Kabanata IX

106 17 1
                                    

[Hope you guys support me, please do vote!! Your feedbacks is highly appreciated ❤]

-----

KABANATA IX

Gulat na gulat ako ng makita kung sino ang nasa harap ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya kaya lumapit nalang ako at niyakap siya ng sobrang higpit. Tinugunan niya naman 'yun. Sobrang na miss ko siya

"Mom I miss you so much" bulalas ko sa kanya pagkakalas ng yakap naming dalawa. "I miss you too" maluha luha niyang sinabi sakin "pero bakit ka nandito?" Naguguluhang tanong niya "tsaka anong nangyari sayo? Kailan kapa nakapunta dito?" Sunod-sunod niyang tanong

"Don't worry mom tita Hattie, Ophelia and Paisley tell me everything" hinawakan ko siya sa kamay " kanina lang ako nakapunta pero feeling ko ilang buwan na akong nandito because of what happen to me" naiiyak ko nanamang sambit

"Sshhh, you're okay now baby" as she said that para bang feeling ko nasa pinaka safe na akong lugar knowing na ang pinaglalagyan namin nakataya dito ang mga buhay namin pareho.

"Akala ko patay kana,lahat sila yun ang sinasabi. What happened ba mom?" Kinalas niya ang pagkaka hawak sa kamay ko. "Pinalabas nila akong patay para hindi na ako hanapin pa, ikinulong nila ako dito kaya hindi ako makabalik sa panahon natin" bigla ay umiwas siya ng tingin

"Dito ay paniguradong Riyhana ang tawag nila sayo, tama ba?" Tumayo siya at lumayo sakin "yes mom" sabi ko at sinundan siya ng tingin

"Ngayong nakita na kita, pwede na tayong makabalik" pag iiba ko ng usapan. Bumaling siya sa akin "yun ay kung makakaalis tayo dito" saad niya at tumabi sakin "ako na mag isa lang hindi pa magawang makaalis dito, pano pa na tayong dalawa na?" Mahihimigan ang pagka dismaya sa kanyang tono. "Bakit kase nagpunta ka pa dito, Rayne?" Tinitigan niya ako sa mga mata

Naguguluhan man ay tiningnan ko pa din siya "Mom, I'm here to rescue you" halos pabulong kong sinabi 'yun sakto lang para marinig niya. "Hindi mo naiintindihan" napapailing niyang sabi. Pinahiga niya na ako sa tabi niya para makapag pahinga, naguguluhan man sa mga nangyayari ay mas pinili ko nalang na sumunod. Hindi ito ang tamang panahon para makipag argumento sa kanya

Nagising ako kinabukasan ng marinig ang kalansing ng mga susi. Binuksan ng gwardiya sibil ang kulungan at binigyan kami ng pagkain. Akala ko aalis na siya kaya babalik nalamg sana ulit ako sa pagtulog ng bigla kami nitong sinabuyan ng tubig at ang baho baho non! Saka pa lamang niya isinarado ang kulungan at umalis

Basang basa kaming dalawa ni mommy, sinulyapan ko siya at kahit siya mismo ay walang magawa "Napaka baho nito mom! Ganitong buhay ba ang gusto mo? Yung araw araw ang gigising sayo mabahong tubig tapos ang ipapakain sayo kakapiranggot? Ni hindi pa nga natin alam kung malinis yan!" Naluluha kong sambit

"Kahit kailan ay hindi ko pinangarap ang ganito mom, hindi ko maisip kung paano mo natitiis ang ganito at kung bakit kapa nabalik dito. Maganda na ang buhay na meron tayo mommy why can't you leave this mission and stay with me? Gusto ko ng umalis dito mom!" Dagdag kopa. Napahagulgol nalang ako sa balikat niya

Niyakap niya ako at hinagod ang likod ko. "I know anak, I know but we can't escape now. Sa kalagayan natin ay hindi pa tayo makakaalis" kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan siya sa mata "we only have 96 hours para makaalis tayo mom at kapag hindi pa tayo makaalis sa oeas na 'yon maaring dito na tayo pang habang buhay" nangangambang paliwanag ko

"Alam ko, I know all of that" hinaplos niya ang pisngi ko "sa ngayon ay wala tayong magagawa kundi umasa na makakaalis dito" mapait na ngiti ang umulit sa kanyang labi

Sa gilid ng silid na ito ay nandoon ang kabinet at ilang damit na sobrang luma at ang iba pa ay mabaho na rin. Pinagbihis na muna ako ni mom dahil na rin sa amoy ng damit namin, matapos ko ay siya naman ang sumunod

Nang matapos ay sinubukan kong kumain pero idinura ko lang din 'yon dahil bukod sa hindi ko gusto 'yon ay wala ring lasa sa huli ay itinabi ko na lang at nagmukmok sa gilid at natulala dahil sa sitwasyon namin

Napukaw lang ang atensyon ko ng may isang gwardiya sibil ang lumapit sa pintuan. "Riyhana" pabulong na sambit nito  nagtataka akong tiningnan siya. Hinubad niya ang nakataklob sa mukha niya "ate Elena!" Pabulong ko ring sambit. Tumayo ako at niyakap siya "ate nakikiusap ako sayo ilabas mona kami dito, ayoko na dito ate" pagsusumamo ko sa kanya

"Tahan na aking kapatid, gagawa kami ng paraan ni Kyado" kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at naguguluhan siyang tiningnan "ano ang ibig mong sabihin?" Bago niya ako sagutin ay niyakap niya rin si mom, gusto ko sanang magtanong pero pinigilan ko nalamang ang sarili ko

May iniabot sa akin si ate Elena na papel "Basahin niyo iyan, nakasaad diyan ang plano ni Kyado. Sa ngayon ay kailangan ko ng umalis dahil baka mahalata na ako ng mga gwardiya sibil na nilinlang ko lang kanina" niyakap niya kami "mag iingat ka" sambit ko. Papaalis na sana siya ng may  isang gwardiya sibil na dumating

Nagkunwari nalang si ate na tinitingnan nito ang ginagawa namin at pinagsabihan kami sa wikang kastila. Laking papasalamat ko ng nilampasan lang kami ng isang gwardiya sibil kanina, matapos non ay tuluyan ng umalis si ate Elena

Pumunta kami sa sulok ni mommy, sa siguradong hindi masyadong mapapansin. Saka ko kinuha ang papael na tinago ko sa tahiliran ko at binasa namin ni mom

Paumanhin Riyhana ng dahil sa akin ay nadakip. Labis labis ang pagsisisi ko ng gabing 'yon ngunit huwag kang mag alala dahil bukas din ay magkakaroon ng pag aaklas. Layunin nito na maitakas ka namin, pagtulong ko lamang dahil sa bagay na nagawa ko. Nawa'y mag-ingat ka at hintayin kami

-Kyado

Matapos non ay itinago kong muli ang papel at tiningnan si mom "kinakabahan ako para sa kanila, pero sana, Sana magtagumpay sila sa gagawin nila" sambit ko. Hinawakan ako ni mom sa balikat "Magtiwala ka anak makakalabas rin tayo dito"

Limitado ang oras naming dalawa dito ng mommy ko at bawat minuto ay mahalaga. Hindi ko alam kung anong pwede mangyari ngunit nagtitiwala ako sa kanya


                           ———

This is my page kung saan ako mag uupdate, kindly visit it here: https://www.facebook.com/prettivyxx/

This is my FB Account: https://www.facebook.com/morcillaivypearl

Twitter and IG: @ivyramor

Email: theivymorcilla@gmail.com

Time Enough for Love [On-going]Where stories live. Discover now