Kabanata XI

31 0 0
                                    

Nakatulog ako sa sobrang tagal ng biyahe namin. Ginising nalang ako ni Kyado at sinabing nandoon na kami, bumaba siya at inilahad ang kamay niya

Hindi ko alam kung saan ang lugar na ito, may maliliit na mga tent ang nakatayo doon. Nakita kong konti-konti na silang nag-si babaan, ang ilan sa mga kasamahan ni Kyado at nagkanya kanya na ng puwesto para makapag pahinga

Pumunta lamang ako sa isa sa mga puno na nandoon at umupo. Nakatulala sa mga kahoy na ngayon ay nagliliyab na sa apoy. Naramdaman kong tumabi sa akin si Kyado

"Maliligtas din natin si Donya Amelia, Riyhana. Sa ngayon ay mas maganda siguro kung magpapahinga ka muna" sambit ni Kyado. Alam kong gusto niya lamang na walain muna sa isipin ko si mommy ngunit kahit na gustuhin ko ay nahihirapan talaga ako.

Tinanguan ko nalamang siya at derederetsyong pumunta sa tent na nakalaan sa akin. Inayos ko ang gamit sa loob pati narin ang hihigaan ko. Hindi ganon kalakihan ang tent kasya lang ang dalawang tao sa loob

Matigas ang hinihigaan ko bagay na ngayon ko lang naranasan sa tanang buhay ko. Naramdaman kong may tumulong luha sa mga pisngi ko, hindi ko inaasahan na makakaranas ako ng ganito. Wala nakong masisi kundi ang sarili ko dahil sa mga nangyayari

Mahigit isang oras na akong nasa loob at hindi lumalabas. Tinawag nila ako kanina para kumain ngunit hindi ako tumugon, ngayon ay napaka tahimik na sa labas siguro ay mga tulog na sila kaya napagpasyahan kong lumabas at magpahangin muna.

"AY BUTIKI, PISTING YAWA KA!"

Buti nalang at medyo mahina ang pagkakasabi ko niyon kay Kyado kahit parang napalakas dahil sa gulat. Paano ba naman pag harap ko nasa harapan kona siya, ang lapit lapit niya sakin

Nagulat siya sa ginawa ko kung kayat napaatras siya. "Pasyensya na Riyhana, akala ko tulog kana paparoon na sana ako sa katabing higaan upang makapag pahinga ngunit hayan at lumabas ka sa iyong silid" paliwanag ni Kyado

Timango tango naman ako "sige na magpahinga kana, batid kong pagod ka at kailangan ng pahinga" nakangiti kong turan sa kanya, "sasamahan kita" gulat ko siyang tiningnan "H-hindi na, magpapahangin lang naman ako mas kailangan mong magpahinga" wika ko

"Hindi mo naman ito kabisado, dahil panigurado akong hindi ka papayagan ni Donya Amelia na magpunta sa ganitong lugar. Kaya hayaan mo ng sumama ako sa'yo, ililibot kita" sinserong aniya


Nakakatats naman ang sinabi mo Kyado, sige ka mahuhulog na ako sa'yo. Ay charot lang Erase Erase!!


Wala naman akong ibang nagawa kundi sundin siya. Mabuti nalang at tulog na nga ang mga kasamahan namin kaya kaming dalawa nalamg ni Kyado ang gising. Nagsimula na kaming maglakad tumingala ako saglit at pinagmasdan ang kalangitan. Napaka payapa na animoy walang kaguluhan anh nangyayari dito sa mundo


Kung pwede lang hilingin na sana ay ganoon na nga lang ang mangyari ngunit alam ko na hindi iyon mangyayari lalo na ngayon, napaka labo. Namamasa ang mga mata ko kaya itinigil kona ang isiping iyon


Ayaw kong makita ako ni Kyado sa ganong kalagayan. "Ganito parin kaya kaganda ang kalikasan pag dating ng panahon?" Maya maya ay biglang tanong ni Kyado, sinulyapan ko siya na nakatingin sa malayo "Ang hinaharap ay napaka layo sa panahon niyo ngayon, mapolyusyon at ang basura kung saan saan lang tinatapon" malungkot kong inaalala ang panahon na meron ako sa kasalukuyan


