewan ko ba bakit naisipan ko mag tube alam ko naman na maulan at malamig. Minsan kelangan din talaga mag tiis ganda kung gusto pumorma kahit malamig go lang.

The Dawn in Aseana (Dream Chasers Series #1)Where stories live. Discover now