020

355 13 0
                                    

"Ganda ng ngitian, ma'am. Ano sumabay sa putukan?" pang aasar ni Bubbles habang tumatawa "Loka loka! Wag ka ngang maingay baka may maka rinig sa'yo isipin pinag tsi-tsismisan natin si Sir" napapangiti ako pag naalala ko yung nang yari kagabi, that was a rough but wonderful night. Napa iling ako sa naisip ko.

"Wag maingay baka isipin pinag tsi-tsismisan o wag maingay kase totoo?" asar niya pa kaya lalo akong natawa "Ikaw ha, pag may naniwala sayo" patuloy lang siya sa pangungulit at pang aasar kaya tumatawa nalang ako skaniya dahil hindi ko rin naman alma kung ano yung sasabihin ko baka mamaya hindi ko mapigilan yung bibig ko at masabi ko pa yung totoo

Pag kagising ko kanina sobrang sakit ng puson ko. Hindi ako makabangon kaya dinalan nalang ako ng breakfast in bed ni Khaly. Nakaka hiya nga kanila tita dahil baka isipin nila na pa VIP ako or baka maisip nilang may nang yari sa'min mas nakakahiya 'yon! Mabuti nalang at sinabi ni Khaly na may dysmenorrhea ako. Buong araw akong tulog at buong araw din ako may hot compress, pero kahit gano'n ang sakit padin niya, ngayon pero hindi na gano'n ka grabe.

Gan'to ba talaga kasakit pag first time? Bakit sila Jace parang hindi naman nasasaktan, ginagawa na nga lang nilang libangan ang sex.

"Does it still hurts?" nagulat ako sa biglang pag sasalita ni Khaly sa gilid ko. Nahiya ako dahil may dala dala siyang pang hot compress "Medyo nalang, pero don't worry I'm okay" sagot ko. Ngumiti ako para ma assure ko siya na okay lang talaga ako at inabot niya sa'kin yung dala niya.

 "Text me if you're not feeling well or that still hurts, okay?" tumango ako at hinalikan niya ako sa ulo bago bumalik sa office n'ya. Nasanay nalang rin yung mga ka workmates namin na ganyan kami pero paminsan minsan ay inaasar nila ako at sinasabing nakaka kilig daw kami ni Khaly at sana all daw may jowa. Wag na nilang hilingin dahil masakit sa ulo ang may jowa, pero masaya rin naman s'yempre kasama naman ang sakit sa pag mamahal

Around 3 am nang pumunta akong pantry para mag timpla ng kape, nang maabutan ko si Ellen at Kyla doon na nag titimpla rin ng kape "Close ka pala sa family ni sir, ma'am? 'Di kami aware" sabi sakin ni Ellen habang nag lalagay ako ng coffee sa baso ko.

 "Oo, bakit kelangan ba kita i-inform?" tanong ko rin sakan'ya. Narinig ko yung tunog nang pag ngisi niya kaya umiling ako.

"Wala kabang pamilyang kasamang mag celebrate kaya naki join ka sa pamilya niya? Ininvite ka or ikaw nag insist?" tanong niya habang hinahalo yung kape niyang ang sarap ibuhos sakaniya, kaso baka ma DOLE ako.

"Kelangan ko pa bang sagutin 'yang tanong mo? Parang hindi naman, pero sige dahil mabait naman ako sasagutin ko yung kaya kong sagutin na baka ikamatay mo sa inggit. Actually, I'm planning to go home sa New York to celebrate the new year with my family and friends, kaya lang sabi ng mommy ni Khaly gusto raw nila icelebrate yung new year with me gano'n din yung kapatid niya" totoo naman dahil plano ko talagang umuwing New York para makasama sila Savi noong new year, pero ininvite na ako ng mommy ni Khaly.

"Okay, ma'am. Kung 'yan yung pinaniniwalaan mo" sabi niya sabay ngiti at lumabas na sila. "Masiyadong assuming na gustong gusto siya makasama ng family ni Khaly at nung kapatid niya" bulong niya pa kaya natawa nalang ako. Hindi ko rin alam kung anong gusto nilang sabihin ko, pag nag sisinungaling galit tapos pag sinabi yung totoo ayaw maniwala? Sakit niyo sa ulo! Ang hirap talaga pag may sakit na inggit.

Ilang araw narin mula no'ng new year pero hindi parin sila tumitigil sa kaka asar sa'kin at kay Khaly. Nag palit kase ako ng profile picture sa facebook at ginamit ko yung picture namin na candid habang maraming fireworks sa background, and yung dalawang picture namin sa pool ay naka set as featured photo ko.

Akala ko pag tapos new year mas mag kaka time na sa'kin si Khaly dahil sa nang yari sa amin, pero kabaligtaran yung nang yari. Ni hindi niya magawang mag text sa'kin, kung noon nagagawa niyang mag good morning, good evening at good afternoon pa ngayon, wala na. Buti nga dati nag kikita pa kami sa work, ngayon halos malapit na matapos yung buwan pero tatlo o apat na beses ko lang yata siya nakita.

