018

354 9 0
                                    

"We don't have much time for each other, these past few days. Please stay? I'm so tired to even eat and I can't afford to lose you. I want you to understand the situation because after all this, I'll make it up to you, to us, please? I love you so much and I don't how I will continue living if I lose you. I can't lose you, you are my strength" nagulat ako nang pag bukas ko ng pinto ay nasa harapan ko si Khaly na bigla akong niyakap. Inaya ko muna siya pumasok.

"uminom ka?" tanong ko kahit na obvious namang amoy alak siya. Inabot ko ang baso ng tubig dahil sinisinok siya.

"Please, don't leave me. Please, stay. You are the only person I have right now" para siyang batang iniwan ng nanay dahil yakap yakap niya ako sa bewang ko habang ang ulo ay nakapatong sa mga hita ko.

"Who told you that I'd leave you, huh? I'll stay even at the hardest moment of our relationship and you do't need to tell me because I'll stay just promise me one thing" I cupped his face and look directly to his eyes.

"What it is?" he asked in a husky voice  "that you won't cheat on me because if you do, I can't promise that I will hear your explanation. I can't accept a person, twice if he fooled me once" ngumiti ako at hinalikan ang noo niya. Nakatulog na pala siya sa kalasingan, kaya no choice kung hindi dito nalang siya patulugin dahil delikado na kung papauwiin ko siya nang ganito siya. 

Kahit na hirapan ako ay pilit ko siyang nilakad papunta sa kwarto ko, at nang mahiga ko na siya ng maayos ay humiga na ako sa tabi niya. Akala ko ay tulog na siya kaya nagulat ako ng iangat niya ang ulo ko at ipaunan sakin ang mga braso niya. Hindi ako humaharap sakaniya kaya nakatalikod parin ako, niyakap niya naman ako patalikod at ibinaon ang ulo niya sa leeg ko. Sana araw araw kaming ganito.

Miss na miss na kita, gusto ko 'yon sabihin sakaniya pero wala akong lakas ng loob dahil alam kong 'sorry' lang ang maririnig ko sakaniya at ayoko na 'yong marinig pa dahil ilang beses o na 'yon naririnig at nasasaktan lang ako paulit ulit sa tuwing bibigkasin n'ya ang mga salitan 'yon dahil nakikita ko sa mga mata niya kung gaano siya nalulungko sa bawat sasabihin niya ang slaitan 'sorry sa akin'. Ayokong mag paka selfish at hilingin na bigyan niya ako ng oras dahil alam kong mas mahalaga ang company nila kesa sa akin at naiintindihan ko 'yon.

Ang sarap alalahanin ng gabing iyon. Napapangiti ako habang naka upo ako at iniikot ikot ng konti ang swivel chair "Ang saya mo naman, ma'am iba na yata yan ah? Uyyy!" pang aasar sa akin ni Bubbles na pinatulan ko naman "Sana nga gano'n kaso hindi naman" sabi ko at tumawa sa sinabi.

"Bakit ano ba ang gusto mong mang yari, ma'am? ikaw ha! naughty pala si ms. Autumn!" nag tawanan kami at nag asaran pa ulit.

Bihira nalang tumawag sa akin si Savi dahil ang sabi niya ay kinuha siyang personal make up artist nung model na ayaw niya, nagulat nga ako na tinanggap niya dahil alam ko gaano siya kairita sa Moaning Myrtle na 'yon at sa pag kaka alam ko masiyadong maikli ang pasensiya ni Savi para mag tiis na makasama araw araw ang taong kinakainisan niya. 

Bakit pa kase nag papakahirap siya sa pag make up artist kung pwede naman niyang imanage nalang agad ang business nila, may nalalaman pa siyang gusto niya muna mag karoon ng connection sa mga sikat na models at designers pero kahit meron rin naman siyang point do'n nahihirapan padin siya.

"Hmm? Anong chika?" sagot ko sa skype ni Jace. Break time naman kaya okay lang na makipag skype ako sakaniya.

 "Bakit ako ang tinatanong mo? Ikaw ang may utang na kwento sa'kin. Ano pinag kaka abalahan niyan ni Savannah at hindi ko macontact? Pati nga ako dito na sa apartment niya umuuwi dahil laging busy, walang kasama si Rei. Dami daw gig, Victoria secret models na yata minemake upan no'n? Sunod sunod yung para namang high paid model na yung minemake upan" iritang sabi ni Jace. Hindi ko din naman alam kung ano ngayon ang pinag kaka abalahan ni Savi. Puro siya gig, gig, gig at inis na inis na  doon sa moaning Myrtle na 'yon pero tinanggap niya parin naman yung offer na PMA. Hindi ko narin siya maintindihan sa ngayon.

"Agency model make up artist slash personal make up artist daw siya" sagot ko at nag kibit balikat habang naka ngiti.

