04

85 20 0
                                    


"Okay mga anak ko! 10 minutes nalang at papasok na tayo okay? Tayo na susunod. " Sabi ni coach wala ako sa mood makihalubilo pero kailangan .

"Nak, gawin moto kahit hindi para sa team. Gawin moto para kay lolo Isikoy nak. Paniguradong matutuwa sila ng lola mikaella mo. " Napangiti ako sa sinabi ni coach agad ko syang niyakap.

Panay sigawan ang naririnig namin.
Tumugtog na ang cheering yell.

" Let's go LaSalle win this fight! We can do this!"panay sigaw na ang narinig namin matapos iyon.

" I fly ! You fly! I fight! You fight! I stand! You Stand let's do this team!" Pang eenganyo ko sa team habang papunta sa pwesto. Napakaingay na at di na kami mag karinigan. Nag simula na ang tugtog . Sumabay kami sa pag indak ng bawat isa. Bawat beses na itatapon ako wala nakong kabang nararamdman. Pakiramdam ko ang sasalo sakin ay si lola kaya hindi kona kailangan matakot.

Mabilis ang routine ginawa ko ang parate ko. Patapos na kami ng madistract ako pag tingen ko sa harap nakita ko si flerix seryosong naka tingen sa camera bago iclick ngumiti lamang ako sa lahat. Isang stunt nalang at matatapos nako sa hindi inaasahan natapos na ngunit hindi nako naka balanse at nahulog ako mula sa 3rd level na pag kakahagis huli na ng masalo ako . Tumama na ang paa ko at alam kong tumabingi ito hindi ko kayang tignan dahil nag iinit ito agad tumakbo ang medic sa akin masakit ang balakang ko ngunit mas masakit ang paa ko.

Dali Dali akong itinabi sa gilid at isinakay sa stretcher dinala sa naka park na ambulance matindi ang tama ng kaliwang paa ko alam kong tagili ito ramdam ko. Pero imbis na umiyak ay natawa nalamang ako. Pang apat na beses natong nangyare twing nalaban ako. Wala ng bago mabuti at pag kakatapos ng laban ito nangyayare huminga ako ng malalim bago pumikit nalamang sabi ko sa nurse sa loob patulugin nalamang ako kaya tinurukan ako ng pam patulog.

Habang nananaginip ako ay nakita ko sila lola at lola na masayang nakatingen sakin Parang sinasabing maaayos ren ang lahat. Pag mulat ng mata ko isang baritong boses ang narinig ko .

" Flerix ikaw ba ang kasama nya? Kailangan kasing isemento ng paa nya naayos naman ngunit kailangan dahil nag hiwalay ang buto naoperahan na sya ngunit kapag di pa sya nagising kailangan ng consent." Sabi ng kausap na doctora ni flerix.

" Doc. Okay na gawin mona ang dapat
Babyahe pako palaguna pag natapos. Kailangan ako roon" yun lang at tinignan ako ng doctora at ngumiti.

" Maayos naba lagay mo? Bakit ka uuwi?" Nag aalalang tanong ni rix sakin ngumiti ako sakanya at lumandas na ang luha saking mga mata.

" Kakamatay lang ni lolo noong biyernes ng gabi. Nakaburol sya sa bahay sa laguna. Kailangan kong umuwi dahil yun ang makakapag paranas sakin ng maayos ang lahat. Yung makasama ko sya kahit huling saglit." Umiyak muli ako at lumapit sya upang punasan ang luha ako at niyakap ako ng mahigpit.

"Shh. Magiging okay ang lahat . Sasamahan kita tapos na finals namin kaya sasamahan kita mikayla hindi kita iiwan." Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko at dahil sa yakap nya ay nakatulog ako kakaiyak.

Umaga na ng gisingin ako upang mag ayos ng gamit. Mabuti at diko dala ang motor ko kaya wala akong ibang aalalahanin. Pag kalabas ng hospital ay nakita ko sa harap si rix binuksan ang shot gun seat at binuhat ako paupo. Sabi ko ay kaya kong mag lakad ngunit ayaw nya.

" Rix. Salamat pero kahit ihatid monalang ako sa bus station okay na ako dun." Nahihiya ako dahil baka abala nalang ako sakanya.

Hanggang Sa Muli.Where stories live. Discover now