Kabanata VI

238 130 9
                                    

[Hope you guys support me, please do vote!! Your feedbacks is highly appreciated ❤]

-----

KABANATA VI

Nang sumapit ang hapon ay napag pasyahan ko na kausapin sila tita. I will do anything for my mom in any possible or impossible thing that it could be. Lumabas ako ng kwarto at nagpunta ng sala pero wala sila don o kahit sa kusina at sa labas


Tumaas ako para tingnan ang mga kwarto nagbabaka sakali na nandoon sila ngunit nabuksan ko na lahat ng pinto pero wala sila roon. Iisang pintuan nalang na nasa dulo ang diko pa nabubuksan nilapitan ko ito nagbabakasakali na nandoon sila


Pagpasok ko ng kwarto ay sobrang dilim kaya kinailangan ko pang hanapin ang switch para magbukas ang ilaw, pumasok ako sa loob at nangapa. Habang naglalakad ay may napindot ako akala ko switch 'yon ng ilaw pero nagbukas ang bookshelf na parang pinto at may lagusan sa loob


Lumapit ako doon at sa pang uusisa ay pumasok ako sa loob pero laking gulat ko ng gumalaw ito na parang elevator at dinala ako sa baba. Pag dating ko sa baba ay puro mga antiko ang sumalubong sa akin. Ang mga gamit na naroon ay puro makaluma pero halatang matibay


May narinig akong tinig na nang gagaling sa kung saan kaya sinundan ko 'yon at sa di inaasahan ay nakita ko doon sila tita Hattie, tita Ophelia at tita Paisley. Gulat na gulat sila ng makita ako na para bang dapat ay wala ako doon


"A-anong ginagawa mo dito, Rayne?" Halos di makapaniwalang tanong ni tita Hattie "gusto ko po kase kayong makausap kaya hina--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla ay mag lumitaw na bilog at nakalutang ito sa ere, unti unti itong lumaki hanggang sa mabuo nito ang tamang pagkakabilog. Gulat din silang napatingin dito


"Ngayon lang ulit nagbukas ang lagusan, senyales 'yan na isa na sa atin ang maaring pumasok" tinig 'yon ni tita Paisley naguguluhan ko siyang tinignan "at ikaw 'yon Rayne" nakatitig niyang sambit sa akin


"Anong ibig niyong sabihin? Teka lang ano ba 'yan?" Pag tukoy ko sa bilog na nakalutang sa ere na parang tubig


"Isa 'yang portal na nagkokonekta sa nakaraan, ngayon lang ulit nagbukas ang portal matapos mawala ni Annalyse dahil magbubukas lang 'yan sa taong makakapag ligtas nang nasa loob" paliwanag ni tita Ophelia. Lumapit sa akin si tita Paisley, hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko


"Hindi namin alam kung ano ang mangyayari sa loob pag pasok mo pero Rayne" tiningnan niya ako sa mga mata ko "may tiwala kami sayo na mailalabas mo si Annalyse sa portal na 'yan" binitawan niya ako at humalukipkip sa gilid


"Mayroon ka lamang siyam na pu't anim na oras sa mundong papasukan mo para mailigtas si Annalyse" sambit ni tita Hattie "at kung hindi kami makalabas sa oras na iyon?" Kinakabahang tanong ko "both of you can be trap in the past, forever" tinig yon ni tita Ophelia


Lumapit ako sa portal, tiningnan silang lahat na naroon. Tinanguan nila ako sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko ang paligid, maaring ito na ang huli na masisilayan ko ito at maaari rin na madagdagan pa ang panahon iyon ay kung makakabalik pa ako.


Huminga ako ng malalim at inihakbang ang mga paa ko papasok ng portal. Bigla akong nahilo sa sobrang sakit ay napapikit ako at napaupo sa sahig


Matapos ang ilang minuto ay nawala ang sakit at unti unti kong minulat ang aking mga mata. Napaka ingay ng nasa paligid, tunog ng mga trumpeta mga nag kakantahan at nagsasayawan. Pinag masdan ko sila ang gaganda ng kanilang mga kasuotan kung hindi ako nagkakamali ito ay traje de Mestiza


Napatingin ako sa sarili ko, napaka gandang filipiñana ang suot ko, sa tela palang nito ay halata mo nang mamahalin ito dahil sa napaka gandang pagkaka gawa


May lumapit sa akin na isang matipunong lalaki, sa tindig at kulay ng balat niya ay malalaman mo agad na mataas ang katayuan niya. Naglahad siya ng kamay sa akin


"Hola señorita, lo siento pero porque estas ahí?"
(Kamusta binibini, ipagpaumanhin niyo ngunit bakit kayo nariyan?)