"Eh, ikaw ano 'yang mga ngitian mo? Parang kelan lang ang laki ng problema mo dahil wala kayong oras ng jowa mo, jowa kase kayo ng jowa puro sakit lang naman nadudulot niyan. Pag ikaw niloko niyan, i-boycott ko talaga yung swift fiber nila"  

"Ano kaba! Naintindihan ko naman kase siya, alam mo naman ako very understanding atsaka dapat lang naman talaga na unahin niya muna yung company nila dahi ayun dapat yung priority niya, yung career!" at kinwento ko yung nang yari nung isang gabi.

"Ang landi! baka sobrang understanding mo niyan ikaw ang mawaln sige ka! Anyways so sinasabi mo na natulog siya sa condo mo? So malaki? magaling? ano feeling ng first time? masarap?" na e-excite pa na tanong niya kaya lalo kaming nagtawanan. Pag ganitong usapan talaga alive na alive si Jace.

"Shunga walang ganon. Walang kemehang naganap, tulog lang" hindi siya naniniwala na wala kaya pinipilit niya pa ako.

"Ay wag ako Autumn. Hindi ako naniniwala diyan sa tulog lang na'yan" pang aasar niya pa. pero dahil wala naman talaga natahimik din siya kaka kulit at kaka pilit sakin na ikwento na tapos dumating si Rei.

"Hi Rei!!" "Hi Autumn!" sabay na batian namin.

"How are you?" sabay ulit kami kaya nag tawanan kaming tatlo

"Robot lang?" at pag sabi ni Jace ay tumayo s'ya, kumuha yata ng tubig.

"Ikaw ang kamusta? martyran martyran ka daw diyan kay Khalysta, ah? Minsan na ngalang mag jowa palpak pa. Kaya mo 'yan, Khalysta lang yan Autumn ka" hindi ko alam kung nang aasar siya o ano, eh. Tinarayan ko nalang siya bago sumagot.

"I'm good naman. How's the two of you? Malapit na, sa April 13 na diba?" na excite kaming lahat kaya pinag planuhan namin ang mga gagawin namin pag balik ko ng New York sa April.

"The room should be full of pink?" singit ni Savi na ikinagulat namin. Kakauwi niya lang yata galing work, pero as far as I know 10 pm na. Bakit ngayon lang siya nakauwi? Siguro may outdoor gig.

"Tanginaka umuuwi ka pa pala? Sa'n ka natulog kagabi ha?" salubong sakaniy ni Jace at binato siya ng unan na binato niya rin naman pabalik kay Jace.

"No, I think mas okay if pastel colors. Wag tayo mag focus sa pink" suggestion ko.

"Oo nga naman. Pala desisyon ka sa pink Savi, gray naman favorite color mo hindi pink ewan ko bakit bigla mong isiningit 'yang baduy na pink!" at binato niya ulit si Savi ng throw pillow kaya hinatak niya ang buhok ni Jace at tumakbo papuntang kwarto niya. Parang mga bata, si Savi yata ang pumalit sa kakulitan ni Seven.

Hinabol siya ni Jace pero nasara na niya ang pinto kaya nag patuloy kami mag kwentuhan ni Rei "May plano ka bang sabihin sakaniya 'yan?" tanong ko pero nag kibit balikat lang siya at nag paalam na mag papahinga na, tumango ako dahil anong oras na rin naman.

Nang gabing 'yon hindi ko mapigilang mag isip paano na si Rei, kung okay lang ba siya, kung kakayanin ba niya at nakatulog din ako sa sobrang pag iisip.

Gano'n padin yung mga dumaang araw. Hindi ko nakakausap si Khaly at si Savi naman ay paminsan minsan nangangamusta pero "How are you? Have a nice day!" 'yan lang ang madalas na message niya at kapag nag rereply na ako ay seen zoned or heart react zoned ako sakan'ya. Ayos lang rin baka dahil lang sa sobrang busy niya talaga.

Okay naman sa akin dahil kahit na papa ano ay nag kikita naman kami ni Khaly, OA lang siguro ako na mag lungkot lungkutan pa kahit na nag kikita naman sa work. 

Masiyado akong binigyan ng kasiyahan nung huli naming pag kikita ni Khaly kaya hindi na ako nalungkot habang nag hihintay na mag new year, kaya lang pag hinihintay mo talaga yung araw parang sadyang bumabagal yung kamay ng orasan sa pag ikot parang habang nag aantay ako tumatagal ang mga araw at gabi. Sobrang excited na kase ako mag new year dahil yun yung araw na makakasama ko si Khaly ng medyo matagal, susulitin ko yung araw na 'yon.

Wala akong planong bumati kanila mama ng happy new year dahil ayokong mas lalo pang magalit sa'kin si Summer. Pag naalala nila akong batiin mag reply nalang ako. Natatakot kase ako na baka mas lalong magalit sa'kin si Summer at maging dahilan pa ng pagkasira ng pamilya namin.

The Dawn in Aseana (Dream Chasers Series #1)Where stories live. Discover now