18

43 10 0
                                    

"Bakit antagal nyo po lumabas mommy?" Nag tatakang tanong ni ashi habang naka pamewang at nasa labas ng pinto ng kwarto namin.

"Masyado kasing mabigat ang mommy mo nahirapan ako ng kaunti na ayusan sya" natatawang sambit ni rix.

"Yun lang ba baka may nagawa ng iba" humahagalpak sa tawa si mikoy.

"Aba gago ka ha! Manahimik ka sasakalin kita dyan!" Naiinis na sambit ko habang nakahawak sa braso ni rix.

"Ay ano man ang nagawa sa loob mananatili nalang sa loob tara na at nag hihintay na ang pag kain sa hapag" mahinahong sambit ni papa kaya naman ay bumaba nakami

Akala ko ay tapos na ang inis ko ng biglang bumungad sa hapag ang aking mga walang hiyang kaibigan.

"Oh teka balita nahulog sa hagdan ha naapektuhan ba ang petchay?" Unang bungad ni natalie ng matanaw ako.

"Alam mo sana dika na bumalik ng pinas walang pag babago maganda lang image mo sa ibang bansa dahil model ka dito samin isa ka paring maharot na tanga" barumbadong sagot ko kay natalie.

"Ay nako te di mag babago yan kilalang kilala natin ang ugali na meron yan, btw okay kana ba mik?" Sambit naman ni gly

"Muka bakong okay ha? Nakita kopa kayo nasira ang araw ko!" Pagalit kong sabi sabay upo sa upuan at agad akong pinag hainan ni rix.

Pag tapos namin kumain ay nag paakyat nako kay rix sa taas dahil hindi ko gaano matagalan ang mga kaibigan ko hindi ko alam kung bakit . Siguro dahil sa bunganga nila na paulit ulit ang sinasabi na kababuyan.

"You sure you okay here?" Tanong ni rix

"Oo sige na papahinga nako" sambit ko .

Mabilis na lumipas ang araw at bwan nakakalakad nako dalawang bwan naren pala matapos ang aksidente kong iyon at dalawang bwan naren akong......

" Anak ka ng bogi! " Napasigaw ako ng ma realize na dalawang bwan nakong delay!!
Hindi Hindi! Hindi maaari lord wag ngayon!
Totoo nga ang sabi ni rix sa loob! Nag pt ako agad dahil meron naman akong stock, at matapos ang sampung minuto ay positive nga.

Agad agad kong tinawagan si rix na ngayon ay nasa manila dahil naroon ang hospital na pinapasukan nya.

"Inutil kang nilalang!" Sigaw ko agad pag ka sagot niya ng telepono.

"Wait love, why are you shouting like that masakit sa tenga" pag rereklamo nya.

"Umuwi ka ngayon din dito sa laguna kung ayaw mong sugurin kita dyan sa manila!" Galit na sambit ko.

"Oh i see miss moko huh?" Pang aasar pa nito

"Miss ampota! 2months akong delayed!" Natigilan sya sa pag tawa ng marinig iyon.

"Ohhhh i see mood swing ng pagiging pregnant huh? Okay love I'll be right there in 2 hours , do you want something to eat ?" Ng sabihin nya iyon ay napaisip ren ako.

"Hmm, bumili ka ng pakwan gusto ko ay iyong walang buto!" Seryosong sabi ko na ikinatahimik nya.

"Teka what? Walang buto? Love san ako hahanap nun?" Natatarantang sabi nya

"Aba problema mona yun k! Bye! " Agad kong pinatay ang tawag at inoff ang cp ko.

Ngayon tayo mag tuos flerix akala mo ay basta basta ang pag lilihi ko ha.

Nakatulugan kona ang pag iintay kay rix dahil sa tagal katabi ko naren si ashimira at natutulog.

Nagising ako sa mainit na kamay na dumampi sa pisnge ko at sa halik na natamo ko sa aking noo.

Agad kong iminulat ang mata ko upang makita si rix laking gulat ko na may dala syang bowl na may laman na pakwan mas ikinagulat ko ay wala na itong buto pag tingen ko sa orasan ay ala siyete na ng gabi samantalang alas dose ako nag sabi sakanya kanina.

"Sorry masyadong natagal love , pinag tatawanan ako sa market dahil wala naman daw na ganun . Kaya pinag alis nalang kita ng buto sorry." Halata ang pagod sa mga mata ni rix siguro ay hinalughog nya ang mga palengke para dito.

