25

22 2 0
                                    

Pag kagising kina umagahan naka alis na si rix dahil may pasyinte pa ito na nag aantay sa kanya.Nag ayos nako at napag pasyahang bumaba pag baba ko ay nakita ko sila mama na nakain na  kasama si oliv ngunit wala na daw si mikoy.  Nag taka naman ako dahil hindi ito naalis ng hindi nag papaalam sa akin  kahit nalilito ay kumain nalang ren ako para maihatid kona sa dorm si oliv, nang matapos ang agahan ay nag pasya naren kai i oliv na umalis na.Habang nasa byahe ay tahimik lang ito mukang malalim ang iniisip kaya napag pasyahan ko na mag salita para hindi ganun katahimik.

"Oliv, si mikoy talaga tinutukoy mo? ayiee ikaw ha....." pag bibiro ko rito namumula ang pisnge nya at tumingin sa akin.

"Ate mik, hindi ko talaga alam na kapatid mo yun promise...." nahihiyang sagot nito.

"Nako okay lang... mabait si mikoy maniwala ka... pero may trauma sa engineer yun!" natatawang sambit ko nakita kong nag pout ang mga labi niya.

Totoong may trauma si mikoy dahil engineer si asherly pero malay natin hindi ba, na trauma ren ako noon sa pag ibig ngunit ngayon kita naman na masaya na ako sana ganun din ang kapatid ko.

"Balak mo paren ba sa kumpanyang pinag tatrabahunan ni mikoy mag apply?" Basag ko sa katahimikan unti unti siya tumingin sa gawi ko bago nag salitang muli .

"Oo naman ate, susubukan ko malay mo pumasa ako sa kapatid mo." Napa preno ako sinabi nyang iyon at kinurot siya sa tagiliran.

"Ikaw talaga, panay ka kalokohan!" Pag sabi ko noon ay tumawa naman siya.

"Syempre ate, maganda kasi dun tas yung benefits pa nila solid.... Pero bago yun uuwi muna ako sa bicol mga ilang weeks saka mag aapply dun sure ako na makukuha ako.... Syaka may pasalubong daw sayo sila mama kaya ayun chill muna ako dun." Mahabang litanya nya mabilis lang ang byahe papunta sa dorm nila kaya naman naihatid ko siya agad.

Matapos ko siyang ma ihatid ay dumaretso nako sa resto madame dame parin sang customer namin.
Mag hapon akong tumambay sa may resto ng malapit na mag ala syete ay napag pasyahan kona umuwi. Bumungad sakin sa bahay ang mga anak kong nasa sala at nanonood ng tv si rix naman ay nasa kusina at parang nag luluto.

"Mommy! Good news!" Masayang sabi ni ashi ng matanawan ako na papasok sa kusina.

"Ano yun?" Maikling tanong ko at napatingen sa katabi nyang si aki . 

"Nakapag leave ako for 2weeks, so ibig sabihin tuloy tayo sa cruise love. "  Saad ni rix habang papalapit saakin upang halikan ako sa noo.

"Oh ? Good yan love, iiwan ko muna kay gly at markie yung resto !" Masayang saad ko saka umupo sa hapag.

Mabuti at wala nareng pasok ang mga bata kaya mas maayos ren. Matapos mag hapunan ay tinawagan ko na si gly upang ibahagi sakanya ang balita ko. Okay naman daw siya huwag lang isama si markie minsan napapaisip ako ano ba meron kay markie at  sakanya pero sa huli ay napapayag konaman siya na isama si markie para hindi na ren siya mahirapan.

Nakakuha kami ng ticket para sa isang exclusive na cruise kaya hindi nanamin tinagalan ang pag iimpake ilang araw mula noong nag book kami.

"Mommy it's really nice here po." Masayang sambit ni aki pag ka pasok namin sa room namin sa loob ng cruise.

"You know what aki, last time we ride a cruise bata pako and ang adventurous non swear my first time riding a cruise give me a trauma but still ang galing ni mom that time. May nang away sa isang ka work nya here tas pinag tanggol ni mom but you know something bad happened." Palungkot ang tono ni ashi kaya naman pinatigil mona sila at pinag ayos nalang ng mga gamit.

Sa room namin ay may dalawa pang kwarto mag kasama kami ni rix sa isa si ashi at aki naman ay sa kabilang room. Nag simula nang lumayag ang cruise nakakamiss ang ganitong pakiramdam kung mga kakilala ko lang sana ang narito maari akong makigulo sakanila ngunit hindi.

"Later na tayo lumabas gusto ko muna matulog." Sambit ko sumang ayon naman sila at nanatili nalamang sa loob ng kanya kanyang kwarto si rix ay nasa may sala kaharap ang laptop nya.

Pumasok ako sa kwarto upang matulog, nagising ako ng mag gabi na. Kaya nag pasya naren ako mag ayos para makapunta na sa labas at mag hapunan.

Nakasuot ako ng isang maxi dress nakulay maroon at naka heels na white at may naka sakbit na tot bag saakin si ashi naman ay naka tarted pants at green na sando at pinatungan ng jacket at naka sneakers siya, kung paano ako pumorma noon ay ganun din si ashi.
Habang ang anak kong si aki at ang tatay nyang si rix naman ay naka white tshirt at black pants at naka black na sneakers parang napadaan lang ang dalawang to rito ha.

Nang matapos mag ayos ay nag pasya nakaming lumabas madame kaming nakakasalubong na mga tao ang iilan ay sikat pero dahil isang exclusive na cruise ito ay parang normal na tao lang ren sila rito.

Pag karating sa dinning area ng cruise ay nag order na kami , low carb lang sana ang akin kaso nang matikman ko ang ibang putahe ay natakam ako ng sobra.

"Mom, can we go outside later? Gusto ko po mag picture tayo roon." Tanong ni ashi habang umiinom ng shake tumango naman ako .

"Gayahin natin yung pic natin dati pero this time si aki ang buhat!" Masayang sambit ni ashi pag ka labas namin buti at dala ko ang DSLR camera ko.

May dumaang crew sa harap namin kaya nag pa picture naren kami.
Iilan ang litrato kasama ang nga anak karamihan ay kaming dalawa ni rix.
Nang mapagod mag picturan ay umakyat naren kami sa kwarto upang mag pahinga.

Sa ilang araw rito ay ganun ang ginagawa kami, kakain ,matutulog mag pipicture lahat ata ng outfit ko ay na isuot kona kaya pag nasa loob ng kwarto ay naka oversized shirt nalang ako .

Minsan ay damit ni rix ang suot ko, sa ilang araw rito ay ibat ibang bansa ang nalibot namin hindi naman kami masyado nababa pag tumitigil kasi natatamad ako. Pero ayos naman sa pamilya ko at nalilibang sila sa mga pa event show ng cruise na ito.

May live band sa gabi at may mga mini concert sa umaga hanggang hapon kaya sulit ang binayad . Nag pakilala ren ang iilang artista na narito ang iba ay local artists karamihan ay mga international . Nasanay naren kami makisalamuha sakanila.

Hanggang dumating ang huling araw namin sa barkong ito, at sa araw na ito ay may taong hindi ako inaasahan na makita rito at sa tingen ko siya ay inaasahan niya na mag kikita kaming muli rito sa barkong ito.

Hanggang Sa Muli.Where stories live. Discover now