Kabanata IV

314 181 8
                                    

[Hope you guys support me please do vote!! Your feedbacks is highly appreciated ❤]

-----

KABANATA IV

It's already 4 pm ng makarating ako ng Laguna. Hindi naman ganoon kalayo ang subdivision na tinitirahan nila kaya agad kaming nakarating


Pagpasok ko sa loob ay halos mamangha ako. Kakaiba ang klase ng bahay nila old fashion yet beautiful. Maganda ang pagkaka disenyo halatang mga mamahaling kahoy ang ginamit dito. Tatlong palapag ang bahay sa pinakataas ay halos puro salamin na dingding at mamahaling muwebles ang nakalagay


"Pinarenovate namin ang bahay na ito para mas lalong gumanda" tinig iyon ng isang babae sa likod ko. Pag harap ko sa kanya ay tipid siyang naka ngiti at nakatingin sa akin. "Ako ang tita Paisley mo,marahil ay hindi mona ako matandaan"


Iginiya niya ako papasok sa aking kwarto at tinulungang ayusin ang mga gamit ko. Sa tabi ng kama ko ay may book shelf at sofa sa bandang kaliwa naman ang mga aparador na pinaglalagyan naman ng mga damit


"Salamat po tita" sabi ko nang matapos kami sa lahat ng ligpitin nakita ko namang sumilip sa pintuan si tita Ophelia at nag yayaya nang mag meryenda.


Sa balkonahe sa taas kami kumain sa gilid niyon ay may glass na sliding door ngunit puro kahoy ang pinag kakapitan. Medyo mapuno din sa lugar na ito hindi nga lang katulad nang sa tinitirahan namin


"Kamusta ka naman Rayne?" anang tita Hattie. Gustuhin ko mang sabihin na ayos lang ako ay hindi ko magawa. "I've always been with my mom and I can't imagine myself without her now" maemosyonal kong sinabi


Hinagod naman ni tita Hattie ang likodan ko. Matapos naming kumain ay pinagpahinga muna nila ako sa kwarto para daw makabawi ako ng tulog at nangangalumata na daw ako. Bagamat malaki ang bahay nila ngunit hindi ako sanay. Walang aircon dito at pulos bentilador lang, mahangin naman pero hindi lang masanay siguro pa ang katawan ko


Napukaw pa ng atensyon ko ang mga larawan na nakasabit sa dingding. Hanay iyon ng picture nilang magkakapatid na naka baro't saya at may hawak na abaniko. Hindi ko maiwasang mapangiti lalo na nang makita ang mommy ko


She always have that beautiful smile that everyone admires of. Kung paano siyang kumilos at manamit ay kakaiba halata sa kanya ang pagiging mayaman. Nagitla ako ng biglang pumasok si tita Paisley sa kwarto ko


"Pasyensya na kung nagulat kita" aniya at tiningnan ang mga larawan na tinitingnan ko. Nilapitan niya ako at kinuha ang isang larawan na magkakasama silang magkakapatid bagamat halata na sa picture ang kalumaan niyon


"Maraming lihim na mga bagay ang naka kubli sa mundo" aniya habang nakatingin sa hawak na larawan "you should believe atleast one of them because they are true" tiningnan niya ako sa mga mata bago ibinalik ang larawan nila sa pagkakasabit sa dingding


"A-ano pong ibig niyong sabihin?" Nagugulumihanan kong tanong, ngunit sa halip na sagutin ako ay nginitian niya lang ako at nagpaalam nang aalis. Matapos ang ilang minuto na pag mumuni muni ay nakatulog ako dala narin siguro ng pagod


Mag aalas otso ng gabi nang ako'y magising. Hindi katulad ng kwarto ko sa mansion ang kwarto ko dito. May dalawa silang bathroom ngunit ang lahat ng iyon ay masa ikalawang palapag pa ng bahay. Kinuha ko ang twalya at sipilyo ko bago lumabas ng kwarto


Papunta na sana ako ng hagdan nang marining kong nag uusap usap sila. Sumilip ako sa isa sa mga kabinet na naroon at tinago ang katawan ko


