24

25 8 0
                                    

Ilang araw kong pinag planuhan ang handaan ni oliv pinaluwas koren sila mama ng manila para may katulong sa pag gayak, ganun din si mikoy dahil wala namang syang tanggap na trabaho.

Dumating ang araw ng graduation ni oliv hapon pa naman ito kaya nag gayak na kami sa bahay , sa may pool area namin naisipan mag set up .

Nandito ang mga kaibigan ko kaya di ako nahirapan sa mag aayos. Habang si mama at papa ay nasa kusina kasama ang ibang kasambahay na nag luluto si mikoy ay narito ren at mukang naka move on na kay asherly.

"Mikoy my boy!Naks rhyming." Natatawang asar sakanya ni markie.

"Ikaw kuya markie mahanapan ren kita ng butas! " Naaasar na sabi ni mikoy.

"Hoy markie! Kung inaayos monato at hindi puro kagaguhan ginagawa mo nakakatulong kapa!" Masungit na saad ni gly nag tawanan naman si mikoy at markie.

"Ah! Alam kona!" Nang aasar na sabi ni mikoy sa muka ni markie at tumakbo hinabol naman ito ni markie.

Parang mga batang nag takbuhan ang dalawa nakitakbo naman si akihiro.

"Gly ikaw na muna bahala dito padating nadin si Natalie at Yssay nag chat na sakin, papaayusan kopa si oliv alam mo na." Saad ko bago umalis sa likod para mag ayos na at puntahan si oliv sa dorm.

Pag kasundo ko rito ay dinala ko sya sa isang salon malapit sa isang mall, salon ito ni asherly bagong bukas palang kaya naman sinubukan nanamin.

Maganda ang serbisyo nila wala ngalang si asher pero okay naren nag ka discount dahil binilin nya kami.

Pag karating sa unibersidad ay naging mabilis ang daos ng seremonya nag martya ako kasama si oliv pinag titinginan kami siguro sa isip nila ambata ng nanay ni oliv ,jusq Lord .

"Please let's get around of applause for the students from Engineering with Latin Honors " banggit ng nasa unahan. Laking gulat ko ng tumayo si oliv isa pala sya sa may Latin honors. Natuwa ako kaya naman kinuhanan ko siya ng litrato.

Masayang umakyat ng stage si oliv ng tawagin ang pangalan nya at tinanaw ang pwesto ko sabay angat ng diploma nya . Nakakataba ng puso ang ginawa nya kahit hindi ko siya kaano ano ay napaka saya ko para sakanya.

Matapos ng seremonya at dunaretso agad sakin si oliv at iniabot ang diploma sabay hatak sa ibang staff ng resto namin at nakipag pa picture.

"Oh picturan nyo kami ni ma'am mik!' sigaw ni oliv kayla len kaya naman inabot ko ang cellphone ko para makipag picture.

Andameng pose ang gusto nila may candid at kunware raw ay nag uusap kami kaya ginawa namin. Laking gulat ko ng mag salita si oliv habang nag pipicture si len saamin.

"Maraming salamat sa lahat ate mik, kung wala ka . Kung hindi moko tinanggap wala ako ngayon dito, napaka laking tulong mo sa akin balang araw masusuklian ko ang lahat ng tulong mo." Sambit nito sabay yakap sakin naiiyak naman ako pero bawal baka buyuin ako ng ibang staff .

"Nako kang bata ka, ang mabuti pa sa bahay na tayo dumaretso susunduin natin sila ashi at kakainin sa labas." Pag sisinungaling ko ang ibang staff ay gusto ko isama ngunit may selebrasyon daw sila sa mga bahay nila kaya ang nangyare ay si oliv lang ang kasama ko at nandun naman na sa bahay sila leni at roi ang dalawang staff sa resto kaya okay naren.

Habang nasa byahe ay nag kekwento lang si oliv ng nangyare sa kanya sa college life nya. Ang pag oojt nya at ang iba pang dinanas nya natutuwa naman ako at nakikinig lang.

"At alam mo ba ate mik? Dun sa pinag ojthan ko may nakilala ako! Pogi, moreno , matangkad at mabango syempre kaso walking red flag aba andaming ineentertain na babae pero alam mo pipikit ako para sa kanya pag nag kita uli kami kahit walking red flag sya.  Ang bait nya po kasi at mukang matalino mapag mahal sa pamilya. Architect sya dun sa kumpanyang napag ojthan ko balak ko na dun naren mag apply malay mo ito na ang luck ko! Pero sa cavite eh pero sugal ror!"  Mahabang saad nya na ikinatawa ko.

Hanggang Sa Muli.Where stories live. Discover now