Kabanata XII

35 1 0
                                    

Bagamat hating gabi na ako nakatulig kagabi ay sakto lang pag gising ko dahil paglabas ko ng tent ay halos kakagising lang din ng mga tao doon.



"Riyhana, mag almusal kana. Sabay-sabay na tayo, sakto lang ang pagkakagising mo" magiliw na sabi sakin ng isa sa mga kasamahan ni Kyado. Habang iniintay kong matapos sila sa pag aayos ng hapag kainan, hinanap ng mga mata ko si Kyado ngunit tila nahalata ito ng kanina lang ay nag yaya saken kumain



"Si Kyado ba? Kasama niya si Rosa nag punta sila kanina sa ilog at naglaba. Kanina pa nga sila marahil ay pabalik na sila ngayon" paliwanag niya. "Hindi ko naman siya hinahanap" pagtanggi ko. Nginitian niya lang ako at umalis na sa harap ko



Sino naman kaya yung Rosa na 'yon at bakit niya kasama si Kyado? Ngayon ko lang narinig ang pangalan niya. Ay teka hindi kaya? Hindi nako magtatako kung yun yung nobya niya. Tsk kaya pala kami dito nagtatago at nandito din ang nobya niya, napaikot nalang ang mata ko



Pero sadya atang nananadya itong tadhana, dahil pag harap ko ay nakita ko si Kyado at may kasama siyang babae. May buhat siyang dalawang balde na may lamang damit habang nagtatawanan sila nung sinasabi siguro nilang Rosa



Lumapit sila sakin, lalagpasan kona sana sila pero humarang sa harapan ko si Kyado "Kumain kana ba Riyhana, sabay na tayo. Nga pala ito si Rosa" pagpapakilala niya sa babaeng katabi niya. Malapad ang ngiti niya sakin, ngunit pilit na ngiti lang ang ginawad ko



Hindi kona sila kinibo at tuluyan ng nilagpasan. Narinig ko pang nag prisinta si Rosa na siya na ang magsasampay ngunit ginihiit ni Kyado na siya nalang



Tsk pati pagsasampay pagdidiskusyunan pa tapos dito pa maglalandian



Nagitla ako ng bigla akong sikuhin ng katabi ko "para namang gusto mo silang lapain dahil sa sama ng titig mo kila Kyado at Rosa" natatawang sambit nito "ako si Jasper, kaibigan ako ni Kyado" pagpapakilala niya sa sarili niya. Nakipag kamay ako sa kanya bago nag simula ng kumain



Halos kung titingnan ay magkakasing edad lang kami, iilan lang samin ang matanda na dito ngunit lahat sila ay marunong humawak ng armas. Umupo sa harapan ko si Kyado at si Rosa naman sa bakanteng tabi ko



"Mamaya pag uusapan ulit natin ang plano sa gagawin nating paglusob sa kulungan para iligtas si Donya Amelia" saad ni Kyado sabay tingin niya sakin. Wala na sana akong balak na pansinin pa sila ngunit ng marinig ko ang plano nila ay napukaw nito ang interes ko



Matapos kumain ay niyaya ako ni Rosa na sumama sa kanya dahil bibigyan niya ako ng damit para maisuot. "Hindi kita napansin kagabi nang dumating kami" saad ko sa kanya habang naglalakad "ah, mahimbing na akong natutulog non hindi ko inaasahan na darating kayo. Ngayong umaga lang pagka gising ko nalaman ko kay Inay na nandito pala kayo" ngumiti siya sakin pagtapos niyang sabihin 'yun tanging tango lamang ang naisagot ko sa kanya



May pinasukan kaming kubo pinaupo niya ako sa mahabang kawayan tapos pumasok siya sa isang silid "pasyensya kana sa munting tahanan namin señorita Riyhana, malayong malayo ito sa tahanan niyo na sobrang laki at puno ng mamahaling bagay" matapos niyang sabihin yun ay lumabas siya sa silid na pinasukan niya dala dala ang ilang piraso ng damit



"Ayos lang Rosa" sambit ko ng makalapit siya sakin "ilang piraso lang ang mga damit na 'yan at medyo luma na, ngunit sana ay makatulong parin sayo" iniabot niya sakin ang damit at syempre tinanggap ko



Wala kaming imik na naglakad pabalik sa campo nila Kyado. Nadatnan namin sila doon na nag kukumpulan at nag uusap usap. Yung plano na siguro nila 'yon kaya tumabi ako kay Jasper, agad naman naming napukaw ang atensyon nila



Saglit na napatitig sakin si Kyado, parang nangengwestyon ang mga mata niya na hindi ko naman maintindihan "katulad ng napag usapan ay mamayang gabi natin isasagawa ang plano" sambit niya at bumaling na sa mga kasama




Nag paliwanag pa siya ng ilan pang mga kailangang gawin bago tinapos ang pag pupulong. Ang ilan ay nagkanya kanya na ng pwesto at ang ilan naman ay nag paalam na maliligo lang sa may ilog. Hindi ko naman inaasahan ang paglapit sakin ni Jasper



"Riyhana, magpapaturo sana ako sayo mag Ingles balita ko magaling ka sa ingles" namamanghang wika ni Jasper sa akin



"Totoo ba Riyhana? Maaari bang turuan mo rin kami ni Rosa?" Bigla nalang sumulpot sa gilid ko sila Kyado at Rosa. "S-sige" iyon nalamang ang tanging naisagot ko sa kanilang tatlo



May mga nakasulat sa papel ang ibinigay sakin ni Jasper at lahat ng iyon ay itinuro ko sa kanila. Napalakas naman ang tawa ko ng magkamali siyang banggitin ang salitang rapper "paano ba kase 'yun? Rapit?"



Wika niya na siyang ikinahalakhak ko nanaman. Napatigil ako ng mapansin na kami lang halos nila Rosa at Jasper ang natawa. Tumikhim si Kyado at sinabing tama na iyon dahil takip silim na kailangan ng maghanda para sa pagsalakay



Matapos ng halos dalawang oras ay napasok namin ang kulungan. Dumaan kami sa likod sa mataas na padèr, hindi ganoon kadali dahil sa mataas iyon bukod don dumami din ang mga gwardiya sibil na nagbabantay sa bawat pasilyo



Nang nasa loob na kami ay nahirapan din kaming hanapin si mommy dahil hindi na siya nakakuling sa dating pinagkulungan namin. Hanggang sa matagpuan namin siya sa isang maliit na kulungan at sobrang baho don. Nandoon siya sa isang sulok at naiyak



Agad namin siyang inilabas at humanap ng mas madaling ruta palabas ng kulungan. Ilamg mga gwardiya sibil ang nakasagupa namin. Wala akong ibang inisip kunfi ang makalabas dito upang mailigtas na si mommy, sobrang higpit ng pagkakakapit ko sa mga kamay niya upang hindi lamang siya makabitaw



Nang makalabas ay agad kaming sumakay ng karwahe at mabilis na pinatakbo ang mga kabayo. Mahigpit kong niyakap si mommy matapos noon. Kami nila Kyado, Jasper at mommy ang magkakasama. Hindi na pinayagan pa ni Kyado na sumama si Rosa para dito



"Mabuti at ligtas ka, hindi ko alam kung anong mangyayari sakin" sambit ko hinagod lamang ni mom ang likod ko



Sa pagkakataong iyon, hinihiling ko nalang na makabalik na kami sa panahon namin at matigil na ang kaguluhang ito


To be continue...

[A/N] Hello, maraming salamat sa iyong pag babasa. Mag-iingat ka palagi <33

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Time Enough for Love [On-going]Where stories live. Discover now