19

36 9 0
                                    

"okay baby here kanalang sa mami la at dadi lo okay? Pupunta na kami ni mami sa hospital" pakikipag usap ni rix kay ashi.

"Yes dad, take care of mommy and baby akihiro miguel okay?" Bilin ni ashi.

"Alright aalis na ho kami mom , dad" paalam ni rix sa mga magulang ko

"Osya anak baka dito pa mapaanak yang anak namin " biro ni papa saka isinara ang pinto ng kotse.

"Kamusta pakiramdam?" Pag basag sa tahimikan ni rix.

"Okay naman medyo kinakabahan"

"Wag kang kabahan nandito ako, "

"Si gly kasi kasama ko dati kaya hindi ako kabado kasi chinika nya ako habang nanganganak" natatawa parin ako twing maaalala ko ang tagpo namin ni gly halos lahat ng kwento ay na i kwento nanya habang ako ay umiire.

"Ganun ba? You don't have to worry madame ren akong kwento" sa sinabi nya ay para bang nawala ang bigat sa pakiramdam ko at nakampante ang kalooban ko.

"Okay misis pag bilang ko ay ire kana wag mo pipigilin upang di maipit si baby" bilin ng doktora

"Aaaaaahhhhhh" ireng pilit ko habang nakahawak kay rix at nakatingen sa mga mata nya.

Bawat pag ire ko ay may mga alaalang kusang bumabalik para bang nag uusap ang mga mata namin ni rix.

"Love ire pa " sambit ni rix.

Alaala noong unang beses kaming nag kita napaka lakas na ulan at isinabay nya ako noong malasing ako at iuwi niya sa condo unit nya yung mga araw na masaya kaming nag sasama at yung araw kung saan hindi niya ako inilaban sa pamilya nya.

Habang nag faflash back lahat ng masasakit naalaala saakin umiire paren ako , nakapag patawad naba ako o sadyang nililinlang ko lang ang sarili ko? Kasi kung nakapag patawad nako bakit nasasaktan paren ako?

Iyak ni akihiro miguel ang bumasag sa pag iisip ko at para bang nang lambot ako at pagod na pagod ngunit ng iharap siya saakin ay labis ang pag ka galak ko.

"Hi my son," iyon ang huling tinig nanarinig ko kay rix bago ako mawalan ng malay.

Pag gising ko makaraan ang ilang oras ay umaatungal na bata ang narinig ko.
At tinig ni ashi ang gumising tuluyan sa natutulog kong diwa.

"Dad bat hindi siya natigil what should we do now?" Natatarantang sambit ni ashi

"Nothing we just wait for mommy to wake up , para ma pa breast feed  na siya." Sambit ni rix

"Pahiram si baby aki!" Natutuwang sambit ni mikoy.

"No, later !" Naiinis na sambit ni ashi sa tito nya

"Baby, " mahinang sambit ko at agaran naman lumingon si ashi saakin.

"Mom, gising kana breast feed baby aki now!" Galit ang tono nya marahil sa pag aalala.

"Yes baby, akin na " inabot naman agad ni rix saakin si aki

"Alam mo ba? Noong unang beses ko makita si akihiro natuwa ako but may lungkot saakin kasi sana nasaksihan ko ren si ashi ng ganun katulad kanina." Malungkot na sambit ni rix lumabas si ashi at sumama kay mikoy dahil bibili daw ng pag kain.

"Sana naroon rin ako ng panahong kailangan mo ng makakapitan pag nahihirapan ka, kapalitan sa pag aalaga kay ashi. Sana naroon ako habang lumalaki siya if i can turn back in time..." Napatigil siya sa pag sasalita at agarang nangilid ang luha sabay sabing "Ilalaban nalang kita ,kung alam kolang na masisira ko yung buhay mo nung iniwan kita at pinili ang desisyon ni dad. Kung maibabalik kolang ang lahat mik gagawin ko lalo kung para sayo . Ngayon kasi hindi ko alam kung paano maibabalik saakin ang tiwala mo" pinunasan nya ang luha saka ako tinignan sa aking mga mata.

"Makikita mo namang lumaki si aki ayos naren iyon, siguro kung nilaban moko noon maaaring masaya tayong namumuhay ngayon pero noon yun rix, wag nanatin pilitin ibalik ang dati mag focus tayo sa ngayon mag paka tatay ka ganun ka dali. At kung gusto mong mabalik ang tiwala ko pag hirapan mo hindi porke engaged na tayo ay basta basta nalang. Madame kapang dapat patunayan sakin rix napaka dami  pero ngayon ayos na muna saking mag paka tatay ka muna para kay aki at ashi." Walang emosyong sabi ko sabay silip sa muka ni aki.