"Hindi habang buhay ay maitatago natin 'yon sa kanya" si tita Hattie ang nagsabi non pero hindi ko makita ang muka niya dahil nakatalikod siya sa akin. "Alam ko, pero hindi natin kailangang magmadali" si tita Ophelia naman ang nagsalita. Tutugon na sana si tita Paisley ng mapansin niya ako


Sa halip na siya ay ako ang nagulat. Lumapit ako sa kanila "kanina kapa ba riyan Rayne?" Tanong ni tita Paisley "hindi po, magbabanyo po sana ako" pilit ang ngiting iginawad ko sa kanila. Mahigpit ang kapit ko sa twalaya na nakasabit sa balikat ko "Sige Rayne para pagka tapos mo ay kakain na tayo" tumango ako sa kanila at naglakad na paakyat ng hagdan


Pagpasok ko sa banyo ay namangha nanaman ako. Marmol ang kanilang sahig may chandelier sa taas may bath tub at shower. Sa bandang dulo ay may bookshelf upuan at lamesa. Kumpleto sila halos sa lahat magmula sa shampoo, conditioner at mga sabon.


Pagpasok mo palang ay halata mo nang puro mga babae ang nakatira dito sa bahay. Binoknay ko ang buhok ko at saka naghilamos, tumitig ako sa salamin na nasa harap at doon ko lang napansin ang mga mata ko. Bakas parin dito ang pagmumugto hindi nga lang katulad ng kanina marahil ay naipahinga ko kase


Matapos magsabon ay nagsipilyo na ako. Naghinaw ng kaunti, sa labas ay may sarili silang laundry habang naka tapis ng tuwalya ay inalagay ko na ang mga damit ko doon habang iniintay na matapos ay nagpasiya muna akong magbihis


Nang makabihis ay inilibot kong muli ang kabuuan ng bahay na iyon. Sa gitna may malaki silang orasan sa gilid non ay may piano at mga libro. Mahilig nga siguro talaga silang magbasa. Bumalik lang ako sa katinuan ng marinig kong tapos na ang nilalabahan ko


Sinampay ko muna 'yon bago nagpasyang bumaba. Nakita ko silang nandon na sa hapag kainan at ako nalang ang hinihintay. Mayroon silang inihandang adobo at menudo matapos magdasal ay nagsimula na kaming kumain. Nakakabinging katahimikan ang namutawi sa amin. Gusto ko man silang tanungin ay pinigilan ko nalamang ang sarili ko.


Natapos kaming kumain at nag presinta si tita Hattie na siya nalang ang mag huhugas ng pinagkaininan. Lumabas kami at nagpunta sa kanilang hardin. Ang gaganda ng mga bulaklak. Dahil siguro sa kamanghaan ko kanina pag dating ko ay hindi ko napansin ang mga ito


Nilapitan ko ang mga ito at inamoy-amoy ang babango! "Ganyan na ganyan din ang mommy mo sa tuwing mag pupunta siya rito" nankangiting sambit ni tita Ophelia natigil ako sa ginagawa at nakangiting humarap sa kanila


"Talaga po?" Lumapit ako sa kanila upang mas marinig pa ang mga sasabihin nila. "Oo Rayne, para kang batang bersyon ng mommy mo" masaya man ang pagkaka wika ni tita Paisley ay hindi ko ito nakitaang ngumiti


Inakay na nila ako sa loob at nagpaalam na sila na magpapahinga. Ganon din si tita Hattie ng makita niya kami sa huli ay wala akong nagawa kundi pumasok nalang din sa loob ng kwarto ko


Hindi ko maiwasang manibago sa paligid ko para bang ipinanganak akong muli at nagsisimulang kilalanin palang ang mundong ginagalawan ko. Marahil ay totoo nga ang sinabi ni tita Paisley kanina, maraming nakakubli dito sa mundo at ilan sa mga 'yon ay totoo.


To be continued. . .

This is my page kung saan ako mag uupdate, kindly visit it here: https://www.facebook.com/prettivyxx/

This is my FB Account: https://www.facebook.com/morcillaivypearl

Twitter and IG: @ivyramor

Email: theivymorcilla@gmail.com

Time Enough for Love [On-going]Where stories live. Discover now