Kabanata VII

239 117 4
                                    

[Hope you guys support me, please do vote!! Your feedbacks is highly appreciated ❤]

-----

KABANATA VII

Nagising ako sa isang kwarto na hindi ko alam kung kanino. Napahawak ako sa ulo ko ng maramdaman ko nanamang kumikirot iyon, biglang may lumapit sa aking lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay si Señorito Kyado 'yon


"Riyhana, ano pang masakit sayo? Kamusta ang pakiramdam mo?" Bigla ay tanong niya. Napatitig ako sa kanya ewan ko pero parang pamilyar ang mukha niya


"N-nasan ako?" Sa halip na sagutin siya ay pabalik na tanong ang nasabi ko. " lo síento binibi, nasa akin kang silid. Pinakuha ko lamang ng makakain ang kaibigan mong si Savannah kaya ako ang lang ang narito" pagpapaliwanag niya


Natawa naman ako sa sinabi niya, pinaliwanag niya talaga as if he do something wrong. Kunot noo niya akong tiningnan "may nakakatawa ba?" Tanong niya, umiling lang ako bilang pag tugon pero agad ding napahawak sa ulo ko ng makaramdam nanaman ng kirot


Agad siyang lumapit at dinukwang ang mukha ko para tingnan iyon, kung titingnan ay para na niya akong hahalikan at sa kamalas malasan naman ay nasa ganoong siteasyon kami ng makita kami ng isang babae na may dalang pagkain, kakapasok lang sa loob ng kwarto


Tumikhim ito kaya napukaw ang atensyon ni Kyado at doon lamang niya siguro narealize kung gaano ka-awkward ang posisyon naming dalawa, sinulyapan ko yung babae na hawak parin ang mga pagkain at nakatayo malapit sa pintuan. Hindi mo maipinta ang mukha niya sa nakikita ngayon. Napairap nalang ako sa kawalan


Lumayo sa akin si Kyado at napapahiyang tumingin sa akin "pasyensya na Riyhana, hindi na mauulit" kamot batok niyang sinabi "maiwan kona muna kayo riyan Savannah" paglatapos non ay umalis na siya. Hinihiling ko naman na sana ay umalis na rin itong Savannah na tinutukoy niya dahil sa totoo lang ay nag iinit ang ulo ko sa kanya!


"Kamusta na ang pakiramdam mo, Riyhana?" Maya maya ay tanong niya. Nakatalikod siya sakin dahil inaayos ang mga pagkain na dala. Napairap nalang ako dahil sa tanong niya, akala mo naman kung sinong concern e nung kanina nga halos lukot na lukot ang mukha niya psh!


"Maayos na" 'yun lang ang sinabi ko dahil ayaw ko ng makipag usap pa sa kanya. Lumapit siua sa akin dala dala ang ilang slice na prutas, kinuha ko ito at sinimulang kainin. Umupo naman siya sa gilid ko na siyang kinairita ko pero syempre diko pinahalata


"Hanggang ngayon parin ba hindi ka naniniwala na patay na ang iyong ina?" Pagluwan ay tanong niya sakin, napatitig ako saglit sa kanya. "Bakit ba siya namatay?" Pabalik na tanong ko sa kanya, siya naman ito ngayong napatitig sa akin "hindi mo alam?"


Sa isip isip ko ay gusto kong umirap nanaman pero pinigilan ko ang sarili ko. Magtatanong ba naman kase ako kung alam ko diba? Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at hindi siya inimik


"Nilabag ng iyong ina ang kautusan ng bayang ito. Alam nating pare-pareho na mainit na ang mata ng mga kastila sa atin noon pa man, pero nagawa niya paring sumuway" gulat akong napatingin sa sinabi niya hindi makapaniwala, ibigsabihin wala na ang ipinunta ko dito? Tears started to fall in my cheeks. Patapos non ay nagpaalam na siya na aalis


Madilim na noong lumabs ako ng bahay ni Kyado, ni isa sa pamilya niya ay wala roon kaya hindi na ako nakapag paalam. Ang daming gwardiya sibil sa bawat paseyo ng kanilang bahay. Talagang bantay na bantay


Time Enough for Love [On-going]Where stories live. Discover now