San nga ba ako makakakita ng ganun, tanga ka talaga Mikayla.
Kinain kona yung pakwan na dala ni rix para makapag pahinga naren sya .

Sa pag lipas ng panahon ay mas nahihirapan si rix dahil sa mga gusto kong kainin maarte ako mag lihi bakit gusto ko ay yung mahihirapan siyang kuhanin.

May isang beses ay nag leave sya sa trabaho para lang maabutan yung sale na pizza sa maze pizza sa cavite dahil yun ang gusto ko mas makakamura ewan ko pede naman kami bumili nalang pero yun ang gusto ko yung sale.

Limang bwan na ang tyan ko at napag pasyahan naming mag gender reveal tanging si mama lang ang nakakaalam ng gender ng anak ko kaya naman kumuha kami ng taga ayos ng event para hindi siya mahirapan mag isa mag ayos.

"Oy mik okay na lahat na set up na" tuwang tuwa si gly habang inaakay ako papunta sa may likod bahay dahil dun sila nag set Up

" Oh ako basta pusta ko 40k lalaki!" Agad nag baba ng pera si markie
Aba pinag pustahan pa anak ko ha.

"Oh ako na sasagot ng binyag pag babae" agad na sambit ni natalie

"50k boy" tipid na sabi ni arabel

"Oh basta ako cake sagot ko sa kasal nila rix at mikay pag babae" pang aasar ni gly

"Mga gago wala kayong kwenta talaga." Inis na sabi ko

Nakaayos naman na kami kaya nag start na kami sa event una ay may palaro para raw hindu boring matapos ng laro sinunod na ang pag rereveal may inimbita kaming mga kaibigan noong college at kasama ko sa cheerleading team .

Nasa loob ng isang box ang mga lobo at kung ano man daw ang lalabas dun ay syang gender ng anak ko pag blue ay lalaki pag pink ay babae.

Si ashi ang hahatak ng tali ng box upang ipalipad ang nga lobo.

"Okay ashi , in 3, 2 ,1 go!!!" Sambit ni gly saka naman hinatak ni ashi ang tali.

At lumabas ang kulay blue na lobo sigaw sa tuwa ang mga bisita lalo na sila mama dahil nakalalaki daw ako hinanap ng mata ko si rix upang makita ang reaction nya ngunit wala sya dito .

Dahan dahan akong napalingon sa aking likuran at laking gulat ko ng naka luhod sya at may hawak na maliit na kulay pulang box . Teka nag popropose ba sya?

"Mik, sabi sayo lalaki!" Laking ngiting sambit ni rix.

"Ano ba ginagawa mo dyan tumayo ka" nahihiyang sambit ko

" Gusto kong malaman mo na kaya ako nakaganito dahil i want you to marry me, be my wife mik. Lahat ng pag kakamali itatama kona ipapanalo ko na lahat ng laban. Just trust me love i promise magiging mabuting ama na ako kay ashi at sa baby nating parating. Will you marry me?" Nangingilid ang luha nya.

Rinig ko ang tili ng mga kaibigan ko at
Palakpakan nila mama at papa.

"Sino ba naman ako para tumanggi?" Nakangiting sagot ko .

Noong naisuot nanya ang sing sing sa daliri ko ay nakaramdam ako ng tunay na saya.

Eto na yun! Totoo na , akin na uli siya muli akong nag tiwala sakanya. Eto na ang hanggang sa muling inaasam ko.

Galak na galak kaming lahat sa nangyare baby boy ! Yes i have a baby boy inside my tummy.
Masayang masaya ako lalo si rix maging si ashi.

"I told you dad! Mommy will gonna say yes! So may utang kana sakin!" Natutuwang sambit ni ashi habang nakatingen sa ama.

"Okay love, " maikling sambit ni ashi.

"Always believe in yourself dad! Love ka ni mommy!" Sambit nito saka tumingin saakin at niyakap ako.

"Hey baby boy! We're gonna meet soon! Ate is very excited!" Pag kausap ni ashi sa tyan ko.

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko, eto na ang reality ko lord salamat.

Masayang natapos ang araw na iyon na hindi paren ako makapaniwala sa nangyare sa sobrang saya ay mas mabilis na lumipas ang araw at panahon kabuwanan kona ...

Hanggang Sa Muli.Where stories live. Discover now