13

60 13 0
                                    

Hanggang sa makalabas ako sa event place ay pinipigilan ko ang luha ko. Tumigil ako sa pag lalakad ng marating ko ang kwarto kung saan maaaring mag palit ng damit.

"Kinginang flerix yan wala talagang kwenta! Mag sama sila ng tatay nya ! Isaksak pa nila si honey sa kaloob looban ng kalamnan nila!" Gigil na Gigil na sambit ko habang nag papalit ng damit.

Hindi kona napigilan ang mga luhang kanina pa gusto kumawala kaya habang nag bibihis ako ay humahagulgol ako. Di dahil sa mga sinabi nila kundi dahil hindi manlang umiik si rix habang ganun ang nangyayare na kulang nalang pandirian ako ng kanyang ama at ni honey.

Kahit hindi pa tapos ang shift ko nag paalam nako na umuwi sabi ko masama lamang ang pakiramdam ko.

Nag drive ako kahit na panay hagulgol ako. Ng makadating sa bahay ni rix agad akong umaykat papunta sa kwarto at inempake lahat ng gamit namin ni ashi dikona inayos dali dali ko nalang isinalpak sa maleta namin, gulong gulo ang nga kasambahay ni rix pero hindi ko sila pinansin.

Ng palabas nako ng pinto para ilagay ang huling maleta sa kotse ko biglang may tumigil sa harapan ng bahay na kotse at dali daling pumasok sa gate ang tao. Nakita ko si rix na nag mamadaling lumapit sakin.

"Mik mag usap tayo, bakit ka aalis? Di ka pedeng umalis dinyoko pede iwan ni ashi!" Galit na sambit ni rix.

"Usap? E tanga kaba? Kanina bakit dimo ko kinausap dapat nakisabat kana sa deskusyon ng tatay mo at nyang honey nayan."

"Mik ano ba! Sabing dika aalis!"

"Eh bat naman hindi, diba cheap ako? Kaya heto aalis nako sa bahay mo! Sa buhay mo! Para wala ng sagabal sainyo ni honey."

"Mik! Sinabi ng hindi ka pedeng umalis! Ano bang dimo maintindihan!"

"Anong hindi ko maintindihan? Tangina rix! Ang Hindi ko maintindihan kung bakit wala ka manlang ginawa kanina! Kung bakit hinayaan mo sila? Tangina rix! Ayun na yun oh! Pede mokong ilaban dun rix ! Pede mo silang patigilan para naman hindi sila nakapag salita ng sobrang sasakit rix! Tangina sana dun kanina ni laban mo na hindi lang ako ganung tao! Pero wala e duwag ka ! Wala kang bayag!"

"Mik parang awa mona, hwag moko iwan mik! Wag mo ilayo si ashi!"

"Bakit? Ikaw ba naawa sakin kanina? Ang tindi mo rix! Napaka tindi mo!" Dali dali akong sumakay sa kotse at pinaharurot paalis .

Nang makarating sa bahay ni mikoy agad kong hinanap si ashi ngunit tulog pa sya, nag patulong akong ibaba ang mga gamit ko kay mikoy. Kahit hindi nya maintindihan kung bakit andame kong dala ay tumulong paren siya.

Sa lubos kong pang hihina bigla nalang akong napaluhod at umiyak ng matapos na kami mag baba ng gamit, tanging hagulgol lamang ang nagawa ko habang yakap yakap ako ni mikoy.

Damang dama ko ang sakit ng kasalukuyan at ang nakaraan dahil parang ganun ganun din ang nangyare ngayon, hindi paren ako nagawang ipag laban ni rix.

"Ate, anong nangyare bat biglaan naman to? Okay pakayo ni rix nung nakaraan ha. Anong nangyare?" Nag aalalang tanong ni mikoy.

Imbis na sagutin siya ay iyak lamang ang naitugon ko sa mga tanong nya.

"Mikoy, bakit ganito yung nararamdaman ko? Bukod sa mga masasakit na salita ng tatay ni rix ,Bakit ako na sasaktan? Dapat baliwala nalang to mikoy kasi... Kasi wala naman akong nararamdaman kay rix per- ..."

"Ate ,kaya ka nasasaktan kasi mahal mo paren si rix."

"No, hindi kona sya mahal."

"Aminin mona ate na sa ilang bwan kayong mag kasama, bumabalik na uli yung feelings mo. Alam kong kaya ka nakakatagal sakanya ngayon dilang dahil kay ashi. Nakikita at nararamdaman ko."

"Mikoy, hindi nya ko pinag laban sa tatay nya kanina, walang isang salita ang lumabas sa Bibig nya. Wala manlang syang nagawa mikoy! Wala!"

Pag katapos kong sambitin ang mga katagang ito ,bigla akong nakaramdam na may yumakap sa likuran ko.