Di maipag kakailang mag ka hawig sila ni rix dahil sakanya ko mismo ipinag lihi ito.
Maputi, mapungay ang mata,  makapal ang kilay , nipis ng labi lang ata ang nakuha ng anak ko saakin . Maging si ashi ay nipis ng labi lang ang nama halos lahat ay kay rix na. Ultimong talino ni ashi kay rix na mana ang pag ka maldita lang ang kanyang nakuha sa pag uugali ko.

Kung ipag kakaloob ng nasa taas na maging masaya ako ngayon at ibalik ang tiwala ko kay rix hindi ko ipag kakait iyon, kailangan ko lang ng oras upang mag hilom at makapag patawad ng bukal sa kalooban.

Ilang araw ren ang itinagal ko sa hospital bago ako naiuwi dahil medyo hirap pa ako sa pag kilos kaya naman mas minabuting manatili na muna ako roon.

Pag kauwi sa bahay ay iniakyat nako nila mikoy dahil kailangan ko paren ng pahinga sa kwarto ko muna matutulog si aki si rix naman ay dito ren pero sa sofa sya.

Nasaksihan ko ang pag aalaga ni rix at pag pupuyat may isang beses ay narinig ko syang nag sasalita at kausap si aki at ang sabi nya , hwag na muna umiyak dahil kakatulog ko lamang.

Don kona sinimulang unti unting patawarin si rix dahil naipapakita nya saakin na nag babago sya at bumabawi. Makaraan ang dalawang bwan ay mag bibirthday napala si ashi at 7 yrsold na sya pero ayaw nya daw ng magarbong celebrasyon dahil gusto nya at sabahay lang at simpleng handaan.

Kaya naman iyon ang ginawa namin simple lang na salo salo dumating ren si mel at ang anak nya masayang masaya si ashi na makita ang anak ni mel ngunit nag paalam naren malaon dahil lilipad na daw sila sa ibang bansa at dun maninirahan dahil kinukuwa na sila ng asawa ni mel.

Naidaos namin ang birthday ni ashi at  masayang masaya sya sa dami ng regalo sakanya. Hindi ko maiwasang maluha dahil ang unica hija ko ay lumalaki na hindi na sya ang baby kundi si aki na . Isa na syang ate at tingen ko isang mabait , masunurin at matapang na ate sa lahat ng ugali ko bukod sa kamalditahan ay namana ren nya ang ka hambogan ko.

Lumipas ang dalawang taon at ramdam ko ng napatawad kona si rix malaki naren si aki nakakapag lakad naren, may kung ano saakin na gustong malungkot parang may inaantay pa akong mangyare pero hindi ko nalang ito pinansin.

Laking gulat ko ng tumatawag si rey saakin.

"Oh kamusta house wife !" Angil sa kabilang linya ni rey

"Eto fresh parin napatawag ka?" Nag tatakang tanong ko.

"Need ka namin we have a special event !" Agad akong ginanahan

"Anong event? Malaking tao ba mga nandyan?" Curious na tanong ko

"Hindi , tayo tayo lang syempre ilang taon kana naming di nakakasama mik iinvite lang kita for the event of lifers you know what i mean! Sa may palawan dadaong need mo mag byahe okay! Wait kanamin baby girl !" Excited na sambit nya so ibig sabihin sa cruise

"Eh pano pamilya ko?" Nag aalinlangan ako

"Te isang araw lang naman pede naman mahiram ka papadala sayo yung damit na susuotin wag kj mag hotel ka muna then dun kana mag bihis next Saturday na yon okay! Seeyou!" Pinatay agad ni rey ang linya

"Sino yun love? " Nagulat ako sa pag pasok ni rix sa pinto ng kwarto

"Si rey, may event daw sa Saturday need ko daw pumunta. Do you think i should go?" Sabi ko habang minamasahe ang likod nya

"You should love, matagal kanareng hindi nakaka labas labas ng town. Don't worry about us i can handle the kiddo's" seryosong sambit nya sabay halik sa noo ko

"Okay then, pupunta ako " naka ngiting sambit ko

Ewan ngunit kinakabahan ako ng matindi bakit ganito?

Hanggang Sa Muli.Where stories live. Discover now