Napatingin ako sa phone ko at nakita kong nag upload si Summer ng picture nila ni Kuya winter, nasa La Sagrada Familia church sila at nag heart ako doon. Naalala ko yung message niya sa'kin kagabi.

Summer:

Stay like that, okay? Kung sana ganiyan kana dati, I should've been happier than I am right now. Masaya na kami ni kuya and nila mommy so please stop messaging kuya Winter, tigilan mo na paawa effect mo kay kuya. Mas okay yung ganiyan mabuhay kang parang patay sa'min.

Buong gabi lang ako iyak ng iyak. Ang sakit sakit na mabasa o marinig yung mga salitang 'yon galing sa kapatid mo. Wala ako natandaang ginawang mali sakaniya at hindi rin ako nag salita kanila mommy na gusto kong manahin yung company dahil wala akong balak. Pero baka yun nga ang tingin sa'kin ni Summer, isang ka kompitensya at hindi isang ate. Hindi ko naman kase siya pwedeng diktahan sa kung anong dapat niyang maramdaman dahil sakaniyang isip 'yon, kaya ako nalang yung lalayo para lang maging masaya siya.

Gusto ko may sabihan, gusto ko ng makaka usap kaya tinawagan ko si Savi pero hindi rin siya sumasagot, si Jace tinawagan ko pero lasing at umiiyak kaya ending ako yung nag comfort sakaniya. Okay lang din naman kaya nga ako naging kaibigan nila para suportahan sila at maging sandalan nila.

"Autumn!" napalingon ako kay ma'am Chelsea at napatigil ako sa pag iisip sa nangyari kagabi "yes, ma'am?" tanong ko at tumayo.

"I said follow me in my office" sabi niya pumasok sa office niya kaya sumunod ako.

"Kanina ka pa niya tinatawag, ano nang yari sa'yo? okay ka lang ba?" tanong ni Bubbles kaya ngumiti nalang ako bilang sagot,

"Hindi ka ba nahihiya?" bungad niya sa'kin at nag taka naman ako bakit ako mahihiya? Ano ba ang nakakahiya sa pag tutula?

"Saan, ma'am?" halatang walang alam na tanong ko kaya naman napa hilot siya sa sintido niya at ipinakit sa akin ang phone niya at nakita ko doon ang screenshot ng profile picture ko at featured photo pero nagulat ako na pati rin pala yung post ko sa ig ko nung new year kasama ang family ni Khaly ay issue sakaniya.

"Ano nakakahiya dito?" walang ganang tanong ko sakaniya at binalik ang phone niya "Anong nakakahiya? For god's sake, Autumn!! Khaly is your boss and your audacity to post your pictures with him on facabook? Lalo na 'to" sabay pakita nya nung featured photo ko.

"This inappropriate Autumn! Tignan mo nga ang suot mo at tignan mo yung kamay ni Khaly kung saan nakalagay, why would you post a picture like this? Nakaka pang init ng ulo 'yan, Autumn!" bakit gusto mo sa bewang mo nakalagay yung kamay niya? sarap isagot sakaniya.

"Ano po ba ang appropriate, ma'am? We're swimming, what are you expecting us to wear? A suit and a gown?" tanong ko dahil napipikon na talaga ako "Ganiyan ka sumagot sa'kin dahil boyfriend mo si Khaly?"

"No, ma'am. Kinakausap moko hindi bilang employee mo, we both know that. Wag na tayo mag sinungaling dito, tayong dalawa lang andito ma'am niloloko mo pa'ko? Wala sa contract na bawal ako makipag relasyon sa katrabaho ko or even sa may ari ng kompanya. Kaya labas ka na sa relasyon namin ni Khaly, ma'am. Kung mapahiya kami at malait or masabihan pa ako ng gold digger, wala ka nang pakialam do'n ma'am, personal na buhay ko na 'to desisyon ko 'to lalong lalo na at facebook account ko 'yon. Sorry kung nasagot kita ng ganto ngayon we all have our bad days. Kung about sa trabaho bakit mo ako sinasabihan nang ganiyan ay hindi ako sasagot ng gan'to kahit gaano pa ka sama yung araw ko, pero sobra ka na hindi mo naman na dapat pinapakealaman yung personal na desisyon ko. Kung sa tingin mo pam babastos 'tong ginagawa ko sayo, ma'am,  hindi, tinatama ko lang yung nakikita kong mali mo" tumigil ako saglit para huminga, na wawarshock ako dito kay ma'am Chelsea.

"Kung may problema ka sa relasyon namin ni Khaly dahil gusto mo siya" napa stop ako dahil nag salita siya "What? Where did that came from?" she asked.

"Wag ka na mag deny halata naman, kausapin moko bilang kaibigan or kahit wag na kaibigan, kakilala nalang. Kase hindi naman ako yung babaeng makikipag sampalan para sa isang lalaki, unless nakita ko kayo doing something that may hurt me. Hindi kita mapipigil kung gusto mo si Khaly, wala akong magagawa diyan pero 'wag na 'wag mong dinadamay yung trabaho natin lalo na't wag mo gamitin yung posisyon mo laban sa personal mong problema sa'kin"

The Dawn in Aseana (Dream Chasers Series #1)Where stories live. Discover now