"I love you mommy, don't cry napo"
Naluluhang sambit ni ashi habang nakayakap sa bewang ko.

Lalo akong naiyak ng makitang wala syang alam kung bakit ako umiiyak. Hindi na dapat madamay si ashi, ayaw ko man ipagdamot si ashi ngunit. Mababaliwala ang lahat kung hahayaan kong mag sama kami ni rix muli ngayon at kung pangungutya ang matatamo ko mula sa ama nya.

Siguro hindi pa ngayon maitatama ang pag ibig namin, siguro hindi pa ngayon.

"So anong balak mo ate?" Tanong ni mikoy.

"Nag karoon ng relocation yung hotel na pinag tatrabahuhan ko, ma-lolocate nako sa palawan. Siguro dun muna kami ni ashi tutal stay in ren naman. Hwag mo nalang sana maipaabot kay rix pede ba?"

Nung nakaraang bwan pa nabanggit samin na ma rerelocate kaming mga nasa maynila kaya naman pumayag ako na irelocate dapat ay diko kasama si ashi ngunit sa nangyare ngayon mas desidido nako na ilayo sya kay rix.

"Palawan? Sigurado kana ba dun?"

"Oo , siguro pa sa pag asang pag balik nyang inaantay mo." Kahit nang aasar ang tono ko ay ramdam ko ang bigat sa pakiramdam ko.

Matapos ang usapan namin naiyon ni mikoy nag pasya nakong ayusin lahat ng gamit na dadalahin namin ni ashi. Halos ilang bwan ren kami dun ni ashi, siguro ay i eenroll konalang siya sa online class para matutokan ko ren siya sa pag aaral nya.

Ilang araw na kaming ng aayos ng gamit at papeles para makalipad patungo sa palawan. Walang araw na di dumadaan si rix at nakikiusap na bumalik kami ngunit desido akong umalis. Kung di man nya kayang ilaban kami ni ashi.l, ako nalamang siguro ang lalaban para saamin ng anak ko.

Ako nalang siguro ang mag tataguyod kay ashi tutal nakaya ko naman na ito. Tutal nandito naren naman ito, back to basic uli pero atleast mag kasama kami ni ashi.

"Mom? Di ba po natin isasama si dad?" Tanong ni ashi habang nasa byahe kami patungo sa airport.

"No baby, sleep ka muna." Hindi ko masabi sakanya na nag ka problema kami ni rix.

Mabilis lang ang byahe namin pag dating sa airport ay mag iintay lang kami ng dalawang oras bago ang flight. Maigi ng maaga kesa maiwan kami ni ashi.

"Hi miss del raun, baby mo?" Tanong ni mel sakin kasama nya ren ang baby nya mukang mag ka edad sila ni ashi.

"Oo mel, ang gwapo ng anak mo ha." Kinurot ko ang pisnge ng anak ni mel

"Ang ganda ng anak mo miss mik, at ang puti mana sainyo." Pag puri niya.

Di nanamin namalayan ang oras, nag announce na ang nasa unahan na limang minuto nalang ay pede na kaming pumasok sa loob ng eroplano.

Sa hindi inaasahang pag kakataon may nahagip ang mata ko na pamilyar na imahe. Pag baling ko muli ay nakita ko si rix, kasama si honey?

Hanggang dito ba naman ?
Dali daling tumakbo si rix patungo saakin .

"Mik, wag kang umalis. Wag nyoko iwan ni ashi mik parang awa mona. Handa akong mag paliwanag."

"Hindi paba sapat yung nasaksihan ko noon? At ngayon? Rix, kung hindi moren naman kayang panindigan kami ni ashi mabuti sigurong palayain mona kami. Kung hindi moren naman kayang ilaban yung nararamdaman mo, pede bang bitiwan mo nalang kami?" Naiiyak na sabi ko.

"Mik, bigyan mo pako ng chance aayusin ko na mik. Wag kalang umalis mik parang awa mo na." Umiiyak na sambit ni rix habang nakaluhod sa harapan ko.

"Rix, tapusin nanatin tong kahibangan nato. Siguro magiging masaya nalang ako para sainyo ni honey. Tumayo kana aalis na kami."  Itinayo ko si rix saka binuhat muli si ashi na hanggang ngayon ay tulog paren

Lumapit si rix upang mayakap si ashi, dahil dala ko si ashi nayakap naren ako

"Ashi anak, pangako mo babalik kayo mag hihintay ako anak pati naren ang pangako ko sayo , mag hihintay yun anak. Sa ngayon hahayaan ko muna ang mommy mo pero pangako pag balik nyo, tutuparin kona ang lahat anak. Patawadin mo sana ako ashi. Mahal na mahal kita."

Mga huling katagang narinig ko mula sa bibig ni rix bago ako tuluyang kumalas sa yakap nya upang ayusin ang buhat kay ashi at mag lakad .

Hanggang Sa Muli.Where stories live. Discover now