"Ang mga ilog sobrang dumi na, mga puno pinagpupuputol nalang basta basta pati krimen ay laganap na din" napatigil siya saglit dahil sa sinabi ko "kung wikain mo naman ang 'yan para bang nakita mona ang hinaharap at galing kana doon" natatawang aniya. Nginitian kona lamang siya


Hayy Kyado kung alam mo lang


Sa pagmumuni muni ko ay bigla akong nadulas akala ko mag dedere-deretsyo ako since pataas ang nilalakaran namin ngunit laking pasasalamat ko ng nahawakan ni Kyado ang likod ko. Nahugot ko ang hininga ko ng mag tama ang paningin namin


Ang lapit ng mga mukha namin at halos kalahating dangkal lang ang layo nito. Hindi ako makagalaw dahil paniguradong kaunting kilos ko lang ay mahahalikan ko siya. Buti nalang talaga at madilim dahil kung hindi ay paniguradong kita niya kung paano ako namumula ngayon dahil sa hiya at sa posisyon namin


Tumikhin ako para maagaw ang atwnsyon niya dahil kanina pa siya nakatitig sakin at nangangalay na ako sa psosiyon naming dalawa. "P-pasyensya na Riyhana, h-hindi ko sinasadya" napapahiyang tugon niya "Ayos lang Kyado, kaya sana kung pwede lang itayo mo na sana ako dahil ngalay nako oh" saad ko. Agad naman niya akong itinayo at kamot batok niya akong tiningnan


Matapos non ay nagpatuliy kami sa paglalakad, maya maya lang ay sinabi niyang nandoon na kami sa aming pupuntahan. Idinala niya ako sa taas ng bundok at talagang napaka ganda noon! Dati pa man ay gusto ko nang makarating sa tuktok ng bundol, dito ko lang pala 'yon mararanasan


Mula dito ay kitang kita ang mga ilaw na nagmumula sa bayan. Malayong malayo sa gulo na nag uugnay sa amin. Nilanghap ko ang simoy ng hangin, talagang dito ko lang mararanasan at mararamdaman ang sariwang hangin na ito


Dahil kung may sariwang hangin man sa panahon na meron ako sa kasalukuyan ay hindi kasing sariwa nito. Itinaas ko ang dalawang kamay ko at lalong dinama ang hangin


"Napakasarap damhin ng hangin, bagay na ngayon ko lang naramdaman" saad ko habang nakapikit ang mga mata. Narinig ko namang natawa ng mahina si Kyado kaya agad akong nagmulat at inis na tumingin sa kanya


Ano namang nakakatawa? Tss


"Ngayon ka lang ba nakalabas ng mansion niyo, kahit sa inyo ay ganito rin ang hangin" natatawa paring wika niya. Nakakainis ano bang makakatawa don? "Pero hindi katulad nito, mas mahangin dito at pakiramdam ko mas sariwa ang hangin" giit ko sa kanya, ngunit tinawanan niya lang ulit ako.


Napatitig ako ng saglit sa mukha niya, kakaiba ang mukha na meron siya napaka gwapo. Kaya hindi na ako mag tataka kung may nobya na nga siya. Napansin ni Kyado ang pag titig ko kaya napaiwas ako


"Masyado ng lumalalim ang gabi, bumalik na tayo para parehas na tayong makapag pahinga" turan niya na sinunod ko naman. Doon ko lang naramdaman ang antok


Wala mang kasiguraduhan kung makakabalik pa kami sa panahon na meron kami, nagpapasalamat ako at nakilala ko ang mga taong ito. Gaya ni Kyado dahil alam kong wala akong makikilala na katulad niya sa panahon ko



[A/N] hello, thankyou for reading! Stay safe always <33

Time Enough for Love [On-going]Where stories live. Discover now