015

386 10 0
                                    

Nasa SM mega mall kami ngayon kasama ko si Bubbles at Khaly, mamimili kasi kami ng pang exchange gift. Mamaya na kase yung Christmas party namin, dapat nung isang araw pa kami bibili ni Khaly kaso sabi ni Bubbles na sabay na daw kami ngayon kaya inaya ko na rin si Khaly na sumabay nalang nang pag bili sa amin.

"Sino ba kase 'yang nabunot mo, love? Nag effort ka pa mag patulong sakin mag hanap ng ireregalo mo" tanong ko sakaniya dahil sabi niya pa na tulungan ko daw siya mag hanap ng magandang brand ng mga highlighters, notebook, planner, pencils and pens "You can't wait for later?" iritang sabi niya kaya nag make face nalang ako sakaniya.

"Ako muna ang bibili since malaki yung bibilhin ko para sa reregaluhan ko" kinukulit din ako ni Khaly sa kung sino yung nabunot ko pero sinecret ko din sakaniya. Umakyat kami sa may cyber zone dahil sa octagon ang punta ko bibili kase ako ng wall clock, oo ayun yung ireregalo ko kaya lang dapat worth 800 plus kaya baka malaking wall clock ang bilhin ko. Naisip ko nga yung malaking wrist watch na wall clock, sana meron sila dito sa octagon.

"Thank you, Lord! Thank you!" nagulat pa yung mga employee dito pag pasok ko, dahil nakita ko agad yung hinahanap ko "Ayun, ma'am" pumapalakpak pa si Bubbles.

"Mamaya na 'yang work work work, loooove" Kanina pa siya may binabasa diyan sa ipad niya, mag kasama nga kami nasa work naman yung isip niya "Sorry, love. Just this one. I just need to read this for the year end sale of swift fiber and the call rates of the call center plus other things that is needed to improve for next year" grabe naman kase may ari na ng internet provider sa US tapos tapos may call center pa, sakit sa ulo.

"Ate, ate mag kano 'to?" tuwang tuwa na tanong ko "470 po, ma'am" kulang, kaya naisip ko na bumili rin ng malaking alarm clock yung malakas yung tunog. Tuwang tuwa ako na nakabili na ako at bumili rin si Khaly ng led clock na beige, ang ganda bagay sana sa desk ko pero sabi niya ipang reregalo niya raw yun. Sunod na bibilhin namin yung kay Bubbles, sa Watsons kami dumiretso.

"Anong shampoo and conditioner mo, ma'am?" nag taka naman ako sakaniya kung bakit niya natanong "L'oreal shampoo and conditioner. Bakit?" tumawa siya at agad na tinanong 'yon kay ateng employee ng Watsons. 'Di ko alam kung sinong nabunot niya pero sigurado ako na kagaguhan 'tong ginagawa ni Bubbles.

"Why shampoo and conditioner?" nag tatakang tanong ni Khaly habang naka pila kami "Wala lang, sir bagay po kase sa nabunot ko 'yan" tumango nalang si Khaly at binigay 'yon sa cashier dahil next na pala kami. Bibili pa sana ako ng kung ano ano sa Watsons kaso naisip ko malayo pa payday ko.

"Akala ko ba mag papatulong ka sa'kin pumili? Eh bakit halos lahat ng tinitingnan ko pag nag m-mall tayo 'yon yung kinukuha mo ha?" tanong ko dahil ireregalo niya yung gusto ko hindi niya ako pinapansin dahil busy siya mag hanap ng pencil case "Ayoko niyan, ayun gusto ko" sabi ko ng nakita kong may hawak siya na pencil case na color black, kaya tinuro ko yung beige na pencil case na pa roll yung design, sinunod niya naman ako at 'yon nga yung kinuha niya.

"Ang OA mo! Sabi worth 800 lang, OA ka, OA!! set ng highlighter, tapos may set pa ng  calligraphy pen, led clock, pencil case, journals, notebook, pencil, pens, paper clips, pins at eto tignan mo pa 'tong stapler na binili mo beige!!! Eto pang sharpener na malaki na 'to. Siguro crush mo 'yan no? yieeee!" ang dami niyang binili para namang nag school supplies haul kami para sa anak niya "You're too loud" nag make face ako at ginaya siya. Pumila na kami at pinasabay na ni Bubbles yung binili niya na pinag sisihan niya dahil si Khaly narin ang nag bayad at ayaw na pabayaran sakaniya.

"Where do you wanna eat?" tanong sa'min ni Khaly kaya naman nagka tinginan kami ni Bubbles at "KFC!" sabay namin na sinabe. Pag dating namin doon ay nang hingi ako ng isang bowl at kumuha ng madaming gravy.

"Why did you get that much gravy?" turo pa ni Khaly sa gravy ko "Favorite mo din 'tong KFC tapos hindi mo alam? Sinasabaw 'to, ito ang sinigang ng KFC. Try mo!" enjoy na enjoy niya din yung pag kain ng sinigang na gravy. Nauna siyang natapos kumain kaya tinuloy niya ang kung anong ginagawa niya sa ipad niya, pinabayaan ko nalang siya since hindi pa naman kami tapos kumain.

The Dawn in Aseana (Dream Chasers Series #1)Where stories live. Discover now