Buti nalamang at nakakaintindi ako ng kaunti ng spanish dahil kung hindi ay baka nahimatay na ulit ako. Tinulungan niya akong tumayo


"Gracías"
(Salamat)


Iyon lamang ang nasabi ko at inakay niya ako sa kung saan na diko malaman. May sumalubong sa amin na isang babaeng medyo maedad na at kinausap niya ang lalaking kasama ko, bumaling siya sa akin at ngumiti


"Señorita Riyhana, nagagalak akong pinaunlakan mo ang aking imbitasyon" lumapit siya sa akin at nakipag beso. Ako naman ay hindi pa rin alam kung ano ang irereact sa ginagawa niya.


I think it's ridiculus oh God! Can I quit?


"Señorita ito nga pala ang nag iisa kong anak si Kyado Alonso" pagpapakilala niya sa lalaki na kanina ay tumulong sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at gulat ko siyang tiningnan nang halikan niya 'yon. Talaga bang nasa taong 1751 na ako? "M-maraming salamat po--" nangangapa ako ng sasabihin sa matandang babae na nasa harap ko ngayon dahil hindi ko siya kilala


"Donya Aspen" bulong sakin ni Kyado na siya namang ipinagpasalamat ko


"Gracíás Donya Aspen" malugod kong pag ulit sa kanina kong sinabi. Mas lumapad naman ang ngiti niya at pagka tamis tamis niyon "Búeńo tara na sa loob at kanina pa naghihintay ang iyong kapatid" napatigil ako sa sinabi niya, teka may kapatid ako? Sa isip isip kong tanong


Pagpasok namin sa loob ay agad kaming dumeretsyo sa hapagkainan. Pinag isod ako ng upuan ni Kyado nang makaupo ako ay tumabi na siya kay Donya Aspen na nasa aming harapan


Saglit kong tiningnan ang paligid. Ang daming palamuti sa paligid, mga naglalaking litrato na nakasabit sa ding ding pati narin ang piano na malapit lang sa aming pinagkakainan. Sinulyapan ko rin ang mga taong naroon na sa itsura palang ay alam mo nang mataas ang katungkulan sa bayang ito


"Kapatid ko, bakit tila hindi mo ginagalaw ang iyong pagkain? Masama ba ang iyong pakiramdam?"  Napukaw ang atensyon ko sa babaeng katabi ko. Ibinulong niya sa akin yon at may halong pag aalala sa kanyang mata. She's probably my sister. Nginitian ko lamang siya at nagsimula ng kumain


Adobo at tinola ang kinain ko dahil hindi ako pamilyar sa ibang putahe na nandoon.


"Señorita Riyhana qué te importa en este momento?"
(Binibining Riyhana, ano ang pinagkakaabalahan mo sa ngayon?)


Maya maya ay tanong ng isang lalaki na kaseng edad lang din ni Donya Aspen. Saglit akong napatitig sa kanila kung hindi ako siniko ng sinasabi nilang kapatid ko ay hindi magbabalik ang ulirat ko


"Hinahanap ko ang aking ina" yun lang ang kaya kong sabihin. Ngunit mga nagtatakang muka ang nakita ko sa kanila, pasimple kong tinampal ang noo ko.


Bakit ko ba sinabi yun?


"Batid naming nagdadalamhati ka binibini, ngunit dalawang linggo nang patay ang iyong ina"


Sabat ulit ng lalaki na nagtanong sa akin kanina. Sa pagkakataong iyon ay gulong gulo ang isipan ko, nahihilo at hindi ko malaman nag gagawin. Napahawak ako sa lamesa ng maramdaman ko na para akong matutumba, hindi kona alam kung ano ang nangyayari.


"P-patay na si mommy?"


Iyon lang ang nasabi ko at nawalan na ng malay

                          ———

This is my page kung saan ako mag uupdate, kindly visit it here: https://www.facebook.com/prettivyxx/

This is my FB Account: https://www.facebook.com/morcillaivypearl

Twitter and IG: @ivyramor

Email: theivymorcilla@gmail.com

Time Enough for Love [On-going]Where stories live. Discover now